fifteen

423 6 0
                                        

"good morning, loves" bati ko sa camera ko as i stood in front of the window.

napag-isipan kong i-vlog ang araw ko today just because namiss ko na. tsaka, marami na din kasi ang nagre-request.

"wala ako masyadong plates today kaya naisip ko mag-vlog. i also don't have a lot planned today, pero isasama ko pa din kayo. so now, i'll get ready na for school!" i talked to the camera before turning it off para makapag-ayos na ako.

favorite ko 'tong araw na 'to kasi naka type b uniform lang kami. mas madali kasi gumalaw pag type b, para sa akin.

"okay, this is my breakfast." pinakita ko sa camera ang meal ko na oats lang tsaka boiled egg. hindi kasi ako kumakain ng heavy breakfast.

then, i vlogged myself out of the condo na. binaba ko lang ito nang sumakay na ko ng jeep.

"say hi to the vlog!" i raised the camera para mas makita ang mga blockmates ko.

"hi!" sigaw ni kali habang papalapit sa camera.

"namiss niyo ba ko?" bulong nito sa camera.

"ayan. these are my fellow future interior designers at kilala niyo na yan si kali."

"follow me on instagram." biglang sumingit si ace, ka-block ko din.

"with free followback." comment ko naman.

nagkulitan pa kami ng kaunti sa camera bago ko ito ibaba para makapag-klase na.

minsan pa ay patago pa kaming nagv-vlog habang nagtuturo ang prof.

"okay hello again loves! right now, nandito lang kami sa gazebo. natapos ko na plates ko kahapon, kaya pinapanood ko na lang sila." banggit ko sa camera habang pinapakita mga kasama ko.

inasar ko pa si dane at zinoom sa kanya ang camera.

"iah!" galit na sinabi ni dane habang tinatakpan ang mukha.

pinatong ko sa tabi ang camera kung saan lahat kami ay nakikita. ie-edit ko ito na pa-time lapse.

"huy!" biglang may kumalabit sa akin na parang ginugulat ako.

kaya nagulat naman ako.

"pisting yawa!" sigaw ko. napatingin kaagad ako sa likod ko at nakita ko si kali.

"ang epal mo talaga!" sigaw ko sa kanya habang tumatawa siya.

at least may content na ako.

"oh." inabot naman sa akin ni kali ang baso na may lamang kwek kwek. "thanks ha." asar kong sinabi.

pumunta na ulit kami sa klase namin pagtapos ng vacant.

usual day lang naman.

"the day is over!" sigaw ko sa camera habang papalabas na ng room.

si kali naman ngayon ang nakahawak sa camera at finifilm niya lang ang mga nangyayari.

"many more to go." mabilis na sinabi ni kali kasabay ng pagtutok niya ng camera sa mukha niya. nilipat niya din agad 'to sa akin.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon