CHAPTER 1: THE STRANGER

39 2 0
                                    

Sa kaharian ng Mezzon:

"Sigurado kana ba Sa desisyon mo prinsipe Rossouw?!" Tanong ni Geri Flora, matalik na kaibigan ng prinsipe.

Namamasyal Sila ngayon Sa pinkamalaking hardin ng Mezzon,kasama ang bunsong kapatid ng prinsipe. Si prinsesa Yarih labing anim na taong gulang. Ang prinsesa ay hindi nakakapaglakad dahil narin sa Hindi matukoy na karamadaman,bitbit siya ng lalaking kanilang tagapagsilbi.

" Alam kong magiging isa Kang mahusay na Hari aking kapatid." Tugon ng prinsesa Yarih Sa kapatid

Tumango naman Si Geri bilang pagsang-ayon Sa prinsesa ,tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan at inakbayan Ito. May binulong siya rito .

"Huwag mo akong igaya sayo Geri." Natatawang bumitaw ang prinsipe Sa pagkaka-akbay sa kanyang kaibigan

"Ang pagiging Hari ay may kaakibat na malaking responsibilidad at hindi pa ako handa Sa mga iyon."

Hindi madaling pamunuan ang kanilang kaharian Alam niya iyon dahil Bata pa lamang siya ipinamulat na agad ng kanyang amang si Haring  Areol ang mga bagay-bagay na dapat niyang malaman agad upang mas  maintindihan pa ang pamamalakad Sa kanilang kaharian at pilit niya itong isinuksok Sa kanyang isipan. Kilala ang kaharian ng Mezzon Sa mahusay na pamamalakad ng mga taong namumuno rito Kaya natatakot siya baka mabigo niya ang mga taong nasa paligid niya pag siya na ang tinalagang Hari ng kanyang ama.

Habang nagmumuni-muni siya sa kanyang nakaraan ,nakarinig siya ng isang ingay Sa kakahuyan agad siyang naging alerto at ilinabas ang kanyang espada naramdaman naman ito nang kanyang kaibigan Kaya kinuha din nito ang kanyang sandata.

"May taong nagmamasid Sa atin."
Wika ni Geri Flora

Umingay ang kanilang mga kabayong dala ,nang lingunin nila ito nakita nilang kinukuha ng isang lalaki ang mga gamit nilang naroon , nagmamadaling tumakbo Ito Ng mamataan nitong napansin na siya ng mga may ari. Agad naman itong hinabol ng prinsipe at ng kanyang kaibigan. Sa sobrang pagmamadali ng lalaki nadapa ito Kaya naabutan Ito Ng prinsipe at ni Geri Flora. Itinutok ng prinsipe ang kanyang espada Sa leeg ng lalaki nagimbal naman Sa takot ang lalaki .

"Magpakilala ka. Kung ayaw mong mawala ngayon ang walang kwenta mong buhay?" Mariing wika Ng prinsipe

Hindi sumagot ang lalaki bagkus tumawa Lang Ito na parang isang baliw.

"Mukhang taong gubat Ito Mahal na prinsipe, basi narin Sa kanyang kasuotan. Layunin nilang magnakaw Sa mga mayayamang Tao na dumadaan Sa kagubatan. Ang ipinagtataka kulang Kung bakit Sila napadpad Sa hardin na ito." Tugon ni Geri Flora

Tagpi-tagping mga tirang tela ang kasuotan ng lalaki, magulo ang buhok at madungis ang mukha.

"Mukhang may nag-utos Sa kanilang pagnakawan tayo,Mahal na prinsipe."

Inapakan ng prinsipe ang gilid na mukha ng lalaki, napasigaw naman ito Sa sakit.

"Sabihin Mo , may nag-utos ba sayo?!" Galit na sigaw Ng prinsipe
Hindi parin nagsalita ang lalaki Kaya labis itong nagpagalit Sa prinsipe.

"Kung Ako sayo kamahalan pakakawalan ko ang lalaking yan." Malamig na wika ng isang babae Sa kanilang likuran

Pagkarinig ng dalawa Sa boses na iyon ay agad silang lumingon Sa kanilang likod.
Doon nila na tunghayan ang babaeng may hawak na patalim at nakatutuk Ito Sa leeg ng prinsesa kasama nito ang isang Malaki at matabang lalaki buhat naman nito ang prinsesa.

Ang kanilang ayos ay katulad din ng lalaking kanilang hawak ngayon.

"Pakawalan mo ang prinsesa at papatawarin ko kayo Sa ginawa niyo ngayon." Mariing wika ng prinsipe

Tumingin ang dalawang taong gubat sa kasamahang hawak nila ngayon. Waring kinakausap nila ito gamit ang Mata Kung ano nga ba  ang dapat gawin.

Tumawa Ng malakas ang lalaking hawak nila
"Sa palagay mo kamahalan , pakakawalan ba nila ang malaking palay na hawak na nila ngayon na Hindi nanghihingi ng malaking kapalit." Makahulugang tugon ng lalaking hawak nila

"O-o nga kailangan namin ng ma--laking kapalit prinsipe." Utal-utal na wika ng lalaking may hawak Sa prinsesa

Halata rito ang takot Sa dalawang binatang nasa kanyang harapan

" Nais naming pakawalan niyo siya at ang mga ginto niyong dala ay ibigay niyo Sa amin." Pahabol na salita ng lalaking mataba

Tumango naman ang prinsipe at Si Geri Flora . Mas mahalaga ang buhay ng prinsesa kesa sa mga Gintong dala nila ngayon. tinago nila ang kanilang sandata at pinakawalan ang lalaking hawak nila. Nagkukumahog namang tumakbo ang lalaki papunta Sa kanyang mga kasama.

"Ang mga Ginto ay dala na ng lalaking yan kaya pakawalan niyo na ang Mahal na prinsesa." Wika ni Geri Flora

Agad namang binitawan ng babae ang patalim na hawak niya kanina . Ibababa na Sana ng matabang lalaki ang prinsesa Sa may damuhan ng pinigilan ito ng lalaking nakatakas Sa kamay ng prinsipe

" Anong akala mo Sa amin prinsipe uto-uto ?siguradong papatayin niyo pa rin kami."wika lalaki

" Totoo Ako Sa aking mga turan ginoo, kaya ibaba muna ang prinsesa Gaya ng pinagusapan natin."

"Patawad prinsipe Pero hindi Ako totoo kaya mag pa alam kana sayong munting kapatid, Ito na ang huling araw ng prinsesa ...
Bago pa makalapit ang patalim ng lalaki sa balat ng prinsesa ay naunahan na siya ni Geri Flora,agad na inihagis nito ang espada papunta Sa sentro ng dibdib ng lalaki.

Labis na nagulat ang dalawang kasamahan nito, Kaya kinuha ng malaking lalaki ang kanyang sibat at papatamaan na Sana Si Geri Flora ngunit na unang nakalapit ang prinsipe sa malaking lalaki at kaagad niya itong ginilitan sa leeg.

Pagkakita ng babae Sa kanyang dalawang kasamahan ay nagmamadali siyang tumakbo upang iligtas ang kanyang sariling buhay ngunit naabutan siya ni Geri Flora at itinutok dito ang kanyang espada, Hindi nakagalaw ang babae dahil dito.

" Paki-usap po huwag niyo po akong patayin. Nagmamakaawa po ako." Lumuhod ang babae sa dalawa.

" Mahal na prinsipe , wawakasan ko na ba ang buhay ng babaeng ito?" Tanong ni Geri Flora Sa prinsipe.
Ang prinsipe Rossouw naman ay inaasikaso ang kanyang kapatid

" Huwag mo siyang patayin Geri." Sigaw ni Prinsesa Yarih

Lumapit ang prinsipe Rossouw Sa babae.
Tinignan niya ang kalagayan  nito.

"Ka anu-ano mo ang mga taong iyon, at bakit kayo napadpad dito?"

"Patawad kamahalan, ang mga Tao pong yon ay aking mga kapatid Sa gubat. Inutusan po kami ng aming pinuno na pumunta rito at mag-antay Kung sino ang mapagnanakawan. Dahil maraming mayayaman daw ang nagagawi rito."

"Kung gayon Asan ang iyong mga magulang ? At ilang taon kana?" Nagtatakang tanong Ng prinsesa Yarih

"Patay na po Sila Mahal na prinsesa at Ako po ay labing anim na taong gulang. Sana po ay mapatawad niyo kami prinsesa ayoko ko pa pong mamatay. Gagawin ko po ang lahat."
Sagot nito

Naawa naman ang prinsesa Sa kalagayan ng dalaga Kaya Nakikiusap siyang tumingin sa kanyang kapatid na buhayin pa ito. Mahal ng prinsipe Rossouw ang kanyang kapatid kaya pinagbigyan niya ito.

"Hindi kita papatayin Sa araw  na ito dahil narin Sa hiling ng aking kapatid, ngunit may kapalit ito maninilbihan ka Sa kanya  at ang lahat Ng kanyang iuutos ay susundin mo, aalagaan mo siya at mangangakong hindi mo siya sasaktan at proprotektahan kahit maging kapalit pa nito ang iyong buhay."

"Opo prinsipe nangangako po ako.Hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na ibinigay niyo Sa akin." Puno ng konbiksyong wika ng dalaga

" Sana ay maging totoo ka Sa iyong ipinangako dahil Kung hindi Ako mismo ang kikitil Sa iyong buhay." Wika Ng prinsipe Rossouw

Inutusan niya Si Geri Flora na kunin na ang mga kabayong kanilang dala upang makabalik na Sila Sa kaharian agad naman itong sumunod.

Nang umalis Sila Sa lugar na iyon hindi nila Alam na may Isa pa palang Tao ang nagmamasid Sa lahat ng nangyari Sa lugar.

" Magsisi kayo , Sana ay binawian niyo na kaagad siya ng buhay." Natatawang wika nito.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon