eighteen

432 6 0
                                    

"dami na nakakapansin sa inyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"dami na nakakapansin sa inyo." biglang sabi ni mia na kasalukuyang nagso-scroll sa phone niya.

nakatambay kami ngayon dito sa gazebo at kasama namin si mia dahil free cut.

"paanong wala makakapansin sa kanila?" sinimulan ni kali at tinuloy pa ulit ni mia.

pinag-usapan lang nila ang mga kadalasang ginagawa namin ni brent habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila.

ganoon pa rin naman kami ni brent. he drives me home whenever he's available. pag hindi naman, sinasabayan ko siya mag-dinner after ng training nila. pinupuntahan niya ko tuwing sabay kami ng vacant, we go with each other kapag may mga errands.

basically, we've been doing a lot of things together. we both knew na we we're bound to catch attention. pero, hindi namin napag-usapan ito.

"naka-ilan na kayo?" tanong bigla ni mia pagtapos ako kalabitin.

"ng?" tanong ko pabalik. tanga-tangahan na lang muna.

natawa naman si kali sa ginawa ko kasi nahalata niya ang ginawa kong tanga-tangahan.

"siguro maraming beses niyo pa ginawa, hindi lang kayo nahuhuli." sambit naman nito ni kali.

i continued to do my thing sa laptop, ignoring them.

"hoy iah!" sigaw ni kali at napatingin naman ako sa kanila.

"what?" i asked at nagtaas ng isang kilay.

"kanina pa umiilaw phone mo, sabi ko." banggit ni kali.

i looked at my phone and i saw na tumatawag si brent. ang timely, ha?

"hello?" sagot ko sa phone. "iah!" sigaw ni brent from the other line.

"ang lakas ng boses, ha?" comment ko.

"brent?" bulong naman ni mia at tumango lang ako, kaya nanahimik na silang dalawa.

"ay, sorry. vacant mo 'di ba?" tanong naman ni brent.

"oo." sagot ko habang tumatango, as if makikita niya na tumatango ako.

"kumain ka na?" he asked again.

"nope."sagot ko naman at binaba na niya ang tawag. tinignan ko naman ulit para siguradong binaba na.

ang weird naman nun.

"ano daw?" tanong ni mia pagkalatag ko ng phone ko.

"tinatanong lang niya kung vacant ko ba at kung kumain na ko. weird nga eh, binaba niya bigla." i told them habang nakatingin pa rin sa phone ko.

ang weird kasi talaga. walang bye?

"baka dadalhan ka pagkain." kali stated at tumaas naman ang kilay ko dito. baka nga.

and just like what kali said, after a few minutes ay dumating si brent na may dala-dalang angkong.

"bakit hindi ka pa kumakain? kayo ba?" tanong sa amin ni brent pagkalapit niya sa amin, sinimulan na niya ilabas ang pagkain from the plastic.

"after sana ng ginagawa ko, kakain na kami." i explained to him, looking at the food na binili niya.

he bought more than one meal.

"dapat kumakain ka muna bago ka gumawa ng kahit ano." he said. nangsesermon ka, gorl?

"kumain na din kayo." sabi ulit ni brent pagkatulak niya ng mga pagkain sa harap nila kali.

"wow!" sambit ni kali na binuksan na ang pagkain niya.

umupo na si brent sa tabi ko habang binubuksan ang pagkain ko. pagkabukas niya ay inabot na niya sa akin ng spoon and fork. kinuha ko naman ito.

"ikaw?" i asked him. "kumain na ko." he answered.

sanay naman akong dalhan ako ng mga pagkain ni brent, kaya hindi na ito bago. pero ngayon ko lang siya nakitang dalhan din si mia at kali.

"thank you." pagpapasalamat ni kali pagtapos niya lunukin ang una nyang subo.

parang mali pala pakinggan yun.

"thank you, brent!" pagpapasalamat naman ni mia habang binubuksan na din ang kanya. "although, dimsum treats pa rin talaga." dagdag nito at nginitian si brent na parang nang-aasar.

"auto ekis sayo, mia." sabi naman ni brent. "pareho kayo ng jowa mo." he added. natawa naman kami.

for the rest of the time, kumain lang kaming tatlo habang nakikipag-chikahan ang dalawa kay brent.

"ikaw, brent. nahahalata na kita ah!" biglang sinabi ni mia. tinaasan naman siya ng kilay ni brent.

"crush mo si iah, no?" deretsong tinanong ulit ng babae kaya para tuloy akong nabulunan.

ako yung nahihiya para sa kanya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

napatahimik si brent sa sinabi ni mia at mukhang nag-iisip.

ayan na nga ba sinasabi ko! wala ngang something sa amin ni brent. fling fling lang naman, no feelings attached!

badtrip talaga 'to si mia.

"tangina mo." i mouthed at her.

"oo." sagot ni brent.

para nanaman akong nabulunan. crush niya ako? tama ba narinig ko?

tinignan ko naman si brent at nakangiti lang siya.

"hindi pala halata yun?" dagdag pa niya.

"sabi ko na!" biglang sinabi ni mia na parang nanalo siya sa lotto.

"ayan, ayaw mo kasi makinig sa amin!" sabi naman ni kali ngayon.

"bakit?" tanong ni brent. halatang naguguluhan kung anong tinutukoy ni kali.

"eto kasing crush mo, ayaw maniwala sa amin na-" bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay nagsalita na ko.

"ewan ko sa inyo!" i said, focusing on eating na lang.

"uy, namumula!" pang-aasar bigla ni mia.

agad namang sumama ang tingin ko sa kanila pero tuloy ko lang silang hindi pinansin. tinignan ko ng mabilis si brent just to see him smiling habang nakatingin sa pagkain ko.

pagtapos namin kumain ay tumambay pa kami ng ilang minuto sa gazebo. naunang umalis si brent dahil may klase pa siya, tapos umalis na din kami kaagad pagtapos niya.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon