"ms. velasco, please stay." biglaang pag-announce ng prof ko pagtapos niya kami i-dismiss.
ano nanamang problema nito?
"favorite ka nanaman." bulong sa akin ni dane na kaklase ko. napairap naman ako sa sinabi niya at natawa lang siya ng mahina.
sinadya kong bagalan ang pag-ayos ng gamit ko para paglapit ko kay prof ay wala ng tao.
"ma'am?" i called for her attention as i approached her desk.
"ms. velasco, i just wanted to point out something in your plates." she started.
ito nanaman siya. lagi niya nakikitaan ng mali ang mga plates ko.
nung una, na-uto pa niya ko sa mga ganyan niya. pero ngayon, hindi na.
nag-experiment kasi kami ni dane. ginawan ko siya ng plate, tapos ginawan niya ako. then, nung pinasa namin, perfect siya tapos ako 2 mistakes.
eh ang totoo nun, si dane nga ang gumawa ng plate ko. previous plates naman ni dane, puro perfect. so, bakit hindi yun? dahil ba under my name yung plate?
may problema ba 'tong prof ko sa akin?
nakinig naman ako sa mga criticism niya, pero hindi ko na maiwasang mainis.
nakakabadtrip. minsan kasi sobrang mema na lang ng mga sinasabi niya.
it's like jinujustify niya forcefully yung mga score na binibigay niya sa akin.
siya rason bakit hirap ako kumapit sa dl eh. buti na lang ay mabait siya.
"you may leave." sa wakas.
agad naman akong lumabas at deretso na ang lakad ko palabas ng building.
it's already 4:30pm, dadaan pa ako ng food para pagkauwi nila kali, may makain sila kaagad.
dire-diretso ang lakad ko ng biglang may humawak sa palapulsuhan ko kaya agad akong napatigil at napatingin kung sino ito.
"grabe, di man lang ako napansin." sambit ng lalaki.
"brent? anong ginagawa mo dito?" tanong ko na may halong pagtataka.
malayo ang building nila sa building ko. sadya ba siyang naghintay?
"hatid na kita." simple niyang sagot, ignoring my question.
"hindi na kailangan, tsaka may dadaanan pa ako." i explained to him.
"edi daanan natin." sagot niya ulit at napatahimik naman ako.
"brent, okay lang." pagpupumilit ko. "tsaka, wala ka bang training?" i asked him at umiling naman siya.
"halika na!" at hinatak naman niya ko papuntang carpark.
"pwede dumaan sa mcdo?" i asked him while he's driving na.
"doon ka dadaan dapat?" he asked, quickly glancing at me.
"oo eh, dadaanan ko kasi ng pagkain sila mia." sagot ko, tumango naman si brent.
pagtapos namin mag drive-thru ay inuwi din ako kaagad ni brent.
pagkadating namin, "gusto mo umakyat?" aya ko sakanya na agad ko ding pinagsisihan.
deep inside, umaasa akong hihindi siya.
"i guess, wala naman akong gagawin eh." sagot niya.
"okay, pwede ka mag parking dyan." turo ko sa kanya at ginawa naman niya ito.
bumaba na kami ng sasakyan at umakyat na. dinaan ko muna yung pagkain nila sa kani-kanilang unit. nasa iisang floor lang si kali at mia kaya hindi ako nahirapan, ako lang ang nahiwalay sa kanila.
"sorry, hindi pa kasi ako nakakapag linis." pagpapaumanhin ko sa kanya nang pumasok kami ng unit ko.
"hindi naman magulo." banggit niya nang obserbahan niya ang unit ko.
pagpasok mo ng unit ay bubungad kaagad sayo ang maikling hallway. sa kaliwa ay may shelf at shoe rack at sa kanan naman ay ang pintuan sa banyo.
pagpasok mo pa ng kaunti ay bubungad na sayo ang living area. spacious ang living area kaya naman hindi masyadong nakakasakal dito.
katabi naman nito ang kusina. nung inaayos namin ni mommy itong unit, napagtanto namin na mas magandang mag countertop na lang kaysa mag dining table dahil mas makaka-save ito ng space.
sa dulo naman sa likod ng partition ay ang kwarto ko. kama ko na lang ang nandun, study table at ang vanity area ko. may maganda ding view sa kwarto ko dahil glass walls na banda doon.
"halatang interior designer ah." comment ni brent na ngayon ay nasa living area na, pinapalibot padin ang mata.
"syempre, dapat nagre-reflect." sagot ko sa kanya at natawa naman siya dito.
pinatong ko na ang mga gamit ko sa countertop at nanatili lang na nakatayo doon.
napansin kong dumapo ang mga mata ni brent sa coffee table kung saan nakalatag ang mga plates ko. kaya napaupo siya sa couch para tignan ng mas maayos ito.
"ang galing." mahinang sinabi ni brent, pero klaro ko itong narinig.
para tuloy akong nahihiya.
pagtapos ng ilang minuto ay tumayo na siya at umupo naman sa may bar stool sa countertop habang ako ay nakatayo sa kabilang dulo.
"so, dito kayo lagi tumatambay nila mia?" tanong niya sa akin.
"kadalasan dito, pero minsan dun kami kay mia o kali." sagot ko naman sa kanya.
"kel-" may sasabihin sana siya ng biglang may tumawag sakanya.
"wait, sorry." he apologized at sinagot na ang tawag.
"uy idol." bati niya.
naglabas naman ako ng tubig mula sa ref at dalawang baso.
"pass ako, sinabi ko na sa groupchat kanina." sagot niya sa katawagan niya.
ako maman ay nagsalin na ng tubig para sa aming dalawa, just in case na uhaw na din siya.
"ungas. sige na, pre."
dahan dahan kong tinulak ang baso sa kanya at tinignan niya ito ng mabilis bago ako ngitian at hawakan ito.
"bawi ako. sige, bye." pagpapaalam niya sa tawag.
"sino yun?" tanong ko pagtapos inumin ang tubig.
"si bats." sagot niya bago inumin din ang kanya.
"hinahanap ka na siguro." sambit ko sa kanya habang umiinom siya.
"hindi, sabi ko naman pass ako eh."
"nasaan ba sila?"
"hang daw kina cj." sayang. dapat pumunta na lang siya.
"bakit hindi ka sumama?" tanong ko.
"kasama kita eh."

BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes