CHAPTER 20

1.5K 41 30
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Pero syempre, hindi ko talaga siya binato ng sapatos. Pfft! Bad mood na nga 'yong bayot ta's babatuhin ko pa? Ano namang klaseng kyut ako?

Hindi ko pa rin iginagalaw ang katawan ko at nanatili akong nakatitig sa elesi ng ceiling fan habang nakaratay sa malambot na kama. Halos kalahating oras na akong nasa ganitong posisyon pero hindi talaga trip ng pempem kong may dugo na tumayo at hanapin kung nasaan ang timang na si Deilan.

"Rubie?" pagtawag ng isang pamilyar na boses sa likod ng pinto kasabay ng mga pagkatok.

Napalundag ako sa kama at tinuwid ang nagusot kong t-shirt saka sinabing, "Pasok, 'di n-nakalock 'yan."

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri at tumambad sa 'kin si Ziria na may dala-dalang malapad ngunit manipis na kahon.

"Pinapadala ng attitude kong kuya," singhal niya habang inilalapag sa kama ang kahon. "Ito 'yong gown mo," muwestra niya sa 'kin.

"S-Salamat." Kinlaro ko ang lalamunan ko.

"Okay lang... tsk! Lintik 'yang si kuya, pang-abala! I wanna punch his face until blood streams on it! Argh! He's annoying the hell out of me!" Inis siyang umupo sa kama at umirap-irap sa hangin habang pinapakailaman ko ang kahon.

Sakto lang 'yong laki ng gown. Turtle neck, sleeveless ang kaliwang braso at long sleeve naman 'yong kanan. May malaking butas na pabilog sa likod at siguradong babalandra ang likod ko nito. Simple at minimize lang ang design pero humihiyaw ang gown sa karangyaan at kaelegantehan dahil sa kulay nitong silver na kumikislap kapag tinatamaan ng liwanag.

"Nag-away kayo ng kuya ko, 'no? Anong ginawa mo do'n, ate? Bakit parang kaya niyang wasakin ang planetang earth sa galit?"

Kunot noo akong napalingon sa kaniya na nakaarko ang isang kilay sa 'kin.

"Pipi ka ba, ate? Gusto mo turuan kita magsalita?"

"A-Ah... hehe..." Awkward. "S-Si Zarious ba? Ewan ko... uhm... may d-dalaw ata 'yon... 'wag mo na l-lang pansinin." Hindi ako makatingin sa kaniya nang pagliitan niya ako ng mata kaya inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng gown.

Lintik! Bakit ang awkward-awkward ng hangin? Argh!

"Liar, tsk!"

Tumaas ang temperatura ng katawan ko at nagsimula na akong pagpawisan. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang braso ko.

"S-Si Deilan pala? Hehe..." paglilihis ko ng usapan.

"Ayon nga, nasa kuwarto ni kuya! Ayaw niya akong palapitin! Gusto ko pang makipaglaro, e! Pinatulog ni tanga! Argh! Galit na galit usto manakit ni kuya kapag sinabi kong ako na magbabantay, e! Nakakainis talaga si kuya, e! Sarap niyang tirisin!" Inis niya pang iniakto kung paano niya titirisin ang kuya niya kaya napatawa ako. "'Wag mo nga akong tinatawanan!" Namewang siya sa harapan ko at taas noo niya akong tiningnan nang diretso sa mga mata. "Pumunta ka sa kuwarto no'n, kausapin mo, dali! Baka magbabago ang mood!"

Itinulak niya ako palabas ng kuwarto at hindi na ako nakapalag kasi nakakahiya. Hindi pa naman kami gano'n katagal magkakilala... pero okay rin siya kasi kung ituring niya ako parang ang tagal na naming magkaibigan.

--

"I-Ikaw na kumatok, natatakot a-ako, e," pagpupumilit ko sa kaniya.

"Bobo ka ba? Galit nga siya sa 'kin, 'di ba? Eh 'di mas lalo 'yang nagwala kapag ako 'yong kumatok?! Ikaw talaga, ikakasal ko kayong dalawa nang maaga, e!" Mataray siyang ngumuso sa hangin.

"Kasi... g-galit din siya sa 'kin, e..." Napakamot ako sa batok ko. "Aray!" pabulong kong daing nang sapakin niya ako.

"Sinasabi ko na nga ba't nag-away kayo! Tsk! Kausapin mo na, dali! Ayoko pang maglaho sa solar system ang earth, 'no! At mas lalong ayaw kong lumipat sa planetang namik!" singhal niya sa 'kin.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon