CHAPTER 44

1.1K 31 0
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"Fuckshit! Ang init!!" mura ng bayot na kanina pang ikot nang ikot dito sa loob ng kuwarto niya.

Pagkatapos ng pageant na kinapanalunan ni Roxanne at Claud, dumaan kaming apat sa isang restaurant at sabay-sabay na nag-dinner.

Pagdating namin dito, tulog na sila lahat pero napag-alaman naming walang kuryente. Natumbahan daw ng puno ng niyog 'yong poste ng kuryente do'n sa may kanto ng subdivision kaya ito, hindi mabuhay ng bayot ang air-con.

"Mabubuhay ba 'yang air-con na 'yan kapag nagmura ka nang nagmura, ha? Matulog ka na." Umirap ako sa repleksyon ko sa salamin.

Kita ko pang napanhinga siya nang malalim sa likuran ko at ginulo ang buhok niya sa sobrang prustrasyon. Nakasuot siya ng puting sando na fit na fit sa kaniya at boxer-shorts.

Ako naman, ito, suot ang isa niyang t-shirt na oversized sa akin. Mahaba siya na hanggang tuhod kaya hindi na ako humingi ng shorts kasi parang dress na rin siya.

Bakit ba naman kasi ni-lock ni Deilan 'yong kuwarto namin sa baba?! Hindi tuloy ako nakapasok do'n, napilitan tuloy akong dito matulog.

"Whatever," inis niyang singhal at napairap pa sa hangin.

Hindi ko na siya pinansin. Nakadipa akong tumihaya sa malawak niyang kama at ipinikit ang aking mga mata.

"Matulog ka na! Parang ngayon ka lang hindi mae-air-con-an!" wika ko habang nakapikit.

Ramdam kong umuga ang kama, siguro umupo siya sa tabi ko.

"Sugarplum," bulong niya habang bahagyang inuuga ang braso ko.

"Hmm?" ungot ko.

"Tara sa pool." Ramdam kong tumayo siya sa kama kahit nakapikit ako.

"Huh?" Iminulat ko ang isa kong mata na may nakakunot na noo. "Ikaw na lang! Inaantok na ako!" Pumikit ulit ako.

"Pleaseee.... let's go na kasiii." Hinila niya ang paa ko dahilan para makaladkad ako sa kama.

"Tangina mo!" Sinipa ko ang kamay niya. "Magpool ka mag-isa mo!" iritado kong singhal. "Akala mo naman may tikbalang do'n." Gumapang ako pabalik sa puwesto ko at padapang isinalampak ang katawan ko saka ko ibinaon ang mukha ko sa malambot at mabango niyang unan.

"Sugarplum, please," nanunuyo ang boses niya habang umuuga ang kama. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. "Please." Hinawi niya ang buhok ko at hinalikan ang batok ko.

Kinukubabawan niya na ako!

"Umalis ka nga d'yan! Inaantok na sabi ako!" asik ko.

"Sasamahan mo ako or..." Naramdaman ko na itinataas niya ang suot kong t-shirt. "--or we'll do this. Choose--!"

"Oo na! Umalis ka na d'yan! Saglit lang, ah!" Tumayo ako at tinabig ang katawan niya.

"Yay!" Napasuntok pa siya sa hangin. Tuwang-tuwa ang bayot, nauto na naman ako!

Lagi na kasing gusto mang-rape! ;<

Pagdating namin do'n, umupo lang ako sa isang upuan. Tumayo siya sa gilid ng pool at hinubad ang sando niya mula sa batok. Kitang-kita ko mula dito sa posisyon ko ang pag-flex ng muscle niya sa likod habang gumagalaw. Nang akala ko tatalon na siya pero hinubo rin niya ang boxer-shorts niya.

Kulay pulang brief na lang ang natira niyang suot na mas lalong nagpatingkad sa maputi at pantay na kulay ng balat niya. Nakabalandra pa sa 'kin ang puwet niya. Enjoy na enjoy na ako sa pagpapanstasya sa matambok niyang puwet pero kaagad siyang nagdive sa pool.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon