kahit sa paggising ko ay wala pa rin akong natatanggap.
nakalimutan kaya niya? sadya? o baka maaga din siya nakatulog at hanggang ngayon tulog pa.
sama tuloy ng gising ko. parang ngayon pa lang, alam kong hindi magiging masaya ang araw na 'to.
pinilit ko ang sarili ko na bumangon para maligo at uminom ng coffee. it's a saturday and to be completely honest, tinapos ko na lahat ng plates ko before the game para free ako today. kaso, wala naman yung pinag-alayan ko ng oras.
pagkatapos kong gawin ang mga kailangan kong gawin, na-upo na lang ako at nanood ng netflix. also, casually scrolling down my phone.
napatayo lang ako sa kinauupuan ko nang makarinig ako ng katok. "iah, kami 'to!" i heard from behind the door.
pinagbuksan ko sila ng pinto and i saw na may dala-dala silang food. "good morning!" bati ni kuya renzo.
"good morning. anong meron?" i asked them. medyo nalilito lang ako kasi ang inakala ko ay magsa-sarili kami ngayon. lalo na itong mga 'to,
"ayaw mo kami dito?" madrama na tinanong ni cj. umakto pa siyang na parang nakahawak pa sa dibdib niya.
"to keep you company!" nagsalita na si kali bago ko pa maasar pabalik si cj.
we all sat down around the living area at kinain ang breakfast na hinanda ni kuya renzo at mia.
nakakamiss din pala kumain ng breakfast na ganito. yung classic ba.
sinangag na may bacon, spam, pwede ring hotdog, eggs. ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito dahil puro oats na lang ang kinakain ko sa umaga.
pagtapos kumain ay nag-offer si kali na magluto. tapos, nagchill na lang kami sa living area at nagkwentuhan.
"lagi ko kayang pinagtitripan sila mia nung high school, lalo na nung naging magkaibigan na kami." kwento ko sa kanila dahil napunta sa pagkakaibigan namin ang usapan.
"sabi ko dapat sila na lang ang magkatuluyan, wala namang mali dun. tapos, pangalan dapat ng anak nila ay fa." pagkwento ko. nakita ko naman sa mukha ng mga kalalakihan na nalito sila. habang sina mia ay parang naiinis na ewan.
"bakit?" tanong ni kuya renzo.
"para kumpleto na! mia, kali, fa." sabi ko naman at as expected, tawang tawa ang mga lalaki.
"putragis!" sabi ni cj habang tawang tawa sa narinig niya. ang mga babae naman ay tahimik lang na medyo napapangiti.
nakakatawa naman kasi talaga.
"nadali mo, sir!" banggit naman ngayon ni kuya renzo nang medyo huminahon na sila.
lumipas ang isang oras ay natapos na kami sa chikahan namin. we talked about the most random topics and it really helped me keep my mind off of things.
bumalik lang nang magsimula na kami manood ng netflix. hindi talaga ako pwede sa katahimikan.
nagte-take over yung thoughts ko.
kasalukuyang 1pm na pero wala paring paramdam si brent. hindi din namin siya pinag-usapan, siguro kasi yun talaga ang nais gawin nila mia. mawala ang isip ko kay brent.
BINABASA MO ANG
2020
Fanfictioniah simply sought for a stress-free night, but things turned the way she didn't expect it to turn when she woke up beside the ustmbt heartthrob, brent. what happens next? a brent paraiso story. lowercase intended | unedited written by reesespiezes
