game 2 today.
sobrang kabado ng lahat, ramdam mo yun sa campus. iniisip ng mga estudyante ay yung game lang ngayon kaya wala masyadong pinagawa ang mga prof.
kasalukuyang nag-aayos na ko ng sarili para makapunta na kami nila mia sa arena.
syempre ust shirt ang suot ko. binagayan ko na lang 'to ng white pencil skirt at white sneakers. i let my hair down at nagsuot ng yellow na bandana.
hindi ako player, pero kinakabahan talaga ako sa laro.
wala akong narinig kay brent mula kahapon pero okay lang yun, siguro busy kasi talaga siya preparing for the game.
at sa mga nararamdaman ko naman, i decided na i-push away na lang ulit yun ngayong araw na 'to. sa game na lang muna ang attention ko.
mga kaibigan ko din naman yung maglalaro, kaya tama lang na magshare ako sa kanila ng calming vibes para mabawasan yung kaba nila.
tinignan ko ang oras at nakitang 2:22pm na kaya naman sinigurado ko na dala ko lahat ng kailangan ko bago bumaba.
"ready na?" tanong ni mia nang magkita-kita kami sa lobby. um-oo naman si kali at tumango na lang ako.
pagdating namin sa arena ay 3:30 pm na at malapit na magsimula ang game. madaling pumasok ang dalawang babae pagtapos ipakita ang ticket dahil igu-goodluck pa nila ang kanilang mga kasintahan.
gusto ko rin i-goodluck si brent, kaso nahihiya ako.
like last time, maganda ulit yung seats namin. malapit din sa players kaya madali nila kaming napansin.
nang magkalapitan na ang mga magkasintahan, dumapo naman ang tingin ko kay brent na nagse-stretching. kita ko sa kanya na kinabahan siya.
tinignan ko pa siya ng ilang segundo bago magtama ang tingin namin. tinigil niya ang ginagawa at nakangiting lumapit sa akin.
"hi, brent." bulong ko nang yakapin niya ako.
"akala ko di ka na dadating." sambit niya nang kumalas siya sa yakap pero nanatiling nakapalupot sa akin ang kanyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes