"lapit tayo." aya ni kali pero pinigilan ko siya.
"mamaya na, siguro. may kausap pa." sabi ko sa kanya kasabay ng paghawak ko sa palapulsuhan niya.
"baliw ka, iah. kahit pa may kausap yan, basta dumating ka, na sayo kaagad ang attention." sabi naman ni kuya renzo at hinatak na si mia papunta kay brent. si mia naman ay hinatak ako.
"bro!" bati ni renzo kay brent at niyakap ito kaya napahiwalay siya sa dikit niya dun sa babae.
"uy." bati ni brent pabalik. may towel na siya ngayon na nakasabit sa leeg niya.
"congrats!" sabi naman ngayon ni mia. ganoon din si kali.
habang ako ay nanatili sa likuran nila, naa-awkwardan lang kasi ako. may kausap pa kasi yung tao.
tinignan ko yung babae ng mas maayos.
mas matangkad ako ng kaunti pero mas mahaba ang buhok niya, abot na siguro sa bewang. hindi siya morena, pero hindi din siya mestiza. nasa kalagitnaan lang.
pero nawala iyon lahat nang mapansin ko kung ano ang suot niya.
ust #3.
'di ba 3 si brent?
"walang congrats?" biglang may nag sabi sa akin kaya naman nawala ako sa mga iniisip ko.
"ha?" tanong ko. napatingin ako sa nagsalita at nakitang nasa harapan ko na si brent.
"ay! congrats!" bati ko sa kanya.
"galing mo! may pa-flex pa ta-" naramdaman kong niyakap niya ko ulit.
infairness, hindi siya amoy pawis. hindi na din naman siya basa dahil nakapagpunas na siya.
pero i don't know, i feel weird.
parang mali. hindi tama.
dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko para yakapin siya pabalik.
"nalulungkot ka ba?" bulong ko at naramdaman ko ang pag-iling niya.
"nakakadisappoint, pero kaya pang bumawi." bulong niya pabalik.
"proud naman ako sayo." i whispered back trying to comfort him bago siya bumakas sa yakap.
"so.." mia stated.
at parang lumiwanag bigla ang mata ni brent nang maalala niya bigla ang kasama niya. mabilis siyang umalis sa tabi ko para ipakilala ang kanyang kasama.
"guys, si nina nga pala. nina, my friends." pagpapakilala niya.
i noticed how her hand snaked around brent's waist.
yes, i'm one of his friends.
ano ba ang in-expect ko?
"mia." pagpapakilala ni mia. nginitian niya lang ito at nanatili sa tabi ni renzo.
"i'm kali!" sabi naman ni kali at kumaway.
BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes