"hi." i said as i approached him who was leaning against his audi a6.
"good evening." bati naman nito as i stopped in front of him.
kinuha kaagad niya yung box na hawak hawak ko. mga gamit kasi ito na pinapauwi ni ate sa cavite.
"salamat." i thanked him and he just smiled. nilagay na kaagad niya ito sa trunk ng sasakyan at pumasok naman ulit ako ng lobby para kunin ang pangalawang box.
sabi sa inyo, hindi talaga kaya mag commute with this. inabot ko naman ulit yung box kay brent.
nakakagulat.
hindi naman sinabi ni mia na si brent pala ang susundo, ang nasa isip ko ay si kuya renzo. hindi tuloy ako prepared. buti na lang at nakapag-ayos ako ng konti bago ako bumaba.
"okay na?" tanong ni brent sa akin na hawak hawak ang pintuan ng trunk. pagkatango ko ay sinira na niya ito.
madali naman niyang binuksan ang pintuan sa may passenger seat para papasukin ako.
nakakatameme naman ito. wala ako masabi.
deretso nalang akong sumakay na lang.
"same place?" tanong niya as he buckled his seatbelt.
"yup." i answered.
nagdrive naman na kaagad siya.
ang bango ng sasakyan niya. tapos, ang linis linis pa. hindi ko alam kung ganito talaga 'to kasi gusto niya or para sa mga sinasakay niyang babae?
he's even playing music from his spotify. infairness, mukhang maganda ang playlist niya since frank ocean is playing.
"so, how have you been?" nagsimula ng conversation si brent.
puwede bang wala na lang? iuwi na lang niya ako.
"busy with plates. ikaw?" tipid kong sagot. like i said, natatameme nga ako. parang nawala yung ability to communicate ko.
"busy with trainings." tipid din niyang sagot.
turn ko na ba para mag-initiate ng usapan?
puwedeng wag na lang?
"so, what were you doing sa katip? layo ng narating mo." he asked me.
hay.
"taga dun kasi yung ate ko. meron kasi siyang binilin, kaya dinaanan ko lang. hindi ko naman in-expect na magpapauwi siya ng mga ganyan." i told him. natawa naman siya dito ng slight.
okay, ito na. ako na ba mag-iinitiate?
"next next month na uaap, ha?"
oh my god. bakit ako nagsimula ng usapan?
"yup. usual trainings pa din naman. next month pa bibigat." sagot niya.
"gaano ba kadalas trainings niyo?" ayoko na talaga magsimula ng conversation, pero curious kasi talaga ako.
"pag wala namang pinaghahandaan, twice a week lang. if we are naman, it starts from thrice a week to everyday except sundays. mas bumibigat habang lumalapit yung event." he explained.
"hindi ba dapat pahinga na kayo pag a week before na, ganun?" i asked again.
"a week before, no. usually, a day before yung wala na training. tapos after the game, training ulit yun. it's always a day before." he explained again. tumango na lang ako since nafeed naman na yung curiosity ko.
"ikaw. why interior designing?" he started again.
mukhang wala na akong takas. it also looks like hindi ako makakatakas soon kasi traffic pa din.
anong meron? halos nag 9pm na, ah?
"since i was a kid kasi may interest na ko sa pag decorate, design, mga ganun. nagsimula siya sa kwarto ko, gusto ko lagi iniiba yung interior. then, naisip ko na why not make it my career path na din?" i explained to him.
"makes sense. patingin ako plates mo minsan, mukhang maganda ah." he complimented. i chuckled naman in response.
for the rest of the ride, we just talked about random topics. minsan, natatahimik kami in between. siguro kaka-isip yun ng pwedeng mapag-usapan.
the conversation with brent wasn't as bad as i thought it would be. kung tutuusin, ang casual nga lang niya eh. very chill and laid back.
ako kasi, medyo na-awkwardan ako because alam ko may nangyari sa amin. pero, he acted as if wala.
pagkadating namin sa condo building ko, he was kind enough to carry the other box for me up
to my front door.i was also kind enough to invite him in pero he denied.
"pasok ka." i offered him, pero umiling siya kaagad.
"it's okay, gabi na din eh." he replied and i just nodded.
i'm lowkey glad he denied, baka kasi may mangyari nanaman.
"paano ka umuuwi araw-araw?" he suddenly asked. sobrang random ng tanong niya.
"commute lang, bakit?" i asked him back.
"anong schedule mo bukas?" tanong niya ulit.
"hanggang 4." at ako namang itong sagot nang sagot.
tumango na lang siya sa sinabi ko.
"thank you, ha." mahinhin kong sinabi habang nakahawak na sa pintuan, handa ba itong isara.
"goodnight." sagot naman niya kasabay ng kanyang ngiti.
"ingat sa pagdrive. goodnight."
BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes