twenty

410 6 0
                                    

parang nandidilim ang paningin ko. i haven't been getting a lot of sleep lately sa sobrang tambak ng gawain. plates over plates, tapos mga kailangan pang aralin.

stressed din sa bahay. it looks like my mom is leaning onto moving to australia with my dad instead of staying here.

tuwing umuuwi ako dun ay yun lang ang napag-uusapan namin. nauuwi lagi sa away kaya sobrang nakakapagod. enough of a stress na yung hinaharap ko sa school, dagdag pa ang stress sa bahay.

nalaman na din ni ate juliet yung gustong gawin ni mama at maski siya ay hindi sang-ayon. pareho lang kasi kami ni ate ng pinagdaanan kaya naman nagkakaintindihan kami.

pero hindi yun maintindihan ni mommy.

we are at our usual hangout slash gawaan ng plates spot, sa gazebo. magkakasama kami ni kali at dane na gumagawa ng aming mga plates.

tahimik lang kaming tatlo dahil sa sobrang focus. tambak kasi talaga ng mga plates, hindi ko alam bakit.

siguro kasi interior designing ang course namin?

focused na focused ang dalawang babae na kasama ko. samantalang ako naman ay halos walang magawa ng maayos dahil kanina pa masama ang pakiramdam ko.

kasabay ng kulang na tulog ay ang nalilipasan ng gutom.

hindi na din kami masyadong nakakapag kita ni brent dahil mas mabigat na training nila ngayon. next week na start ng uaap kaya kailangan nandoon ang full attention nila.

hindi na din kam nakakapag-usap masyado dahil may no phone rule sila. nagkikita pa rin naman kami tuwing sunday pero madalang lang din yun dahil umuuwi ako ng cavite para asikasuhin si mommy.

para nanamang nandilim ang paningin ko, pakiramdam ko dun ay parang lumulutang na ko sa sobrang hilo.

kakapit na sana ako kay kali na katabi ko pero hindi na din ako makapagisip nang maayos.

"kali." nanghihina kong sinabi. sa sobrang tahimik namin, narinig 'to kaagad ng dalawang babae. pero huli na dahil din nawalan na ko ng malay.

"iah!" yun na ang huli kong narinig dahil pagkagising ko ay nasa clinic na ako.

ang liwanag masyado ng ilaw.

lumingon ako at nakita ko naman si kali at dane na ngayon ay kausap na si mia.

"natumba na lang talaga siya bigla." narinig kong sinabi ni dane.

"hindi ba siya kumakain?" tanong naman ni mia na may halong pag-aalala.

"hindi ko na rin napapansin sa sobrang busy din sa plates." sagot naman ni kali ngayon.

umupo naman ako at nakuha ko kaagad ang atensyon ng tatlong babae dito.

"iah!" si dane ang unang nakapansin.

"ano ba naman yan, iah!" rinig kong sinabi ni mia. mangse-sermon nanaman ito, pustahan.

"bakit kasi hindi ka kumakain?" tanong niya. 'di ba? panalo agad ako sa pusta.

"mamaya mo na sermonan." mahinhin na sinabi naman ni kali at napabuntong-hininga si mia dito.

"kumusta na pakiramdam mo?" tanong sa akin ni dane.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon