CHAPTER 41

1.1K 35 2
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"Ang sarap talaga ng lomi!" parang matandang hinimas ni Deilan ang kaniyang tiyan matapos kumain. Dumighay pa siya nang malakas na nagpatawa sa bayot na nakaupo sa kaniyang tabi.

"Deilan, puwede matulog ka na? It's already late," pang-uulok ng bekla.

Hindi ko maiwasang lingunin silang dalawa kahit naghuhugas ako ng pinggan sa kawayan naming lababo. Nasalo ko pa ang tingin ni Zarious pero inirapan ko lang siya.

May balak na naman 'tong masama, e, kaya pinapatulog ang bata.

"Natulog po ako kaninang tanghali," rinig kong tugon ni Deilan na nagpangisi sa 'kin habang kinukuskos ang isang pinggan.

Nai-imagine ko pa ang nakangiwing guwapong mukha ng bayot. Hshshshs.

"Saka, bakit naman po ako malelate, e hindi naman ako pumapasok?" inosenteng tanong ni Deilan.

Parang may kumurot sa puso ko sa inosenteng tono niya. Naaawa ako sa kaniya kasi hindi ko siya mapag-aral. Malapit na naman, dalawang taon na lang maitutuloy na niya ang Grade 1, kaso... kailangan ko munang unahin 'tong pag-aaral ko.

Minsan kasi, kailangan mong unahin ang sarili mo para sa ikabubuti ng iba. Kailangan mo munang tulungan ang sarili mo para ka makatulong sa iba. Hindi por que inuna mo ang sarili mo ay makasarili ka na... paano ka pa magbibigay kung wala ka namang maibibigay?

Sa panahon ngayon, ang mga Grade 1, may mga cellphone na, masasarap ang baon, magaganda ang bag at gamit, original at marami ang rubber shoes at nakukuha na lahat ng gusto at mga luho kahit bata pa lamang.

Ayoko munang isabay si Deilan, hindi dahil nanliliit ako o anuman... naaawa lang ako sa kapatid ko na makakita siya ng mga batang nakukuha lahat ng gusto nila samantalang siya naman, e limitado lang o kulang... minsan nga, wala pa.

"Gusto mo pag-aralin kita?" malambing ang tinig ni Zarious.

"Huwag mo ngang paglolokohin ang bata, Zarious," seryoso kong usal habang nagpupunas ng kamay matapos maghugas ng pinggan.

"I'm serious here," angil niya na nagpakunot ng noo ko.

Tiningala siya ni Deilan na nakaupo sa hita niya. "Anong sinasabi mo, Kuya?"

"Sabi ko sisimba tayo sa Linggo tapos ibibili kita ng laruan," nakangising baling ng bayot sa kapatid ko.

Kuminang ang mga mata ni Deilan pero kaagad na nagbago ang ekspresyon niya at naging parang matanda. "Huh? Laruan? Aan'hin ko naman 'yon? Ikaw, Kuya, ang tanda-tanda mo na, laruan pa rin ang nasa isip mo! Sabi sa 'kin ni ate, hindi dapat sinasayang ang pera sa mga gano'n! Mahirap kaya bago makakita ng panggastos! Mas mabuti kung pagkain na lang bilhin natin. Nabubuhay naman ako nang walang laruan pero hindi ako mabubuhay nang walang pagkain." Bahagya pang tinampal ni Deilan ang pisngi ng bayot.

"I'm serious, sugarplum, pag-aaralin ko siya. Do'n nga lang sa Maynila where Dad and Mom took their highschool, may elementary do'n. Lolo can fix his papers 'cause he's the CEO and he's also an ex-dean of the school, makakapag-aral na si Deilan, do'n pa siya tumira sa condo ni Lolo, for sure he'll be glad spending days with this adorable child." Hinalikan niya ang ulo ni Deilan.

"Alam mo, unang-una sa lahat, hindi sa lahat ng oras ay adorable ang isang bata." Lumakad ako papalapit sa katabi nilang upuan at umupo sa tabi nila. "May nakakainis ding parte 'yan, paano kung ma-cardiac arrest pa 'yang Lolo mo sa stress? Jusko!"

Kinabig lang ni Zarious ang ulo ko at hinalikan ako sa noo. "I'm just trying here, baka lang pumayag ka." Pinisil niya ang ilong ko.

"Hindi ko kayang mawala si Deilan sa tabi ko, 'no!" pagsusungit ko.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon