twenty seven

407 11 1
                                    


"ingat ka, mommy." pagpapaalam ko kay mama dahil may business meeting siya sa laguna kaya kailangan niyang umalis.

baka bukas ng gabi o kinabukasan ng umaga na daw siya makauwi, kaya naman binilin niyang alagaan ko ng mabuti si ellie. sasama kasi si tita cherry sa kanya.

umakyat na kami ni ellie at sinimulan ko na siyang patulugin dahil alas-nuebe na din ng gabi.

pagkatapos ay pumasok na ko sa sarili kong kwarto at nanood na lang ng netflix.

nanlaki ang mata ko sa nabasa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

nababasa ko lahat ng messages ni brent at natatanggap ko lahat ng tawag, hindi ko lang talaga pinapansin.

pero ito, parang mahirap na hindi pansinin.

mabilis akong tumayo at sumilip sa bintana at nakita kong may nakapark sa tapat ng gate namin.

"shit." bulong ko sa sarili.

sasakyan ni brent yun.

sinarado ko kaagad ang kurtina at nataranta. hindi ko alam ang gagawin ko.

wala naman akong nabasa na pupunta siya!

"tang ina." bulong ko ulit at bumaba na.

hindi pwedeng hayaan ko lang siya sa labas.

"lord, please." panalangin ko habang nakahawak sa door knob. nagdasal ako nang mabilisan bago lumabas at pagbuksan siya ng gate.

hindi ko inakalang sasakit ng ganito kapag makikita ko siya.

alam ko lang na masakit, pero hindi ko alam na ganito kasakit.

hindi niya kaagad ako napansin dahil nakatalikod siya, siguro tinatawagan ako.

"brent." tinawag ko siya at mabilis siyang lumingon. nung nagtama ang tingin namin, para akong nanghina.

nakita ko sa mata niya yung halo ng pagsisisi at sakit, halatang puyat siya. napansin ko din kung paano ito mamaga.

parang sa oras na yun, gusto ko na lang kalimutan ang lahat at yakapin siya.

"iah." nanghihina niyang sinabi ang pangalan ko na para bang gulat na gulat siya sa presensya ko.

nahanap ko na lang ang sarili sa yakap ni brent.

puro sakit lang ang nasa puso ko sa mga nakaraang araw kaya ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ulit ang hawak niya.

alam niyo yung pakiramdam na nasasaktan ka nung tao, pero siya pa rin ang hinahanap ng puso mo. ganoon.

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon