twenty eight

433 13 0
                                        

4596 words.

________________________________________

"bro, saan ka ba galing?" tanong sa akin ni renzo nang makarating ako sa early night. biglaan kasi siyang nag-aya kanina at syempre, g naman ako.

"nakatulog ako." sagot ko sa kanya.

friday kasi kaya kakagaling lang ng school at may training pa kami kaninang umaga. napagtanto ko na umiglip muna bago pumunta dito, kaso nga lang napasobra.

"shot na." alok sa akin ni cj at tinanggap ko naman ang shot ng cuervo na inaalok niya.

"teka, sunduin ko lang sa labas sila mia." paalam sa amin ni renzo at tumango lang kami. busy na kami kaka-shot at pagtripan si bats.

para kasing may ubo sa utak, tuberculosis na nga ata.

bumalik si renzo na kasama na si mia pero hindi siya nag-iisa. nakasunod sa kanya ang dalawang babae na kasing tangkad niya.

yung isa ay pamilyar sa akin dahil ilang beses ko na siyang nakita sa ust, maputi at mahaba ang buhok nito.

pero yung isa pa nilang kasama ay hindi pamilyar, ngayon ko lang siya nakita.

taga ust ba 'to? mukhang atenista. ganoon yung vibes niya. parang siya yung tipo na naka shorts,
plain oversized shirt tapos may dalang tote bag.

kasing tangkad niya si mia tapos siguro siya ang pinaka maputi sa kanilang tatlo. hindi ko lang makita ng maayos dahil madilim, pero para kasi siyang kumikinang.

"hi brentot!" bati sa akin ni mia.

"si kali at iah nga pala, mga kaibigan ko." pagpapakilala pa niya sa mga kasama.

"ano course niyo?" tanong ni cj sa kanila nang makapag settle na at makainom ng iilang shots.

"interior design kami ni iah." sagot nung kali. puro siya lang ang sumasagot sa mga tanong namin, tahimik lang kasi yung iah.

interior designer pala. mukha siyang taga-nursing, sa totoo lang.

tumayo silang lahat para pumunta sa dancefloor pero sinabi kong pass muna ako dahil wala ako sa mood para makisayaw doon.

"bakit hindi ka sumama?" tanong ko kay iah nang mapansin kong hindi din siya tumayo.

"i don't like crowds. ikaw?" sagot nito at nagsalin ng jack daniel's.

"sa laki ba naman ng uste?" hindi ko rin alam anong nangyari pero bigla kaming nag-click.

siguro dahil ang gaan at ang dali niyang kausapin, magaling siyang makisama. lahat kasi ng i-bring up mo na topic ay may tinatanong siya pabalik.

"sa ganda mong yan, niloko ka?" sambit ko sa kanya nang magkwento siya tungkol sa ex niya.

hindi siya nagbanggit ng pangalan, pero sinabi na lang niya na niloko siya at pinili yung third party kaysa sa kanya.

matagal na din naman daw iyon, naka move on na siya. kaya naman madali para sa kanya na ikwento na lang iyon.

"wala yun sa itsura." sagot naman niya.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon