CHAPTER 9

1.7K 53 0
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"Ayon na 'yong tindahan, oh!" sigaw ko sa kaniya nang madaanan namin ang tindahan ni Aling Lusing pero ang bayot, diretso pa ring nakatingin sa kalsada at hindi man lang ako pinapansin.

Ang sungit na naman.

"Pagbalik ko na lang ako dadaan do'n. Saan ba ako liliko rito? Are we near?" malamig niyang tanong at hindi man lang ako nililingon.

"Diyan sa kanan, medyo malayo pa."

"Are you turning nineteen? College ka na sa pasukan?" pagbubukas na naman niya ng bagong topic.

"Oo," simple kong tugon saka tumingin sa labas ng bintana.

Ang init ng panahon at ang alinsangan ng hangin. Hindi naman sobrang lakas ng air-con pero bakit nagtitindigan na naman ang balahibo ko?

"Anong course ang kukunin mo?" Hindi ba titigil ang bunganga ng lalaking 'to kakatanong?!

"Kahit anong two-year course lang. Sapat na siguro 'yon para makahanap ako ng matinong trabaho." Nagkibit-balikat akong tumingin sa kaniya.

"What's your dream profession ba?" Dire-diretso lang ang daan kaya nagagawa niya pang humunta nang humunta.

"Gusto ko sanang maging doktor, kaso hindi naman kaya ng powers ko financially." Napatawa ako sa sinabi ko.

"Oh, gusto mo naman pala magdoktor bakit hindi medicine ang kuhanin mo?" inis niyang tanong na parang nakagawa na naman ako ng malaking pagkakamali.

"Eh, ang haba-haba ng proseso. Kailangan ko kasi ng mas madaling panahon para makapagtrabaho. Kung susundin ko 'yong pansarili kong luho, paano naman 'yong kapatid ko?"

"Luho? Your dream is not a luho..." pagsalungat niya sa 'kin.

"Para sa 'ming mahihirap, maski mga pangarap namin ay mistulang luho na lamang kasi hindi namin afford," simple kong tugon.

"You know, you'll grow better kung dadaanan ka sa mas mahabang proseso kaysa sa madalian lang." Hindi talaga maubusan ng say!

"Alam mo kasi, bayot... hindi naman pag-grow ang dahilan ng paghinga ko. Hindi ko kailangan ng grow na 'yan. Ang importante ay makahanap ako ng trabaho sa mas lalong madaling panahon at matustusan ko ang kapatid ko." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "My life isn't about growing... it's all about surviving. I don't need to grow, I rather need to survive."

Gano'n talaga ako kapag nagdadrama; napapa-english... pagpasensyahan mo na.

"Dadalawa na lang ba kayo? Where are your parents?" pag-uungkat niya.

"Oo, dadalawa na lang kami sa buhay. Pitong-taong gulang lang 'yong kapatid kong lalaki kaya ako ang kumakayod. Ang tatay ko hindi namin nakilala... at ang nanay k--!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong may maalala. "Wait nga! Parang may nalilimutam ata tayo, ah? Aba't nasaan ang bayad mo sa mga balot ko?!!" mataray kong tanong at inarkuhan siya kilay habang makapal ang mukha kong inilahad ang isang palad ko na iniintay ang bayad niya.

"Fuck, she remembered!" mura niya sa kawalan habang tumatawa. Tsk, ang guwapo!

"Hunta-huntahin mo pa ako, akala mo makakalimitan ko? Pakyu ka! Iiwan-iwan mo do'n sa kalsada tapos hindi mo babayaran?! Isang malutong na pakyu ka!" Sinuntok ko ang braso niya kahit nagdadrive pa siya.

"How much?" natatawa niyang tanong.

"Tatlumpung balot 'yong nando'n tapos 10 pesos isa kaya... bale 300 pesos pero 400 pesos na lang sisingilin ko sa 'yo." Ngumisi ako. "Wait! Nandito na tayo!" anunsyo ko dahilan para i-park ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon