CHAPTER 1

4.7K 77 6
                                    

-*-

ZARIOUS' POV

"Hello." I picked my phone up na kanina pang tumutunog.

"Hoy, Zarious! Ano na naman 'tong nakarating sa 'kin na may nabuntis ka raw?! At paano nila nalamang kapatid mo ak--!"

"Is that your way of greeting me a good day, Ziria? Okay, good day too," I answered in a tipsy tone.

"Sagutin mo ako, pupuntahan talaga kita d'yan para kutusan ng isa! Makikita mo hinahanap mo!"

I sighed. "Okay, easy. Kalma." I chuckle. "Ano bang bago, Ziria? First of all, palagi akong gumagamit ng proteksyon. And someone's accusing me to be responsible of impregnating her? That's impossible. Ikalawa, palagi mo akong tina-tag sa mga shared posts mo sa FB at mga post mo sa IG, paanong 'di ka nila makikilala, e malay ko bang stalker pala sila?" I put the phone between my shoulder and cheek saka ko sinimulang maglagay ng pampalasa sa niluluto kong adobo.

"Okay, let's say na wala ka ngang nabuntis. Pero, Zarious! Ang tanda-tanda mo na! College ka na next year, can you stop doing that shit one night stands?! Ang isip bata mo." I imagined her rolling her eyes.

"That's the point, little girl. Matanda na ako tapos virgin pa? No freaking way on earth!"

"The heck, Kuya?! Baka nakakalimutan mong babae rin ako? Masisikmura mo bang isipin na ginagawa ng ibang lalaki sa 'kin ang ginagawa mo sa mga babae?! You're using them just for your sake!"

"Sila ang gumagamit sa 'kin. I didn't took advantage from anyone of them. Sila ang gumagawa sa 'kin no'n and they fucking want it! Kung ayaw naman nila, e hindi ko naman gagawin!" Nagsimula na akong mag-ayos ng pinggan.

"Tsk! Basta! Si Lolo, kumusta?" I sighed in relief nang ibahin niya ang topic.

"Ayon, nagpapaka-busy pa rin sa trabaho. May meeting 'yon ngayon sa mga stockholders ng school tapos may business trip daw siya bukas sa Europe. Ang tanda-tanda na, kung ano-ano pang pinaggagawa sa buhay." I laughed. "Si Lola? Kumusta?"

"Ito, walang inatupag kundi 'yong mga halaman niya," she answered. "Ano, nakapagdesisyon ka na ba kung saan ka magkokolehiyo?"

"Oo. Diyan na lang siguro sa probinsya. Anim na taon din akong napalayo d'yan since I started studying here my high-school." Hinila ko ang upuan at umupo sa harap ng pagkain.

"Good. Kumain ka na?" she asked randomly.

"Kakain pa lang."

"Hay nako, Kuya! Sabi ko na nga ba e! Late ka na naman kumain, ah? Kapag ikaw talaga nagka-ulcer tatawanan pa kita," she sarcastically said from the other line. I just answered her with a chuckle habang ngumunguya. "Sige kain na r'yan basta 'yong sinabi ko, ah? Tigil-tigilan mo na 'yang pagiging fuck boy kuno mo! Bye! I love you! Miss you, Kuya."

"Oo na. I love you! Miss na rin kita, punta ka rito minsan," saad ko matapos lumunok.

"Kapag 'di na busy. Sige-sige." She turned the call off.

Aba't ang babaitang 'yon! She's just Grade 10 pero kung makapagsabi ng "Kapag 'di na busy" akala mo hectic schedule niya! Sampal ko sa kaniya thesis ko, e!

--

"Valene, I have to say something," I uttered habang inilalagay ng waiter ang order namin sa mesa.

"What?" she asked then she gives me a genuine smile. "Is this about your college?"

"Nah. It's all about us." Nangunot ang noo niya sa sinabi ko at hinintay kong umalis ang waiter bago dugtungan ang sinabi ko. "Let's just end this."

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon