CHAPTER 53

1.1K 33 4
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Malalagot talaga ako kay Dora kapag nakita niya ako! Jusmeng bakla 'yon!

Hindi kasi ako sumipot sa photoshoot! Baka sakalin ako ng bakla to death... oh my gosh! Hindi ako sumipot! Ghoster na ba ako? Oh shit!

Chos.

Bahala na 'yong baklang 'yon, marami naman 'yong reserba. Ako lang talaga pinipili niya kasi alam niyang kailangan ko ng pera. Ang mas pinoproblema ko ay ang klase ko mamayang hapon!

Jusme! Kumusta na kaya 'yong mga group mates kong tamad at pabuhat?! Sana magkabuntisan sila! Ang sakit nila sa pwet, buti na lang wala kang pwet! Phew!

Mas malaki pa pwet ng bayot kesa sa 'yo!

Wait.

Ano raw sabi ko?

Bayot?

Sino bang bayot?

Wala!

Walang bayot!

May kilala ba kayong bayot?

Sanaol.

Pagkababa namin ng airplane (englisher na ako) sumakay kami sa isang kotse... si Mario maiilabs ang driver at katabi niya si Mr. Donovan. Samantalang kami ni Deilan, andito sa likod... at alam niyo ba? Ang batang may sariling mundo, natutulog na naman! Lintik na batang 'to! Wala atang role dito sa story ko kundi ang matulog! Tsk!

Lintik kasing kotse 'to... may naaalala lang ako, e!

'Yong lagi niya akong pinapasakay sa kotse niya... 'yong brown niyang mata na sobrang talim... 'yong abs niya... 'yong kaniyang malaki at mahaba. Gosh!

Erase! Erase!

Ayoko nang isipin 'yon! Mas mabuti pang kalukahan na lang ang nasa isip ko kesa sa putanginang 'yon! Nasasaktan lang ako! Tsk!

Manloloko!

--

"From now on, you'll be studying here."

Halos magback-flip ako sa upuan ko dahil sa sinabi ng magandang guwapo!

Nasa isang sobrang engradeng restaurant kami kasi hindi pa kami nagla-lunch. Tahimik na kumakain si Deilan sa tabi ng matanda at katabi ko naman si Mario sa harap ng round table na may kulay pula at puting tela.

"Your Mom told me that you wanna be a doctor," sabi pa niya nang nakatingin sa 'kin nang diretso. Nasalo ko ang maganda niyang mata na kulay berde... sanaol kulay dahon ang mata! "I already fixed your papers in the Philippines... and you'll do bridging, of course. You'll be taking a medicine course in any specialization you want in Caldwell's University."

Tumatango-tango lang ako na parang nakikinig talaga ako sa sinasabi niya. Hindi ko siya pinapakinggan kasi nakakaloka ang accent niya, gh0rl! Nakakaintindi ako ng english pero sobrang bilis niya magsalita!

Nabalot kami ng awkward na katahimikan habang kumakain. Sa totoo lang, wala naman talaga akong pake. Gusto ko lang makita si Nanay at malaman kung bakit niya kami iniwan! Gusto ko magtanong kay Mr. Donovan pero mukhang hindi ko lang maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kaniyang fucking accent.

Napahinga ako nang malalim kasi sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang dami kong gustong sabihin kay Nanay. Ang dami kong gustong itanong... gusto kong umiyak kapag nagkita kami... gusto ko siyang yakapin pero pakiramdam ko mauubusan lang ako ng lakas.

Bakit siya umalis? Anong ginagawa niya rito sa America? Paano niya nakilala ang kanong hilaw na 'to? Bakit hindi niya kami binalikan? Mahal niya ba kami? Bakit niya kami pinabayaan? Paano niya nasikmurang iwan ang mga anak niya?

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon