CHAPTER 14

1.5K 39 0
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

Lumipas ang araw at nagpatuloy lang si Zarious sa pagtulong sa 'kin. Tuwing hapon pumupunta siya rito tapos tutulungan ako magtinda ng balot hanggang seven tapos yayayain niya ako kumain sa karinderya. Lagi niya ako nililibre kaya okay lang. Mwahahahaha!

Tapos ang bilis lagi naming maubos 'yong balot kasi sabi niya may libreng yakap 'yong bibili tapos kapag lima pataas may libreng kiss sa pisngi niya. Ayon, takbuhan 'yong may pokpok sa pagbili ng balot.

Kung dati halos abutin ako ng magdamag maubos lang 'yong 30 na balot ngayon wala pang 7:00 PM ubos na 'yong limampung balot. Oo, dinagdagan ko para mas malaki ang kita.

Nabayaran ko na rin ang kalahati ng utang ko kay Aling Lusing, tapos nakatikim kami ni Deilan ng adobong manok kasi medyo malaki na rin ang nakikita ko sa pagtitinda ng balot. Pfft!

Mukhang sinusuwerte ako.

Nasanay na rin ako sa ginagawa niya. Sa ginagawa ni Zarious. Pakiramdam ko, kung hindi siya pupunta rito para tulungan ako, e maninibago ako.

Pakiramdam ko nga sinasamantala ko na siya pero siya naman may gusto no'n. Hindi ko naman siya pinipilit at hindi ko siya inuutusan kaya kung tumigil man siya sa ginagawa niya...

Wala akong karapatan na manibago at hanapin siya.

Tapos hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung seryoso ba 'yong sinabi niya na nililigawan niya ako. Hindi ko alam, basta naguguluhan ako!

Hindi naman kami madalas magkuwentuhan at hindi naman siya kagaya no'ng mga nasa movie na magbibigay ng bulaklak at chocolates.

Siguro kung seryoso man siyang nanliligaw siya, e naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya.

Akala niya siguro gusto niya ako dahil lagi niya akong gustong tinutulungan.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang pumasok 'yon sa isip ko.

Bakit ayokong isipin na hindi niya talaga ako gusto?

Puta! Ano ba 'tong pinag-iiisip ko?!

"Rubie, sabi ko 'yong sukli ko! Natutulala ka, e."

Natauhan ako sa boses ng suki ko na pinanliliitan ako ng mga mata.

"A-Ah... pasensya k-ka na... magkano nga ulit ang b-binigay mo?" nauutal kong tanong habang aligagang kumumuha ng panukli.

"Limangdaan," simple niyang saad saka ko binigay ang kailangan niyang sukli.

Napatulala lang ulit ako sa dinaanan ng huling bumili sa 'kin at sinampal-sampal ang pisngi ko.

"Siete! Ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko?! Lagi ko na lang naiisip 'yong bayot na 'yon, e! Argh!"

"Oh, Rubie!" Napalundag ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na makapal na boses na iyon. "Anong nangyayari sa 'yo? Bakit sinasampal mo sarili mo tapos nagsasalita ka pa mag-isa? Naluluka ka na ba?" natatawa niyang tanong na nanunuya.

"Claud? Anong ginagawa mo rito? Mukha ka na namang binabad sa suka, ah." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Nakasuot siya ng pink na t-shirt at gray na short na medyo fit sa kaniya tapos maikli. Medyo fit din 'yong shirt niya kaya depinang-depina ang toned niyang katawan. Ang puti-puti pa rin niya.

"Bakit ka naligaw rito?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"May good news ako, Rubiebie!" pang-aasar niya.

"Ano? Sinagot ka na ng nililigawan mo?" Inalis ko ang atensyon ko sa kaniya at sinimulan ang paglilinis ng hasang ng isda. Mas malaki kasi ang presyo kapag linis na. "Naku, kung makikipaghuntahan ka lang dito, umalis ka na," pagtataboy ko.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon