CHAPTER 31

1.3K 36 1
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"Pretending tough, huh?" di-makalao'y nilingon niya ako na may nakaarkong kilay.

Sandali kong sinulyapan ang ID niya...

Fatima Macapagal

"Hindi naman. Ayoko lang talagang may makakita sa 'kin na mahina ako. Natatakot akong mahusgahan, e," wala sa sariling tugon ko.

"Natatakot kang mahusgahan? Bakit, perpekto ka ba?" sarkastikong tanong sa 'kin ng babaeng nagngangalang Fatima.

"Bakit, wala ba akong karapatan?" pagbabato ko ng sarili kong argumento.

Sarkastiko lang siyang napatawa nang mahina habang umiiling-iling. Taas-noo niya akong tiningnan saka siya nagbitaw ng mga salita, "Oo, wala kang karapatan na matakot mahusgahan. Bakit ka matatakot kung hindi ka naman talaga perpekto? Natatakot ka sa katotohanan? Hindi mo ba tanggap ang mga imperpeksyon at mga pagkakamali mo?"

Mahirap ako... ulila ako... mahina ako... mahirap akong mahalin.... pero... "T-Tanggap ko," pabulong kong tugon.

"Hindi mo ba mahal ang sarili mo?"

"Siyempre, mahal k--"

"Oh, eh ayon naman pala! Bakit ka natatakot na mahusgahan? Adik ka ba? Syempre kapag sinabi nilang, ayy ang iyakin naman nito! Tugunan mo ng, alam ko!" Ngumisi siya sa 'kin.

"Ewan ko! Basta ayokong hinuhusgahan ako!" asik ko. Ngayon ko lang napansin na humupa na pala ang lungkot ko.

"Hay nako, ang mga tao nga naman! Buo nang buo ng konklusyon, sala naman!" inis niyang bulong sa hangin. Nilingon niya ako at nagsalita, "Kung tanggap at mahal mo ang sarili mo... hindi ka sa panghuhusga natatakot... doon ka natatakot sa sakit na idudulot ng mga panghuhusga sa 'yo."

Dahan-dahang sumisid sa isipan ko ang mga sinabi niya.

"Sinuman sa atin ay walang karapatang matakot na mahusgahan... pero lahat tayo ay karapatang matakot na masaktan." Tumayo siya at niligpit ang gamit niya. With proper poise pa siyang naglakad palabas ng library.

Anong ginawa ng babaeng 'yon dito? Nakipagtsismisan? Hindi man lang tinanong ang pangalan ko!

Tsk!

Wala ba talaga tayong karapatan na matakot na mahusgahan? Paano kung husgahan nila tayo na "pokpok"... wala pa rin bang karapatan?

Ang babaeng 'yon, magaling lang maniwala sa sinasabi niya, sala-sala rin naman. Tsk!

Lubdub lubdub! Ikaw ang sala-sala! Kung sasabihan ka nila ng "pokpok" kahit hindi naman... hindi panghuhusga ang tawag do'n... pambibintang kamo. Magkaiba ang panghuhusga at pambibintang ha! Lubdub lubdub!

Eh 'di wao, malandi kong puso! Eh 'di wao!

Lubdub lubdub! Eh 'di shing! Lubdub lubdub!

--

Maga ang mga mata ko habang naglalakad papuntang Canteen. Hinang-hina ako kahit wala pang klase ang naaattendan ko kasi wala namang prof.

Sinuyod ko ang mga tao at natanaw ko si Roxanne na nasa may sulok na mesa.

Buti na lang wala rito ang mapanakit na bayot! Tsk! Siguro kasama no'n 'yong babae niya!

Oh baka naman "totoong girlfriend" niya... kasi ako 'yong "babae". Pwe!

"Bakit mukha ka d'yang cast ng Train to Busan? Ano, infected ka na ba ng COVID-19?" salubong sa 'kin ng babaita.

Nakaisang linya ang labi ko nang umupo ako sa harap niya. Itinuon ko ang dalawa kong siko sa mesa at ipinatong ako baba ko sa 'king dalawang kamay.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon