CHAPTER 15 : MEET UP

5 0 0
                                    

Sa kaharian ng Mezzon:

"Kamahalan, hanggang ngayon hindi parin nakikita ang prinsesa Pati ang kanyang mga kasamang kawal at alipin."

Masamang tiningnan ni Rossouw ang punong kawal, nangangamba siya Sa buhay ng kanyang kapatid Hindi niya mawari Kung saan-saan Ito namasyal at hanggang ngayon hindi pa nakaka-uwi, baka ano na ang nangyari sa Prinsesa.

"Ipatawag mo Si Tala may itatanong ako sa kanya tungkol sa prinsesa." Mariin niyang utos Sa punong kawal

"Kamahalan, napag-alaman ko na  isa si Tala Sa mga kasama ng prinsesa sa pamamasyal sa Gubat ng Rosna."

Bakas ang gulat at pangamba sa mukha ni Rossouw dahil may hinuha na siyang nasa kamay ng mga taong may Galit sa kanila ang kanyang kapatid at ang dalagang kanyang napupusuan.

Maya-maya lamang may isang kawal ang humahangos na lumapit sa kanila,

"Kamahalan, may ipinadalang mensahero ang kaharian ng Gatta dito, may mahalagang dala daw itong sulat na ipinadala para Sa Iyo." Tugon nito

"Kung gayon, papasukin ang mensahero." Wika ni Rossouw

Pumasok ang Mensahero galing Gatta at may dala itong kustal. Kinuha ng mensahero ang sulat na may simbolo ng Gatta at ibinigay ito sa punong kawal upang ipasa sa Hari ng Mezzon.

May kalituhan man Kay Rossouw kung bakit nagpadala ng sulat ang Hari ng Gatta Sa kanya ngunit binasa niya parin Ito,

"Para Sa Mutyang Hari ng Mezzon,

Matagal-tagal narin mula Nang sulatan Kita, Alam Kung Puno ng pangamba Ngayon ang iyong buong kaharian dahil narin sa pagkawala ng isa sa mga dyamante ninyong iniingatan, nais ko Lamang ipahayag na hawak ko ngayon ito. Walang sugat ang maliwanag nitong kutis at Alam Kung masasaktan ka kapag nadapuan Ito ng kahit isang patalim. Kung nais mo pang mapag-usapan natin ito magtagpo Tayo sa pulang bato,Alam Mo naman na siguro ang aking mga panuntunan Kaya huwag kang magkakamaling baliin Ito Kung ayaw mong masira ang dyamanteng aking tinutukoy.

Haring Magnus,"

Kinuyom ni Rossouw ang kanyang kamao habang binabasa Ito,para siyang bulkan nakonting konti nalang ay sasabog na at magbubuga na ng maraming apoy.

Sa sobrang Galit kinuyumos niya ang sulat at itinapon ito sa mukha ng mensahero,

"Sabihin mo sa Mahal mong Hari na maghaharap kami sa lugar na iyon! Siguraduhin niya Lang na walang kahit isang sugat ang prinsesa dahil Kung Hindi Ako mismo ang maghuhukay ng sarili niyang libingan!" Galit niyang utas

Nagmamadali namang umalis ang Mensahero matapos sabihin Ito Ni Rossouw,

Puno parin ng emosyon ang Hari matapos mabasa ang sulat, gusto niyang pilipitin sa leeg ngayon si Haring Magnus batid niyang matagal ng may Galit Ito sa kanya Kaya gagawin nito ang lahat upang mapabagsak siya,

"Ipatawag ang mga opisyales magsasagawa Tayo Ngayon Ng pagpupulong." Utos niya sa punong kawal

"Masusunod Mahal na Hari." Wika nito, Bago umalis.

****

Nagtipon-tipon Ngayon ang mahahalagang opisyales sa kaharian ng Mezzon. Puno ng haka-haka ang buong silid hanggang Sa dumating Si Haring Rossouw.

"Kamahalan, bakit ka nagsagawa ng pagpupulong sa araw na ito tungkol ba ito sa pagkawala ng prinsesa?" Wika ng isang opisyales

"Kung ganoon nga may balita na ba Kung nasaan Ngayon ang prinsesa?"

"Pagsalitain mo na natin ang Hari." Wika ni Geri Flora

Tumango naman ang mga naroon tanda ng pagsang-ayon.

"Kaya ko kayo ipinatawag dahil may mahalaga akong sasabihin Sa inyo, may banta sa atin ang Hari ng Gatta."

Nagulat ang mga naroon dahil Sa ibinalita ng Hari, napuno ng takot ang kanilang mga mukha para sa kanilang kaharian,

"Hawak Ngayon ni Magnus ang aking kapatid at Alam Kung gagamitin niya ang prinsesa laban sa atin." Dagdag pa ni Rossouw

"Ano ang kailangan ni haring Magnus sa ating kaharian, ito na ba ang umpisa nang pagsugapa niya sa ating kaharian." Wika ng tagapangalaga sa kanluran ng Mezzon

"Oo nga, Sa pagkuha niya palang sa prinsesa marami na siyang linabag sa kasunduan noon ng mga naunang Hari." Dagdag pa ng Isa pang opisyales

"Matagal nang linabag ni Haring Magnus ang kasunduan. Wala na siyang paki-alam ngayon sa sinumpaan ng kanyang ama kaya dapat nating paghandaan Ito." Seryosong wika ni Geri Flora

Hindi naman tumutol ang iba sa kanyang sinabi,

"Pag-uusapan namin ni Magnus ang kanyang hangarin bukas sa pulang bato Kaya nais kung huwag Mo na kayong ma-bahala, sapagkat sisiguraduhin ko ang kapayapaan sa ating kaharian." Mariing wika ni Rossouw

"Sasama ako sa inyo, kamahalan." Pahabol na wika ni Geri Flora

Tumango naman Si Rossouw sa kanya, "Magsasama rin ako ng Isa pang opisyales, sino Sa inyo ang gustong sumama,"

Marami ang gustong sumama ngunit mas pinili ni Rossouw ang tagapangalaga sa kanlurang bahagi ng Mezzon, Si Aquyo.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon