Sa dalampasigan ng Gatta :Sa kaliwang bahagi ng dalampasigan naroon ang maraming hukbong kawal na galing pa sa Kaharian ng Mezzon. Pinamumunuan Sila ng kanilang Hari na nakatunghay ngayon sa mga pangkat na kawal ng Gatta na nakaabang sa kanang bahagi ng Dalampasigan at handa na sa kanilang natutumping paglusob. Katulad nila'y matitibay din ang mga gayak pandigma ng mga ito at may matutulis na sandata upang ipanglaban.
Ang isang kawal ng Gatta ay inutusang lumapit sa kanilang panig. May binulong ito sa punong kawal ng Mezzon.
"Kamahalan, nagpapahayag ng konseho ng digmaan si Haring Magnus." Tugon ng punong kawal kay haring Rossouw
Tumango si Haring Rossouw sa kawal. Sabay silang sumakay ni Geri Flora Sa kani-kanilang kabayo upang makalapit sa gitnang bahagi ng Dalampasigan na kinaroroonan ngayon ni Haring Magnus kasama ang kanyang punong kawal.
Nang makalapit agad na nagwika si Haring Rossouw , "Kalayaan lamang ng aking kapatid ang aking hangad Magnus kaya't dinggin mo ito kapalit ng kayamamang kinuha namin sa inyo. Wala ng digmaang magaganap at wala ng dugong dadanak sa Dalampasigan na ito kung makakasundo tayo."
"Katulad mo'y ayoko ring may mga buhay na masasayang ngayon. Kaya't Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa sapagkat diringgin ko rin naman ang iyong hiling. isasauli ko sayo ang prinsesa kapalit ang Bagay na pag-aari ko." Sagot ni Haring Magnus
"Salamat. Sana'y maging totoo ka sa iyong mga salita. Ngunit dapat kasama ng Prinsesa ang mga aliping inyo ring binihag."
Humalaklak si Haring Magnus sa naging turan ni Haring Rossouw,
"Ang nasa kasunduan lamang natin ay ang Kalayaan ng Prinsesa at wala roon ang aliping kanyang mga kasama."Nagngitngit ang kalooban ni Haring Rossouw. "Ngunit wala nang pakinabang sayo ang mga aliping iyon kaya't nararapat mo din silang pakawalan kasama ang prinsesa."
"Sayo na nga nanggaling Rossouw wala na silang pakinabang, bukod roon sila'y mababa lamang na nilalang at Hindi dapat bigyan ng pansin. Ano't may puwang sa iyong puso ang mga aliping iyon?" Tukso ni Haring Magnus sa hari ng Mezzon
"Sapagkat parte sila ng aking kaharian at nararapat lamang na isipin ko din ang kanilang kalagayan dahil may mga pamilya silang nangungulila rin sa kanila." May pagtitimping sagot ni Haring Rossouw
"Kay buting Hari mo naman Rossouw kagiliw-giliw ang iyong katangian ngunit ang mga aliping iyong tinutukoy ay matagal nang nawalan ng buhay bago pa tayo makapag-usap. Pinaslang ko na Sila dahil malaki silang sagabal Sa akin." May ngiting tugon nito.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Haring Rossouw. Ang kanyang puso ay nagpupuyos sa galit sapagkat Isa Sa mga aliping iyon ay ang dalagang kanyang napupusuan. Gusto niyang patayin ang lalaki ngayon sa kanyang harapan na may mga ngisi pa Sa mga labi nito upang siya'y pasabugin sa galit.
"Ngayon Hari ng Mezzon, itutuloy niyo pa ba ang digmaan o palalayain na namin ngayon ang prinsesa at kasabay nito ang pagsa-uli niyo Sa kayamanan ng Gatta?" Turan ng punong kawal ng Gatta
Masama paring nakatunghay si Haring Rossouw Kay Haring Magnus waring pinag-iisipan nito Kung paano ito papatayin. Habang si Geri Flora naman ay pinagmamasdan ang kanyang kaibigan pakiwari niya'y may masamang naidulot kay Rossouw ang mga Huling winika ni Magnus kaya't ganoon na lamang ngayon ito. Waring may kadilimang nakabalot Ngayon Kay Rossouw at Alam niyang Hindi maganda ang kalalabasan nito Ngayon.
"Rossouw huwag Kang magpadala Sa iyong Galit alalahanin mo ang buhay ni prinsesa Yarih." Bulong niya Sa kanyang kaibigan
Nagtagumpay si Geri Flora dahil muling bumalik sa huwesyo ang kanyang kaibigan at Hindi nagpadala sa kadilimang nadarama nito ngayon. Tunay ngang Mahal nito ang kanyang kapatid.
"Salitan tayo, papupuntahin niyo ang prinsesa Sa aming panig na wala kayong ginagawang hakbang upang mapahamak siya at papayagan naming may mga kawal kayong papuntahin sa Amin upang kunin ang mga kayamanang kinuha namin."
Malamig na wika ni Haring Rossouw"Magaling! Kasabay ng pagbalik ng aking mga kawal Sa aming panig dala ang aking mga ginto ay ang pagpapakawala din namin Sa kanya papunta na sa inyo. Sa pagwagayway ng aming bandila mangyayari ang mga ito." Wika ni Haring Magnus
Sinang-ayunan ito ni Rossouw at ni Geri Flora. Kaya't agaran silang bumalik na Sa kanilang hanay gayundin ang ginawa Nila haring Magnus.
Pagkabalik sinenyasan na ng punong kawal ni Haring Magnus ang mga kasapi niya na nakatalaga Sa pagdala ng ginto upang pumaroon na sa panig nila haring Rossouw upang kunin ang mga ginto at makapaghanda Sa pagwagayway ng bandila upang madaling makabalik agad Sa kanilang panig kasama ang mga ginto.
Bukod Doon hinanda na din nila si prinsesa Yarih sa kanyang pagpunta sa panig ng kanyang kapatid.
Puno ng pag-asa ang mukha nito. Masayang masaya ang kalooban nito dahil nasilayan niya ang kanyang kapatid at kunting minuto nalang makakamtan niya na ang kanyang Kalayaan. Makakasama niya na rin ang kanyang pamilya na matagal nang nangungulila sa kanya. Hindi na siya makapaghintay.
Nang winagayway na ang bandila agad na tumakbo ng mabilis ang prinsesa patungo Sa kanyang kapatid. Mabilis din namang binitbit ng mga kawal ng Gatta ang kanilang mga ginto.
Walang sinayang na sandali si prinsesa Yarih. Lumuluha siyang tumatakbo para Sa kanyang Kalayaan.
Nang mapagtanto ni haring Rossouw na malapit na ang kanyang kapatid Sa kanilang panig agad siyang tumakbo upang ito'y salubungin ng kanyang mga yakap.
Kasabay ng pagyakap ni Rossouw sa kanyang kapatid ay ang pagtama rin ng isang palaso Sa likod ni prinsesa Yarih.
Nanghihinang yumakap ng mahigpit Sa kanya si prinsesa Yarih, habang ang mga luha nito'y pumapatak Sa kanyang kasuotan.
"H-Hindi maari. Mahal Kung Kapatid lumaban ka, h-hinihintay kapa Nila ina!" Tumatangis ang puso ni Haring Rossouw habang tinititigan ang naghihirap na mukha ng kanyang kapatid.
Hinawakan ni prinsesa Yarih ang kanyang pisngi.
"P- Patawad kung hindi ko na kayang lumaban kuya, ngunit masaya Ako na nakamit ko na ang aking kalayaan." At ito ang Huling nasambit ni prinsesa Yarih Bago siya mawalan ng buhay.Galit na sinuyod ng kanyang mga mata ang paligid upang mahanap ang pangahas na nilalang na pumatay Sa kanyang kapatid At agad naman niya itong nahanap, ang nilalang na ito ay may itim na tilang nakatakip sa kanyang mukha at dala nito ang Gintong Pana. Nasisigurong niyang Isa itong dalaga na may masidhing hangarin upang mapatay ang kanyang kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/210239576-288-k618948.jpg)
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
Fiksi UmumRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...