CHAPTER 12

1.6K 48 0
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Tumatagaktak ang pawis ko nang hubarin ko ang apron ko. Wala nang tao sa palengke at halos lahat din ng mga tindero't tindera ay nakauwi na.

Kailangan ko lang ayusin at linisin ang puwesto ko tapos dadaan na 'ko do'n sa pinagkukunan ko ng balot at magtitinda.

Kumain na 'ko kanina, ayoko nang mahimatay, 'no! Pero kung lagi naman akong matutulungan ni Zarious tapos iiwan niya ulit 'yong balot sa kalsada tapos babayaran niya ako nang labis-labis, e syempre okay lang! Pfft!

Speaking of Zarious... ano kayang ginagawa ngayon ng bayot na 'yon? Siguro parelax-relax lang siya tapos maya-maya bibigyan na siya ng mga magulang niya ng pera. Tsk! Easy money 'pag rich kid! Sanaol rich.

Ang unfair nga, e. May mga taong ipinanganak nang may masarap at magandang buhay tapos may mga tao namang kagaya ko na ipinanganak para maghirap. Ano kayang rason ng ganitong sitwasyon sa mundo? Bakit hindi na lang lahat mayaman? Bakit hindi na lang lahat ng tao masarap ang buhay? Bakit kaya kailangan pang maghirap?

Siguro kung mayaman ako ang saya-saya ng buhay ko. 'Yong tipong maibibigay ko ang lahat kay Deilan tapos araw-araw masasarap na pagkain 'yong kakainin namin. Pero parang kulang pa rin. Hindi pa rin ako kuntento kung mayaman lang kami.

Kasi wala si Nanay.

"Tsk! Kung saan-saan na naman nakakarating ang utak ko!" Pinunasan ko ang noo kong may pawis saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga batya.

"Fuck! It freaking stinks!" Napalingon ako sa narinig kong pamilyar na baritonong tinig sa likod ko at sumalubong sa 'kin ang matatalim niyang mga mata. "Bakit ba kasi isda ang tinitinda ng babaeng 'to, puwede namang gulay na lang!" rinig kong bulong niya sa kawalan.

"A-Anong ginagawa m-mo rito?" Hinarap ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng plain black na v-neck T-shirt at naka kulay light green na jersey shorts na may number 21.

"Looking for you," saad niya at inilapit ang katawan niya sa 'kin. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mga katawan namin at halos tingalain ko na siya sa tangkad niya.

Naestatwa na naman ako sa kulay kapeng mga mata niya kasama ang makapal niyang kilay na ang talas-talas na namang nakatingin sa 'kin.

Nawala ang malansang amoy ng paligid nang manuot na naman ang mabango niyang amoy sa 'king ilong... muli ko na namang naramdaman ang mga insektong may pakpak na nagwawala sa puson ko na siya lang ang may kayang magparamdam sa 'kin.

"May kasalanan ka pa sa 'kin," malamig niyang bulong sa tenga ko dahilan para magtindigan lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

Kaagad na nagwala ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako laging ganito na parang nahi-hypnotize kapag ang lapit namin sa isa't-isa. Hindi ko alam... tangina!

Nanlambot ang tuhod ko nang maramdaman kong bahagya niyang kinagat ang tenga ko. Malumanay akong napapikit at sininghot ang nakakaadik niyang amoy sa kaniyang leeg. Tangina, ang bango ng lalaking 'to!

"Don't you dare do that to me again... I don't know but it fucking hurts," muli niyang bulong at naramdaman ko ang mga labi niyang dahan-dahang dumadampi sa leeg ko.

"Shit! T-Tumigil k-ka! P-Pota!" nauutal kong asik habang itinutulak palayo ang dibdib niya nang magising ako mula sa hipnotismong dulot niya.

Pero masyado siyang malakas. Hinapit niya lang ang bewang ko papalapit sa kaniya dahilan para aksidenteng mabaon ang mukha ko sa mabango at matipuno niyang dibdib.

"I wanna court you... shit!"

--

"Buhatin mo nga 'to! Papunta do'n sa gilid!" turo ko do'n sa styrofoam na walang laman. Bahala siya d'yan mamaho.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon