Sa pagkamatay ni prinsesa Yarih sa mga bisig ni Rossouw, ang nag-udyok sa kanilang panig upang ipaghiganti ang kamatayan ng kanilang prinsesa. Sabay-sabay silang sumugod sa hukbo ng kaharian ng Gatta.Ang kamatayan ang naging sanhi ng labanan Ngayon na nagaganap sapagitan ng kaharian ng Mezzon at Gatta.
"Sugurin Sila! At iharap sa akin ang pumatay sa aking kapatid!"
"Para sa prinsesa at sa buong Mezzon!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kawal ng Mezzon at doon na nagsimula ang pagdanak ng dugo sa Dalampasigan.
Sa malagim na digmaang nagaganap tila Hindi nakikisang-ayon ang langit Dito sapagkat bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkulog at kidlat na waring nagpupuyos sa Galit ang may kapal sa mga buhay na masasayang.
Isa ngang malagim na pangyayari ito Sa buong Grosso. Dahil ang katahimikang matagal na nilang inaalagaan ay unti-unti Nang nabubuwag. Sa Ngayon ay nasisindak na ang iba pang karatig pook ng Grosso at ang kaharian ng Turan.
**
Sa pagsiklab ng labanan nahanap ng mga mata ni Rossouw si Magnus at nakikipagsandatahan ito kay Geri Flora. Agad siyang sumugod sa likuran ni haring Magnus kaya't nasugatan niya ito, sumaklolo naman kaagad ang punong kawal nito upang maging pantay ang tapatan. Si Rossouw laban Kay Magnus at si Geri Flora laban Sa punong kawal." Wala kang isang salita Magnus! Sana'y Hindi nalang ako naniwala Sa isang katulad mong manlilinlang!"
"Huwag kanang umatungal dyan na parang isang tuta na nawalan ng isang Bagay! Tapusin na natin ito at kating kating na akung kitilin ang iyong buhay!"
"Katulad mo'y nasasabik na din akong patayin ka!" Agad niyang pinatama ang kanyang espada Sa leeg ni Magnus ngunit nasalag ito ni magnus, ito naman ang sumugod at sasaksakin Sana siya nito ngunit agad siyang nakaiwas.
Maraming beses pa silang nag sandatahan ngunit kahit isa'y Walang gustong magpatalo, pantay ang kanilang lakas at parehong magaling gumamit ng espada ang dalawa ngunit makikita mo Sa kanilang mga Mata ang poot at galit.
Galit na magsisindi ng mas malakas pa na apoy sapagitan nilang dalawa.Sa kaganapan naman ng labanan nina Geri Flora at ng punong kawal ay higit na nakakalamang si Geri Flora dahil higit itong mas magaling sa punong kawal.
"Sumuko kana punong kawal dahil makikitil ko lamang ang iyong buhay!" Sambit ni Geri Flora
"Wala Sa aming angkan ang duwag ginoo, kahit mapatay pa Ako Sa labanang ito masaya parin Ako dahil natungkulan ko nang mabuti ang aming kaharian ngunit Bago ito mangyari may ipapahag muna Ako sayo."
"Ano iyon?!"
"Hindi ang aking Hari ang nag-utos na patayin ang prinsesa,Pati mandin kami ay nagulat sa nangyari. Wala Sa kanyang plano ang patayin talaga ang prinsesa, baka may iba pang nilalang na may Galit Sa inyo."
Nagulat si Geri Flora sa naging pahayag ng punong kawal. Nagdadalawang isip siya Kung paniniwalaan ba niya ang sinabi nito.
Pagkatapos nitong magwika agad itong sumugod kay Geri Flora ngunit na depensahan agad ito ni Geri Flora Kaya napaslang niya ito.
"Isang pagkakamali ang iyong nagawa ngunit Salamat sa iyong impormasyon." sambit niya Dito habang ito'y nag-aagaw buhay na.
***
Sa kabilang dako naman may hukbong sandatahan ang nakamasid sa labanan ng Gatta at Mezzon. Ang kanilang mga mukha ay nakabalot ng Puting telang takip upang Hindi Makita ang kanilang mga wangis. Mataimtim silang naghihintay sa resulta ng labanan upang makapaghanap ng tyempo para makalusob.
"Talisya, mukhang kaonti nalang ang kanilang mga hanay , ito na ang ating pagkakataon upang lumusob." Wika ni Juno
"Sandali lang Juno at nasisiyahan pa ako sa nagaganap na away ng dalawang inutil na hari."
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
Ficción GeneralRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...