CHAPTER 36

1.2K 30 8
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"What the freak are you doing with him?!" singhal sa akin ng bayot nang tuluyan na siyang makapuwesto sa driver's seat.

Nanatili akong tahimik at magkalapat ang mga labi. Hanggang sa iminaubra niya ang sasakyan ay wala siyang nakuha tugon mula sa akin.

"Why can't you speak? You seems so happy with him, lately? Napakasigla mo kanina, ah? Ano nangyayari ngayon?" Punong-puno ng sakrasmo ang boses niya habang pinaandar ang sasakyan pabalik sa bahay.

Mas lalo ko lamang naikinuyom ang kamaong naglalaman ng pera na ibinigay niya sa akin kanina.

Bakit niya ako binigyan ng pera? Akala niya ba ay mapapatawad ko siya dahil sa parang ito? Akala niya ba pera lang ang katapat ng kapatawaran ko? Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin? Mukhang pera?

Oo, mahirap kami... pero kaya kong magsikap. Magsisikap ako hanggang sa maibigay ko kay Deilan ang pangarap niya...

Magsisikap ako para kay Deilan... kahit hindi na ako maging doktor, basta para sa kaniya.

Kung saan-saan tinangay ng hangin ang utak ko hanggang sa namalayan ko na lamang na nakahimpil na pala ang sasakyan. Nilingon ko ang lalaking katabi ko at matalim ang mga mata niyang kulay kape na nakapako sa akin.

"You're still not answering my questions." Gumalaw ang panga niya.

"Kailangan pa ba?" Huwag kang luluha... nakaiyak ka na kanina! Sapat na 'yon, Rubie... huwag ka nang iiyak.

At mas lalong huwag ka na muling magpaikot.

"Answer me, Precious, or I won't unlock the car."

Bakit parang bumalik ata tayo sa Precious?

"What. Are. You. Doing. With. Him?" Mariin ang tanong niya at nakakasugat ang mga titig niya pero taas noo ko siyang sinuklian ng tingin na diretso sa kaniyang mga mata.

"Naglilibang." Nagkibit-balikat ako. "Puwede mo nang i-unlock?"

"What kind of paglilibang was that? Paglilibang o paglalandi? You have a boyfriend for Pete's sake!" panenermon niya sa akin.

"Bakit, ikaw ba hindi? May girlfriend ka rin naman, ah? Bakit ka pa lumalandi ng iba?"

"So totoo ngang lumalandi ka?" galit niyang tanong.

"So totoo ngang may girlfriend ka?" nakangisi kong ganti kahit nagbabadya na naman ang mga luha ko.

Nangunot ang noo niya sa pagtataka at napahilamos dahil sa prustrasyon. "Of course I have a girlfriend! And I am not flirting with anyone but you!"

"Totoo nga! May girlfriend ka!" histerya ko na parang tuwang-tuwa kahit tumatakas na naman ang mga luha ko sa mga mata. "What's the name of the lucky woman?" Pinahid ko ang aking luha.

"Huh? Of course, Preciou---!"

"Huwag kang magsinungaling, Zarious..."

"I'm not lying! Ano bang klaseng pag-iisip ang meron ka?!" Naiinis na siya sa 'kin. Hahaha... siguro dahil nabuko kong niloloko niya lang ako.

"What's the name of the woman, Zarious?" Kahit hindi ako sanay sa inglesan ay nag-ingles ako.

"The car's unlocked," blangko niyang tugon.

Natatakot siya.

"Hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko."

"What the hell, Precious?! Nasagot na kita! Precious Rubie Carrascal! That's the name!" singhal niya na mas lalong nagpatulo ng mga luha ko. "Ano ba?! Saan mo ba nakukuha 'yan! I'm your bayot, you're my sugarpl---!"

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon