CHAPTER 38

1.1K 27 6
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"What the hell are you doing with him, Fatima?! A-Are you flirting him?!"

"Nope! Nakita ko lang siyang naglalakad at madadaanan niya 'yong impaktang si Rubie kaya ko siya nilingkis! Alam mo na, para akalain no'ng tanga na may bago nang sugarplum 'yong jowa niya at ako 'yon!"

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Aray ko!"

"Hindi ba nandiri sa 'yo ang babe ko? Assumera ka!"

"Hindi nga niya ako pinansin! Hmp! Hindi man lang nagsalita at pinuri ang kagandahan ko!!!"

"Buti nga!"

Kahit nasa likuran ko sila ay rinig na rinig ko ang usapan ng dalawa.

Hindi ba nila ako pansin? Hindi ba nila ako nakikilala? Ang shushunga naman nila!

"Let's go, Fatima, hanapin natin 'yong impakta. Abangan natin sa CR tapos buhusan natin ng tubig na ginamit no'ng janitor," rinig kong 'aya ni Jaden kay Fatima.

"Exciting!"

Tsk! Mga isip bata talaga! College ba talaga sila? Dapat sa kanila, ibinabalik sa high school, e!

Nang maramdaman kong nakaalis na sila, wala sa sariling napairap ako.

Buti na lang narinig ko sila, kung 'di baka nga nagdiretso ako sa CR! Naiihi pa naman ako!

Bruh! Nawala pagkaihi ko sa kaisip-bataan nila!

Dali-dali kong nilikom ang gamit ko. Tapos na ang klase ko kaya puwede na akong umuwi.

Kahit madilim ang kalangitan at nagbabadya ng ulan, e ayaw ko pa rin umuwi! Saan kaya makadiretso?

Mabilis na lumipas ang araw at weekend na bukas at simula na ng school festival next week. Nanakit batok ko dahil sa inaayos naming booth. Hindi rin naman kami natapos kasi hapon na. Kulang na rin sa oras. Nakakapagod din.

Habang naglalakad sa kalsada, natanaw ko ang burol.

Parang bumalik na naman sa lahat... ayoko nang makita 'yang burol na 'yan kasi ibinabalik lang niyan lahat ng alaala ko sa lalaking 'yon... pero hindi ko naman 'yan pedeng paalisin d'yan. Na... hoy, burol! Umalis ka nga d'yan, naiirita ako sa 'yo, e!

Tinangay ako ng utak ko kung saan-saan hanggang sa namalayan kong nasa paanan na pala ako ng burol. Lintik na mga paa 'to! Bakit ako dinala rito?!

Pinaaalala lang ng lugar na 'to na nagtiwala ako sa kaniya! Na hinayaan ko siyang angkinin ako! Pinaaalala lang nito kung gaano ako kasaya na kasama siya, e!

"Don't look for someone to find where the brightness of life is... kasi nandito 'yan... sa sarili natin."

Nag-echo sa utak ko 'yong sinabi sa aking ng putangina!

Nagsimula akong umakyat kahit pagod ako. Hindi ko alam kung bakit kusa akong dinadala ng mga paa ko rito at hindi ko rin alam kung bakit ko hinahayaan ang sarili kong magpatangay sa mga hakbang ko.

Totoo nga... totoo nga 'yong sinabi mo, putangina ka!

Akala ko sa 'yo ko nakikita 'yong brightness ng life! Pero... pero hindi pala! Bakit hindi ko agad narealize 'yon?!

Siguro wala rin sa 'kin 'yong brightness ng life niya kasi nasa sarili niya. Makasarili kasi siya! Pinasagot niya lang ako para masatisfy ang sarili niya na kahit sino at anong uri ng babae, e kaya niyang pikutin!

Ang galing ng talent niya! Napakagaling! Deserve niya mabigyan ng golden buzzer kasi... kasi... nasaktan ako. Sobra.

Ang effective niya! Sobra!

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon