CHAPTER 7

1.9K 54 0
                                    

-*-

ZARIOUS' POV

The moment I opened my eyes, it immediately darted with the girl on my bed.

Hindi pa rin siya gising.

Kagabi pagkatapos mag-dinner, dito kaagad ako dumiretso sa pag-aakalang magising siya but I'm wrong. Until now, she's not awake. Chine-check ko pa 'yong pulso niya, buhay pa naman siya, pfft!

Dito ako sa couch ko natulog. Malambot naman pero medyo nanakit ang batok 'cause its length was not enough for my height, medyo masikip din kaya hindi ako nakomportablehan.

She's now covered with my thick comforter, tanginang babae 'to. Tatabihan ko sana kaso baka bigla siyang magising tapos mapagkamalan pa akong rapist lalo na't sanay akong matulog nang boxer lang ang suot.

I stretched by body saka nagdiretso sa banyo ng kuwarto ko, sinilip ko pa siya nang saglit and she's peacefully sleeping with her angelic features.

Darn! Kagabi napagkamalan ko siyang zombie tapos ngayon mukha siyang anghel! I'm insane! Tsk!

Fuck, bakit ko ba siya tinititigan?!!

Paglusong ko sa bathtub, saka ko pa lang narealize na hindi ko pa natatawagan si Jaden! Darn! I have no load! Was our WiFi already fixed? I need an internet! Hindi naman ako makabukas ng Facebook kapag walang load, naiinggit nga ako kay Evan kasi kahit wala siyang load he can still open his account.

Darn! I can't even call or text her but... did she even attempted to text me? Naisipan niya kayang tawagan ako?

Tsk! Malamang ako 'yong lalaki, ako dapat ang magfi-first move!

Maybe she's already mad at me 'coz she haven't received even a message from me simula nang dumating ako rito... Paano ko kaya susuyuin ang isang Jaden?

We're almost one month but I've never seen her mad because of my cuteness.

Siguro dahil sobrang bait niya? Kahit nga siguro may lumandi sa aking babae, e hindi niya papansinin 'cause she's too kind. She trusts my cuteness.

Kaya dapat hindi ako maghinala sa kaniya because she loves me! I need to trust her.

Wait, naghihinala ba 'ko sa kaniya? Of course not!

When I realized that I am almost thirty minutes in bathtub, nagsimula na akong kuskusin ang katawan ko.

"WAAAAHHHH!!!!" malakas na tili ang narinig ko mula sa labas.

"Darn, she's awake!"

Mabilis kong tinapos ang pagligo ko saka nagtapis ng tuwalya at lumabas ng bathroom.

--

PRECIOUS RUBIE'S POV

Malambot na kama... malamig na kuwarto galing sa air-con... makapal na comforter... malalaki at malalambot na unan...

Hay... ang sarap talaga matulog lalo na't mayaman k--!

Napabalikwas ako sa kama at kaagad na napaupo mula sa pagkalahiga nang mapagtanto kong... wala ako sa bahay namin!

"WAAAAHHHH!!!!" malakas kong tili.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dali-dali kong tiningnan ang katawan ko sa ilalim ng makapal na comforter...

Wala namang naalis sa saplot ko maliban sa tsinelas ko.

"Pota, asan ako?! Bakit ako nandito?!" inis kong tanong sa sarili ko na parang may sasagot sa 'kin.

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon