CHAPTER 33

1.2K 36 7
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Nakaalis na si Claud pero ang bayot, e nandito pa rin at hindi kumikibo sa kinauupuan niya.

Nagpahinga lang nang kaunting oras si Claud at kaagad ding lumisan. Hindi ko nga alam ang dahilan niya, e. Basta palagi siyang hindi nagtatagal dito sa 'min sa tuwing bibisita siya.

Pumasok na si Deilan sa kuwarto namin at natulog na. Sinimulan ko na ring hugasan ang mga pinagkainan namin... at kahit nakatalikod ako sa kaniya, e ramdam ko ang matatalim niyang mga mata na nakapukol sa akin.

Hmp! Bahala siya d'yan matae sa kinauupuan niya! Hindi ko siya papansinin!

Ang kapal ng mukha na magpakita rito matapos akong lokohin! At take note, sa harap ko pa! Aba! Anong akala niya sa 'kin, martyr?! Hindi, 'no! Hindi ako magpapakatanga sa kaniya!

Pinaiyak-iyak niya ako tapos pupunta siya rito na parang wala lang?! Aba! Nag-iinit ang dugo sa tanginang bayot na iyan!

Ilang beses ko na nga siyang nasakal at naibalibag sa lupa sa utak ko! Sana huwag magdilim ang paningin ko at nang hindi ko magawa sa kaniya!

May pa promise-promise pa siyang nalalaman na hindi raw ako iiwan! Pwe!!

Hindi nga nang-iwan, nanloko naman! Yuck!

Kahit kailan talaga, ang sarap niyang talupan ng balat sa mukha! Ang sarap niyang dukutan ng mata! Ang sarap niyang ihambalos sa toilet bowl! Ang sarap balutan ng plastic sa mukha! Ang sarap niyang hubaran at halik-halikan! In short, ang sarap niya!

Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Erase, erase!!

Buti na lang talaga naubos namin ang pagkain... mwahahaha! Kahit makonsensya ako na hindi pa siya naghahapunan at kasalanan kong gutom siya dahil 'di ko siya pinakain, e wala akong magagawa kasi wala nang makakain! Yay!

Matapos kong mahugasan ang pinggan, nagdiretso ako sa banyo... nakita ko pa sa sulok ng mga mata ko na hindi pa rin siya kumikibo sa puwesto niya.

Aba't matibay!

Trip niya atang magmannequin challenge kahit hindi na trend! Pfft!

Halos kalahating oras ang itinagal ko sa panliligo dahil pakanta-kanta pa ako ng kung ano-ano. Hindi kasi ako aware na pangit ang boses ko.

Nang makuntento ako sa pagligong ginawa, saka ko lang narealize na nakalimutan ko pala ang tuwalya! Argh!!!

"DEILAAANN!!! PAABUTAN NGA SI ATE NG TUWALYA DITO SA BANYO! BILISAN MO!!!" bulyaw ko kahit gabi na. Malayo naman dito ang pinakamalapit na bahay kaya kahit magconcert ako dito magdamag, e okay lang...

Ilang minuto ako naghintay pero walang kumatok sa banyo na Deilan. Tanginang bata 'yan, kung matulog akala mo mantika na kailangang painitan sa puwet ng lalagyan bago magising!! Argh!

Okay lang naman siguro na tawagin ko si Zarious, 'di ba? May kasalanan naman siya sa 'kin, e. Hehe...

"Bayot! Puwede paabot ng tuwalya? Andyan nakasampay sa TV... ay! Wala pala kaming TV! Hehehe!! Ando'n sa upuan. Hehe. Please." Napipilitan pa ako niyan.

Ilang minuto rin akong naghintay pero walang Bayot na tumugon.

Nakaalis na ata. Okay na sigurong lumabas ako kahit walang saplot... wala rin namang makakakita.

Kumakanta-kanta pa ako habang binubuksan ang ulagang pintuan ng banyo. Ang hirap kasi buksan.

"Kunin mo na ang lahat sa akin~~ 'wag lang ang aking bayot~~" pagkanta ko. "Alam kong kaya mong paibi---!" Napatigalgal ako at napahinto sa pagkanta nang masalo ko ang matatalim na titig ng kulay kape niyang mga mata.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon