Chapter 26
Tsismis**
"Wait. What? Hindi niyo sila ipinakulong?" tanong ni Dana mula sa kabilang linya.
Tumango si Jade. "Yeah."
Kasalukuyang nasa kanyang kwarto si Jade at nagtutupi ng mga damit habang ka-video call si Dana. Ngayon na lang sila nakapag-usap dahil hindi na siya nakabalik sa klase nang hapong iyon. Ilang oras din kasi ang lumipas bago sila natapos na makipag-usap sa mga magulang ng tatlong estudyanteng nagpahamak sa kanya.
"Bakit? Pumayag ang Daddy mo?" tanong ni Dana.
"Well, their parents literally begged us not to send their sons to jail. The three students also begged and asked for forgiveness. You know me, Dana. Of course, I forgive them but that doesn't mean I don't want them to go to jail. Ayaw rin ni Daddy na manatili silang malaya," sagot niya. "Kaya lang, naawa ako sa mga magulang nila na panay ang iyak at pagmamakaawa para lang huwag silang makulong."
"And then? Dahil naawa ka, hinayaan mo na lang sila?"
"Not really. Nag-usap kami nina Daddy at sa huli, pumayag siya na magkaroon ng settlement. Dad filed a restraining order and they were immediately expelled from school. Their parents also promised that I won't see them anymore. May balak yatang dalhin sila sa ibang lugar dito sa Pilipinas o sa ibang bansa."
Napatango-tango si Dana. "Pwede na rin. At least, hindi ka na matatakot na nandiyan lang sila sa paligid. But you still need to be careful. Hindi lang naman sila ang mapagsamantala rito sa mundo."
"I know," she replied and sighed. "I just hope they won't do that again. Siguro naman ay natuto na sila sa nangyari."
"What about your brothers? What did they say after they found out what happened?"
"Of course, they're furious. Gusto nga nilang sugurin 'yong tatlo. Mabuti na lang at napigilan sila ni Daddy. Hindi na rin namin ipinaalam kay Kuya Jace para hindi na siya mag-alala," aniya. Napatigil siya sa pagtutupi. "By the way, Dana, did you tell anyone about what happened to me?"
Mula sa laptop ay napansin niya ang pag-iwas nito ng tingin. Napakunot-noo siya.
"H-Huh? Wala!" sagot nito.
"Why do you sound defensive?"
"I'm not defensive," she replied. "Bakit mo ba naitanong?"
"Iniisip ko kasi kung sino ang posibleng nagpadala ng CCTV footage kina Mommy. Naisip kong baka si Yael pero alam naman niyang ayaw kong ipaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa nangyari. Isa pa, mukhang masyado siyang busy para pagtuunan pa ng pansin ang paghahanap ng CCTV footage para lang matulungan ako."
Hindi nagsalita si Dana. Mas lalong nagtaka si Jade sa pagiging tahimik nito. Hindi rin ito makatingin sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay may itinatago ito sa kanya.
Natigilan siya. Hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niya na baka si Dana ang nagpadala ng CCTV footage sa kanyang mga magulang.
"Dana," tawag niya sa kaibigan. "Are you the one who gave the footage to my parents?"
Nanlaki ang mga mata ni Dana sa narinig. Agad itong napatingin sa kanya.
"Huh? Of course, not! Ni hindi ko nga alam na may CCTV pala sa lugar kung saan ka dinala no'ng tatlo," sagot nito. Sa huli ay bumuntong-hininga ito. "Pero... may hinala ako kung sino ang posibleng nagpadala no'n sa mga magulang mo."
"Who?"
Napaiwas ng tingin si Dana. Parang nagdadalawang-isip pa nga ito pero sa huli ay umamin din.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Pretender (Silent Lips Series #3)
RomanceSilent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae ang mga nilalaro niya, palagi siya nitong tinatanggihan at iniiwasan. Kalaunan, hininto na lang niy...