CHAPTER 8

1.8K 46 0
                                    

-*-

PRECIOUS RUBIE'S POV

"O-Okay ka na?" rinig kong nag-aalangan niyang tanong habang ang mga palad ko'y nakatakip sa mukha ko.

"O-Oo."

Inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakabaon sa dibdib niya at pinunasan ang aking basang mukha saka ngumiti.

"U-Uwi na 'ko," anas habang tumatayo.

"You haven't eat since dinner, eat before you leave." Hinablot niya ang braso ko.

"A-Ang kapatid k-ko, walang kasama sa amin!" singhal ko at ramdam ko ang namamaga kong mga mata pero marahas ko pa ring binawi ang braso ko. "Bakit b-ba ayaw mo akong p-paalisin?!"

"They'll gonna see you." Matalim na namang nakatingin nang diretso ang kulay kape niyang mga mata sa akin. Ang makapal niyang kilay ay halos mag-isang linya na sa pagsasalubong habang ang perpekto niyang jawline ay gumalaw sa pagtatangis ng bagang niya.

Nilabanan ko ang mga titig niya habang ang kamay niya'y marahas pa ring nakakapit sa braso ko. Ayaw kong kinakaya-kaya niya ako. Matatalim ang titig niya at nakakalunod ang brown niyang mga mata pero nakipagsukatan ako.

"M-Magpapadala na lang ako ng pagkain s-sa katulong namin. D-Don't leave, wait here." Umiwas siya ng tingin at binitiwan ang braso ko.

"Okay." Inirapan ko muna siya bago bumalik sa pagkakaupo sa kama niya. "Wait," tawag ko sa kaniya bago siya makalabas ng kuwarto niya.

"What?" sungit na naman.

"Bayaran mo mga balot ko," blangko kong tugon at inarkuhan siya ng kilay. Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko at umirap sa kawalan saka niya padabog na isinarado ang pinto.

Anong nangyari do'n?

--

"Hoy, lalaki! Ubos na 'yong pritong itlog, oh! Ikuha mo pa nga ako do'n!" pagtataray ko sa kaniya. Ang talim-talim na naman ng titig niya sa 'kin tapos ang labi niya'y nakaisang linya na.

Matalim 'yong titig niya pero hindi ako natatakot. Nag-eenjoy pa nga ako. WAHAHA!

"I said don't call me 'lalaki'!" pagmamaktol niya. Pinigilan ko pa ang pagtawa ko habang nginunguya 'yong pagkain.

Nakaupo ako sa kama niya at may maliit na lamesang hindi ko alam kung anong tawag na nasa harapan ko at nakapatong dito ang sinangag, pritong itlog, bacon, hotdog at gatas.

"Bakit? anong gusto mong itawag ko sa 'yo, huh? Bayot na lang kaya? Oh sige bayot na lang, ayaw mo ng lalaki, e!" pang-aasar ko sa kaniya sabay inom ng gatas.

"It's not like that! It's just disgusting! Ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo na Zarious ang pangalan ko at hindi 'lalaki'!" Ngumuso siya. Tangina, sarap batuhin ng hotdog sa mukha! Kakainis, ang guwapo!

"Blah blah blah." Nagmake-face pa 'ko sa hangin.

"Baka nakakalimutan mong breakfast ko 'yang kinakain mo, huh?" panunumbat niya habang magkakrus ang braso niya harap ng dibdib at nakaupo sa isang sofa.

"Hindi ko nakalimutan, syempre!" Umirap ako sa hangin saka sumubo ng kanin at kaagad na nilunok. "Saka 'wag mo nga akong sumbatan kasi unang-una sa lahat, kanina pa ako nagpupimilit na umuwi tapos ikaw 'tong may gustong kumain muna ako. Ikalawa, wala akong pake kung breakfast mo 'to... bayot!" Inarkuhan ko siya ng kilay at pansin kong ang bibigat na ng hininga niya.

Pikon! WAHAHA!

"They'll go to Lola's garden maya-maya lang. Doon tayo sa garahe lalabas tapos sasakay tayo sa kotse ko para hindi nila tayo mapansin. No buts." Ay, bossy?

Heart 2: Precious HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon