Sumapit na ang pulang araw at ang buong kaharian ng Mezzon ay nagdiriwang dahil Ito na ang koronasyon ng Prinsipe Rossouw. Ang buong palasyo ay puno ng palamuting dekorasyon at ang mga taga-silbi ay naghahanda na ng mga masasarap na pagkain.
Sa labas ng palasyo ay puno ng mga simpling mamamayan ng Mezzon hinihintay nila ang paglabas ng buong pamilya Nakalugar naman Sa daraanan ang mga kawal upang Hindi magkagulo mamaya ang mga tao sa paglabas ng kalesa ng Prinsipe Rossouw.Ang iba't ibang mayayamang pamilya sa Mezzon ay nakasuot ng magagarang tela ng damit at pumapasok na ngayon sa loob ng pagdadausan ng koronasyon. Sila rin ay may mga dalang kalesa kabilang Sa dumalo ang pamilya Flora , Puno ng ngiti ang mag-asawa nang dumating at Hindi mo talaga mapag hahalataan na may pinaplanong masama.
__________
Pagkatapos nang pagtanghal Kay Prinsipe Rossouw bilang Hari na ng Mezzon ay nagkaroon ng pagsasalu-salo sa buong palasyo.
Naroon ang buong pamilya Vetell Sa isang malaking lamesa at ito'y nasa Gitna ng pagsasalu-salo. maraming mga angkan ang lumalapit Kay Rossouw upang batiin ito at magpahayag narin ng katapatan Sa kanyang pamumuno.Habang ang pamilya Flora ay hindi parin lumalapit Sa bagong Hari ng Mezzon, kahit nakapaskil pa Sa kanilang mga mukha ang isang pilit na ngiti may nakatago parin silang nagngingit-ngit na kalooban.
Hindi na makayanan ni lero flora ang pagkukunwari Kaya Tumayo siya at nagpa-alam na magpapahangin Lang saglit pumayag naman ang kanyang Asawa rito.
Masama ang loob na pinagmamasdan niya ang mga bulaklak na nakapaligid sa munting Hardin ng palasyo. Madilim ang paligid na kanyang kinaroroonan at mga huni Lang ng insektong naroon ang tanging maririnig doon ngunit Hindi ito alintana ni Lero Flora dahil narin Sa kanyang Galit Sa pamilya Vetell.
" Ginoo , Gusto niyo po ba ng maiinom na Alak?"
Isang boses ng dalaga ang kanyang narinig na pukaw nito ang kanyang isipan, siya'y lumingon Sa pinanggalingan ng boses at kanyang natunghayan ang isang dalagang tagapagsilbi Sa kaharian basi na rin Sa suot nito.
Naiiritang niyang kinuha ang bote ng alak na inalok nito sa kanya at pinagmasdan na muli ang mga bulaklak .
Akala niya aalis na ang dalaga nang kinuha niya ang alak ngunit napansin niyang Hindi parin Ito gumagalaw sa kanyang kinaroroonan."Pwede kanang umalis , sapat na Sa akin ang alak na ito." Matabang niyang wika sa dalagang tagapag-silbi
Ngunit imbis na umalis ay nagsalita pa ang dalaga " Ginoo, paborito mo pala ang mga bulaklak na sukraw." Malungkot na wika nito Sa kanya
Naiinis niyang tiningnan ang dalaga " E, ano naman sayo ! Amalis ka na nga taga-silbi at baka sayo ko pa maibuntung ang lahat ng Galit ko."
"Patawad Ginoo Sa aking naging Turan ngunit Alam mo ba ang kwento ng mga sukraw na bulaklak."
Biglang nagka-interes siya sa sasabihin ng dalaga kaya pinayagan niya na itong magsalita
"Ang mga bulaklak na ito ay unang tumubo sa patay na kaharian , dahil Sa angking Ganda nito maraming nahalina at nagka-interes na kunin ito at itanim nalang Sa kani-kanilang kaharian kaya naging marami ito dahil ang bawat kaharian Ng Grosso ay may kanya-kanyang hardin para Sa kanila. Tunay ngang kahanga-hanga ang ganda nila ngunit Alam mo ba ang sekreto ng mahalimuyak na bulaklak na ito?" Humina ang tinikig ng dalaga at huminto sa pagsasalita
Ano? Yan ang gustong itanong ni Lero sa dalaga ngunit Hindi niya na isatinig.
Bigla siyang tinawag ng kanyang Asawa Kaya napatingin siya dito, biglang tumalikod na ang dalaga at may ibinagkas Bago Ito lumisa n.
Humahangos na linapitan siya ni Issa " Nais kang maka-usap ng lider ng mga lipi Noqu"
"Ganon ba sige pupunta na Ako" wika niya Sa asawa ngunit di parin mawala sa kanyang isipan ang huling sinabi ng taga-silbing dalaga
Habang nag-uusap Sila ni Quahar ang tumatayong lider ng Lipi Noqu . Nakikita niya ang kasiyahan ng kanyang Anak kasama ang pamilya Vetell. Masaya itong nakikipag-usap Sa mga Ito na parang parte siya ng pamilya.
Hindi maiwasang magselos siya Sa pagtrato ng kanyang Anak sa mga Vetell. " Ano lero kailan natin kakausapin ang pamilya Rosas upang pumanig sila Sa ating pinaplano?" Tanong nito Sa kanya
Ang kanilang plano ay kausapin ang bawat mayayamang pamilya Sa Mezzon at akitin Sila na pumanig Sa kanyang gagawing pag-aaklas laban sa mga Vetell upang makuha niya na ang trono."Bukas bibisita tayo Sa kanilang tahanan at Doon na tin Sila bibigyan ng magandang handog."
May ngiting wika niya, ngumisi naman si Quahar Sa kanyang turanNgunit ang maganda niyang ngiti ay nawala ng may maramdaman siya sa kanyang katawan , nawawalan siya ng lakas Kaya siya'y napakapit Sa balikat ni Quahar . Biglang nawala ang kanyang pandinig, ang kanyang Anak ay tumatakbo palapit Sa kanya at ang kanyang Asawa ay sumisigaw naman upang manghingi ng tulong, siya'y natumba Sa sahig dilat pa ang kanyang mga Mata ngunit namamanhid ang kanyang buong katawan Hindi rin siya makapagsalita. Ang tanging naisip niya Bago siya mawalan ng ulirat ay ang sinabi ng dalagang tagapagsilbi
"Ang Lihim ng nakakahalinang bulaklak na iyan ay makikita Sa kanyang mga ugat." Wika ng dalaga
![](https://img.wattpad.com/cover/210239576-288-k618948.jpg)
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
Fiksi UmumRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...