thirteen

424 6 0
                                    

"ano yan?" patawa kong tinanong si brent. nakaupo kami ngayon sa gazebo kung saan gumagawa ako ng plates ko.

naka-upo naman si brent sa tapat ko na nagse-sketch din sa notebook niya. tina-try niyang gayahin yung mga ginagawa ko.

"upuan yan, ungas!" sabi naman ng lalaki. mas lalo lang ako natawa dahil hindi siya mukhang upuan.

"hanga ako sayo. ang hirap hirap kaya gawin nyan!" sambit ni brent ng isarado na niya ang notebook niya.

"kaya mo din naman 'to, i-practice mo lang ng i-practice." sabi ko sa kanya habang nililigpit na ang mga gamit ko.

"practice na lang ako pano ako papakilala sa vlog mo." pang-aasar niya.

yes, i vlog.

i started nung senior high ako. gumawa ako ng a day in a thomasian's life, tapos sumabog na from there.

i gained 50k subscribers nung in-upload ko yun and now i have 300k.

although, medyo naging inactive ako dahil naging busy sa studies. i maintained active naman on my other platforms like instagram and twitter.

mahalaga pa naman yun kasi dun ako madalas magpromote whenever i have ambassadorships. kaya nga lang, hindi ako tumatanggap recently dahil nga sa pag-aaral.

i like to keep my priorities straight.

"hoy iah!" may babaeng sumigaw ng pangalan ko, paglingon ko ay nakita ko kaagad si kali.

nakasunod sa likod niya si mia, renzo, at cj.

"magkasama nanaman kayo." banggit ni renzo nang makalapit sila.

"inseparable na ah." sabi naman ni mia na may kasabay na kalabit.

si cj naman ay tumabi kay brent at niyakap-yakap ito, "hi baby, namiss kita." pang-aasar niya pa.

"gago ka talaga." sagot ni brent at natawa naman kaming lahat dito.

"ice cream tayo!" aya ni kali.

"tara." sumang-ayon naman kaagad si cj.

napapansin kong napapadalas din na magkasama si kali at cj eh.

at dun nga kami napunta, bumili ng ice cream.

naglalakad kami palakad sa mcdo at nauna naman ang mga kalalakihan habang kaming mga babae ay nasa likod.

"magk-kwento ka mamaya, ah." bulong ni mia sa akin at tinignan ko naman siya na parang naguguluhan.

"kayo ni brent!" bulong ulit niya.

"alam niyo namang siya kasama ko ha?" bulong ko sa kanya pabalik.

"i think she means yung status niyo ngayon. ano na ba kayo? nafall ka na ba?" mahinang sinabi naman ni kali at tumango naman si mia.

inikot ko na lang ang mata ko at tinuloy lang ang paglalakad.

bumili kami ng ice cream sa mcdo at tumambay din muna dito saglit.

"mag tagaytay tayo minsan." suggest ni kali out of nowhere.

"uy, masaya yan." sumang-ayon ulit si cj.

laging agree, gorl?

"g ako dyan." sabi ni brent.

"uaap season tayo, bro." pina-alala naman ni renzo. oo nga pala, uaap season.

"edi pag free na tayo." sabi ulit ni brent.

paglipas ng ilang minuto, natapos na din kami at napagdesisyunang umuwi na.

usually, ihahatid ako ni brent pa-uwi. since kasama ko naman na si mia at kali, sinabi kong magco-commute na lang ako kasama sila.

"so, girl. ano nga?" tanong sa akin ni mia nang makahiga na kami sa kama.

"wala naman." sagot ko sa kanya.

"anong wala?" tanong ni kali from my vanity. nagtatanggal siya ng makeup niya.

"anong status niyo?" tanong niya pa.

"friends." sagot ko.

friends naman talaga. nag-uusap at nagha-hang lang naman kami, that's it.

"ulol!" sabi naman ni mia at tinapon sa akin ang unan niya.

"halos araw araw ka hinahatid pauwi, madalas kang dalhan ng pagkain, binibilhan ka ng mga pang plate mo, friends?" dagdag pa niya.

hindi ako naka-oo agad dahil may punto siya. napa-isip tuloy ako.

"natahimik ka?" tanong ni kali habang palakad na para umupo sa kama kasama kami.

"napaisip lang." sagot ko naman.

"anong sabi ko sayo? wag maf-fall." banggit ni mia.

oo nga pala, nasabi niya yun.

pero hindi pa naman ako naf-fall eh.

"ano ba thoughts mo kay brent?" tanong naman ni kali.

"pogi siya. malakas ang appeal tapos mabait din siya, actually. he's really caring and magaling siya makinig. magaling din mag cheer up kasi may sense of humor. very dedicated din sa mga ginagawa niya like basketball. like i swear, nakwento niya sa akin yun."

mas naging close kami ni brent after the whole sundo thing last month. after naman nun, next conversation namin was when he comforted me about my mom. ever since, we started to talk more to the point na araw araw na kami nag-uusap.

we became really good friends.

after flings, hindi naman ito usually nangyayari. wala na ngang pansinan or anything. pero with brent, para namang walang nangyari between us.

it was also nice to have a guy friend around. iba lang kasi talaga pag-iisip ng mga lalaki, so it was kind of refreshing.

"ako lang ba pero feel ko crush mo na si brent."

2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon