it's been two days.
paggising ko kanina ay parang gusto ko na lang ulit matulog.
nagmessage sa akin si brent nung gabi na yon at sinabing nasa ust hospital daw sila ni nina dahil nagsuka ng dugo kapatid ni nina.
kaya hindi ko magawang magalit o maglabas sa kanya ng sama ng loob dahil umalis siya.
kinailangan ni nina ng kaibigan at si brent ang tumayo.
ayoko maging selfish, alam ko yung pakiramdam na kailangan mo lang ng presensya ng isang tao.
sana okay lang ang kapatid ni nina.
sana naco-comfort siya ni brent.
pagtapos nun ay hindi na kami masyadong nakapag usap ni brent pero lagi niya akong inu-update kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya.
si nina ang kasama niya buong araw kahapon at ayun, nasa ust hospital nga daw sila. ngayon naman ay minessage ako ni brent na training daw sila buong araw.
today is monday at bukas na ang game 2. kasalukuyang nasa gazebo ako ngayon para gumawa ng plates, ako lang mag-isa.
hindi ko alam pero pakiramdam ko nadidisconnect na ko sa mga tao sa paligid ko. hindi ko din masyadong nakakausap si mia't kali kahit lagi nila akong pinupuntahan.
kanina naman ay gusto akong samahan ni kali, pero sabi ko gusto ko mapag-isa.
hindi healthy na maiwan ako mag-isa sa mga naiisip ko, pero kailangan ko 'to.
kaya naman sa mga oras na naiiwan akong mag-isa kasama ang mga iniisip ko ay napagtanto ko na siguro akin na lang muna 'to.
nakakapagod na yung lagi kang nag-iisip at nagmumukmok.
kaya siguro, okay na muna.
wala din naman akong magagawa.
mahal ko si brent ngunit hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.
pero hindi ito ang oras para magpatong ng bigat kay brent. tinutulungan niya si nina at paniguradong pressured siya sa game 2.
ayoko na maka-dagdag. mahal ko siya, mas gusto ko siyang tulungan.
kaya naman kahit sa kahit anong paraan na kaya ko, tutulungan ko siya.
na-isip ko na magandang dalhan siya ng pagkain sa qpav.
niligpit ko na ang mga gamit ko at naglakad papuntang angkong. mahilig kasi siya dun, kaya why not?
binilhan ko na rin ng pagkain ang ibang mga players para naman lahat sila ay ma-energize.
pagdating ko sa qpav ay kaagad napansin ni ira ang presensya ko. "iah!" tawag nito kaya lumingon na rin ang iba.
"hi." bati ko kay cj, kuya renzo, at ira na lumapit sa akin.
"uy, para sa amin ba yan?" tanong ni cj at tinuro ang dala-dala kong pagkain. tumango naman ako at nakita kong lumiwanag ang mga mukha nila.

BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes