twenty one

394 4 0
                                    

ateneo vs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ateneo vs. ust today.

game 1 na ng finals ngayon at kaba na lang ang nararamdaman ko.

syempre, matic na manonood kaming tatlo. binigyan din kasi nila kami ng ticket.

for the past month, they have been so busy with uaap. but, i do have to say na sobrang worth it kasi here they are. finals game 1 na. sobrang saya ko para sa ustmbt.

so far naman, maganda ang laro ng ust. puro panalo.

after game nila, usually nagdi-dinner kami sa restaurant or nagte-take out na lang and we have a mini celebration.

hinihintay ko na ngayon sila mia dito sa lobby para makapunta na kami sa arena.

of course, i'm wearing yellow.

naka ust shirt lang ako paired with black shorts and my white af1's. naka-bandana pa ko na yellow para uste na uste talaga.

"halika na!" madaling sinabi ni mia nang makababa na sila. di na rin kami nagsayang nvmg oras at deretsong sumakay na sa car niya.

"nakaka-excite naman!" masayang sinabi ni kali from behind.

"sa true!" um-agree naman si mia.

"for the first time, hindi ako pupunta para maghanap ng pogi!" masayang sinabi ulit ni kali. "may papanoorin na kong pogi." dagdag pa niya.

nagkadevelop-an na kasi si cj at kali. sa pagkakaalam ko, nanliligaw ngayon si cj. kaya naman sobrang excited ngayon ni madam bunganga.

"ang sarap sa feeling, 'di ba?" tanong ni mia kay kali at mabilis na tumango si kali.

"eh, yung isa dyan?" tanong ni kali. i knew she was pertaining to me.

"ano nanaman?" i asked back.

"tanga-tangahan ka talaga eh, 'no?" malakas na sinabi ni kali na may kasamang malakas na batok.

pucha naman. sinamaan ko siya ng tingin at agad siyang umupo ng maayos, kunwari walang ginawa.

"oo na! may papanoorin din ako!" awat ko naman. itong mga 'to, alam naman nila yun. pero, parang enjoy na enjoy pa nilang ipiga sa akin yun.

"ayan!" naghiyawan naman ang dalawang babae.

after a while, dumating na kami sa arena. pumasok na kami after showing our tickets at agad na hinanap ang seats namin.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon