EPILOGUE

2K 49 12
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Pagbaba namin ng bayot sa garden, nandoon na ang lahat. Parang tanga kaming dalawa na may pa-grand entrance pa, jusme!

Late nga kami!

Nagsuot lang ako ng simpleng pencil cut blue dress habang si Zarious ay nakasuot ng kulay abong suit. At alam niyo ba? Ang bayot, hawak pa ang bewang ko habang naglalakad kami sa garden kung nasaan ang mga bisita namin!

"Bitiwan mo nga ako!" Siniko ko siya. "We're not teenagers anymore."

"I heard nothing," he uttered nowhere at mas lalo lang akong hinapit papalapit sa kaniya.

"Tsk!"

Sa ilalim ng makikinang na mga bituin, may isang hardin ang may iba't-ibang kulay ng dim lights na nakapalibot. Napuno ito ng mga taong nakasuot ng mararangyang damit at pumapailanlang sa paligid ang banayad na musikang tinutugtog ng isang grupo ng orchestra sa isang tabi.

Kami na lang pala ng bayot ang iniintay... kaya nang makaupo kami sa upuan namin, the program started.

Sinimulan ang programa ng dasal at pinakain na rin ang mga bisita habang nagkukuwentuhan.

"And now, the birthday celebrant will be slicing her cake," anunsyo ng emcee.

The camera flashed and flashed nang hiwain ni Pzrae ang malaking cake habang tinutugtog ng orchestra ang banayad na version ng happy birthday.

Ang bayot naman, nando'n sa tabi ng anak niya at inaalalayan sa paghiwa ng cake. Samantalang ako?

Pukingina! Gusto ko agawain ang kutsilyo kay Pzrae at saksakin sa mata si Zarious, e!

Paano ba naman... at taga-picture lang ako! Tamang support lang! Pukingina! Dapat hindi ako nag-dress!!

Inutusan kasi ako ng bayot! Jusme! Para daw may pang-upload siya sa IG ngayon! Hindi naman daw niya agad maipapapasa 'yong kinukuhang litrato ng photographer, jusme!

Nakangisi pa ang mag-ama habang naghihiwa ng cake.

"Ahh, Ma'am, sama po kayo do'n. I'll take a shot," suhestyon ng photographer.

Tumabi ako sa kanila at pinanggitnaan namin ng bayot si Pzrae na may hawak na pinggan na may lamang isang slice ng cake.

"Another pose," utos ng photographer.

Pasimple kong inabot ang tagiliran ng bayot at ngumiti ako nang sobrang tamis sa camera sabay kurot sa kaniya. Saktong flash ng camera no'ng napangiwi siya.

Pigil na pigil tuloy ako ng tawa.

"Are you okay, Dad?" Pzrae asked.

He just nodded at pasimple pa akong tiningnan nang masama.

I just rolled my eyes to him.

Nang makapag-picture-ran kami roon, nagsimula nang tumaggap si Pzrae ng mga regalo habang nakaupo sa harapan. 'Yong ibang business personnel na kaibigan ni Zarious, nagbigay ng bag, damit, pabango, laptop, sapatos, relo at iba pa... ang effort-effort nila, samantalang itong bayot, e hindi ko nga man lang nakitang bumili ng pangregalo sa anak niya!

"Thank you, Lola." Hinalikan niya ang Lola Zaria niya na binigyan siya ng dress.

Si Deilan, libro ng almanac ang ibinigay sa pamangkin. Kahit nakabalot 'yon ay alam ko dahil ako nagbalot no'n! Tanginang kapatid ko kasi, hindi marunog!

Si Dad naman, dictionary ang ibinigay. Ako rin ang nagbalot. Oo, maganda ang lahi ni Deilan at Dad pero may lahi silang tanga. 'Wag ka na magpalahi.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon