_____________________________________
"bukas na yan!" biglang sigaw ni kali pagkapasok niya ng unit ko.
kali, mia, and i live in the same condo building kaya madali lang sa amin para puntahan ang isa't isa. minsan nga sa iisang unit na lang kami nags-stay.
"magtatapos lang ako ng isa!" sigaw ko pabalik habang ang buong atensyon ay na sa plates ko pa rin.
hinayaan ako ni kali at nahiga na lang siya sa kama ko at nanood ng netflix.
maybe another hour passed till we heard a knock coming from the door. siguro si mia na 'to.
agad namang tumayo si kali para buksan ang pinto.
"kain na." mia stated as she laid the food sa countertop.
as usual, hindi nanaman ako tumayo because i am that invested in my plates.
"iah!" pagsigaw ni mia.
mas matanda sa amin si mia ng dalawang taon kaya natural na umakto siya ng parang nanay namin.
siya ang nag-aalaga sa amin ni kali. pinapakain niya din at sinisiguradong okay kami.
kami naman ni kali yung makukulit. hindi naman all-out nanay si mia, kung tutuusin ay siya pa nga ang pinaka malakas ang trip sa amin.
siya lang talaga ang madalas na sumuway.
our friendship is really something i know i would treasure forever. since elementary pa lang, magkaibigan na kami ni kali at nakilala naman namin si mia nung high school. naging student president kasi si mia tapos co-officers niya kami kaya kami naging close.
ever since, we have been inseparable. nung papasok na siyang college, papasok pa lang kami ng senior high.
pero kahit yun ay hindi namin pinalampas at nag entrance kami ni kali sa ustshs para di kami magkahiwa-hiwalay. everything turned out well kasi pumasa si mia sa ust with her dream course at pumasa din kami ni kali sa ustshs.
a few years later, 2nd year na namin ni kali in ust id tapos 5th na ni mia sa archi. last year na niya.
"just leave some for me." i stated. gusto ko na kasi talaga makatapos at least ng isang plate by tonight. ang hassle kasi kapag pagsasabay-sabayin ko pa bukas or sa sunday.
"it won't hurt to eat for 15 minutes, iah." sagot ulit ni mia. alam kong hindi siya magpapatalo kaya tumayo na ko at kumain kasama sila sa countertop.
tahimik kaming kumain at bumalik din agad sa kanya-kanyang ginagawa.
mga dalawang oras ang nakalipas at natapos ko na din ang una kong plate pero napag-isipan kong wala naman akong gagawin kaya sinimulan ko na ang pangalawa.
kakasimula ko palang ng biglang magsalita si mia.
"nag-aaya si renzo uminom."
"g!" simpleng sagot ni kali.
tumahimik silang dalawa at halatang hinihintay na lang ang sagot ko.
"tara na!" sabi ni kali na may kasabay na pagyugyog sa balikat ko.
"kali!" sigaw ko naman. tinignan ko ang plate ko at nakitang may crooked line na.
"oh my gosh." gulat na sinabi ni kali habang ako naman ay natahimik na lang.
di kasi ako yung tipo na nagagalit. nananahimik na lang ako.
"tara." sagot ko sa kanila.
sira naman na yung gawa ko. might as well go na lang, 'di ba?
wala naman mangyayari.
BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes