Prologue

57 3 0
                                    

"Pulang Lobo." Wika ni Malo, kinuha niya ang mansanas Sa hapag at kinagatan Ito.

"Tumigil ka nga Malo, matagal nang naglaho ang mga pulang Lobo, baka naman guni-guni mulang yon'." Ngumingisi pa Si Seldo habang winiwika Ito.

Napansin ni Seldo ang kanilang bunsong kapatid na Si Unu. nakatulala ito at waring may malalim na iniisip, tinapik niya ito.

"Ano nanaman Kaya ang nasa isip ng aking munting kapatid?

"Mga kapatid may hihilingin Sana ako Sa inyo at sana'y mapagbigyan ninyo Ako. Gusto Kung mapakasalan ang dalagang Si Tala." Puno ng determinasyong wika ni Unu

Humalaklak ng malakas Si Seldo,Puno Ng pang-iinsultong titig naman ang kanyang natanggap Sa kanyang nakakatandang kapatid na Si Malo.

Ang tinutukoy nitong dalaga ,ay ang pinakabatang babae Sa Bahay aliwan (Tosca) . Ito ay labing pitong  taong gulang pa lamang. Mahigit isang buwan na itong na nanunuluyan roon, ang Serya Luna niya ang nagpasok Sa dalaga Sa Tosca dahil Sa gandang taglay nito na lubos na mapagkakakitaan. Unang kita niya palang Sa dalaga nakuha na kaagad nito ang kanyang puso .

"Nagpapatawa ka ba Unu?! Babaeng taga-aliw pa talaga? Ngunit di naman Kita masisi dahil lubos talagang kahanga-hanga ang mukha ng babaeng iyon. Sariwa at Bata pa. nais ko ngang puntahan ito mamaya upang ako ang makauna Sa dalagitang yon." Wika ni Seldo na lubhang nagpagalit Kay Unu ,linapitan ni Unu Si Seldo at inundayan ng suntok Sa mukha napatumba naman Ito sahig , Nang mahismasan si Seldo Sa suntok ni Uno Dali -dali itong tumayo an inundayan Ng suntok rin Unu. Lumaban ang bunsong kapatid Kaya napahaba pa ang away.

"Tumigil na kayong dalawa!" Sigaw ni Malo ang kanilang nakakatandang kapatid. Siya ang may lubos na may kapangyarihan dahil siya ang pinuno Ng pamilyang Bizet.

"Para kayong mga ulol na hayop na naglalaway Sa iisang pagkain Lang!"

Napatigil naman ang dalawa Sa kanilang away at nag Si upo na Sa kani-kanilang upuan.

Nagtawag Si Malo Ng isang kawal at may inuutos dito,tumango naman ang kawal at nagmamadaling umalis.

" Unu , Alam Mo naman ang estado ng ating pamilya . Isa Tayo Sa may kapangyarihan Sa lugar na Ito Kaya nararapat lamang na ang ating magiging kabiyak ay may kapangyarihan din. Ang mga katulad Ng babaeng iyong nagugustuhan ay ating mga alipin lamang Kung gusto nating paglaruan Sila ay nararapat lamang Sa kanilang estado. Nabuhay Sila upang magsilbi Sa atin, naiintindihan Mo ba aking kapatid?!" Buong wika ni Malo , nakayuko naman Si Unu dahil may takot siya Sa kanyang nakakatandang kapatid

Matapos sermonan ni Malo ang kanyang kapatid ,dumating na ang kanyang kawal na inutusan at dala nito ang dalagang Si Tala.
Nakangiting lumapit Si Tala Sa tatlo. Napuno naman Ng tanong ang utak ni Unu Kung bakit narito ang babaeng kanyang napupusuan.

Senenyasan ni Malo ang dalaga na lumapit Sa kanya. Natutuwa namang sumunod Ito at humagikhik pa. Umupo Si Tala Sa kandungan ni Malo at nang-aakit itong tumingin Sa kanya. Makikita mo naman Sa mukha ng lalaki na nang gigil na Itong hawakan ang dalaga.
Hinalikan ni Malo ang leeg ng dalaga at tumingin Sa mukha ng kanyang bunsong kapatid. Nanlulumo Si Unu Sa nakikitang eksena at lubus itong nagpangiti Kay Malo.

" Ngayon aking kapatid , naiintindihan Mo na ba ang aking ipinahihiwatig?" Wika ni Malo

" Lubus na nasasaktan ngayon Si Unu ,Malo" natatawang salita ni Seldo. Hindi naman makapagsalita Si Unu sa nangyayari.

"Ang babaeng ito ay Isa lamang laruan Unu at ano ba ang ginagawa natin Sa isang laruan?!"

Hinaklit niya ang damit ni Tala ,napunit Ito Kaya napayakap Sa kanya ang dalaga. Natawa naman Si Malo Sa naging reaksyon Ng dalaga.

" Binibini , mukhang Hindi pa lubos maisip ng aking kapatid Kung ano nga ba ang papel mo Sa mundong ito ,ipaintindi mo naman Sa kanya." Hinahalikhalikna ni Malo ang dalaga Hindi naman umimik ang dalaga at nawala na ang nakaka-akit nitong tawa kanina, mahigpit parin itong nakayakap kay Malo.

"Mukhang hindi makapagsalita ang binibini Malo!" Mariing wika ni Seldo.Naging tahimik ang buong silid hanggang Sa nag salita na ang dalaga.

"Mahalaga ang papel ko rito Sa Mundo." Malamig na wika ng Dalaga, waring ang isang pangungusap na yon ay nagbibigay ng isang babala Sa isang tao.

Humalaklak ng malakas Si Seldo at Malo ng marinig Ito.

"Segi nga bukod Sa pagpapaligaya ng Sa isang lalaki ,ano pa nga ba ang Kaya mong gawin at masasabi mong mahalaga nga ang iyong buhay?"
Naghahamong wika Seldo

Nang-aasar namang humalaklak ang dalaga. Ang tawa nito ay parang may ipinapahiwatig. Binigyan niya ng mumunting halik sa Tenga si Malo na lubos na nagpasaya Sa lalaki.

"Marami ang mga kaya Kung gawin Ginoo.Hmmmm katulad ng pagdala ko sayo sa pinakatuktok ng kalangitan ...."
Nang-aakit na wika ng dalaga

Ngumingisi naman Si Malo Sa sinabi Ng dalaga.

"At Kaya din Kitang ibigay Kay kamatayan."

Pagkarinig nito ni Malo ay agad na nindig ang kanyang balahibo .napagtanto niyang may ibig ipahiwatig ang dalaga Kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang sandata ngunit nahuli na siya naiturok na Sa kanyang leeg ang isang patalim. Bumulwak ang dugo ni Malo,Sa labis na gulat ng dalawang kapatid hindi muna sila nakagalaw. Hindi nila lubos maisip na kayang pumatay ng dalagang may taglay na mala-anghel na kagandahan. Nang mahismasan agad namang nagsipagkuha ang dalawang kapatid Ng kanilang espada ngunit mabilis na tumarak na kaagad ang patalim Sa noo ni Seldo at Sa dibdib naman ni Unu.
Kinuha ng dalaga ang kanyang paboritong patalim Sa leeg  ni Malo at tumingin Sa mga Mata nito.

"Isa Lang naman ang papel ko Sa Mundong ito at ito Ang pumatay Ng mga katulad niyo." Wika niya habang tinitingnan ang mga naghihingalung magkakapatid. Nang marinig niya ang mga tunog ng paparating na mga kawal mabilis na kumilos ang dalaga patalon Sa bintana ng silid upang Hindi na siya maabutan Ng mga ito.




__________________________

Hello everyone !!
This is my first story in Wattpad
So please understand my grammatical and typographical errors 😊.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon