Sa ilalim ng napapamulitiang kwarto ng prinsesa Yarih. Naroon ang isang dalaga,inaayos nito ang isang maliit na lamesa na natatakpan ng burdadong mantel Puno Ito ng masasarap na mga prutas.
Pagkalipas ng ilang sandali pumasok na ang prinsesa sa kanyang silid gamit ang upuang kahoy na may gulong. Pagkapasok niya agad niyang napansin ang pag-aayos ng dalaga.Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga nang may pagkamangha,ngayon lamang siya nakakita ng isang dalaga na kahit madumi ang mukha lumilitaw parin ang gandang taglay nito .
"Ano ang iyong pangalan?" Usisang tanong ng Prinsesa Yarih
Gusto niyang makilala ng lubusan ang dalaga."Patawad po prinsesa kung hindi ko agad naipakilala ang aking sarili, Ako po Si Tala taga isla Laig po ako noon." Puno ng paggalang na wika ng dalaga
"Ang iyong pangalan ay nababagay lamang sa maganda mong mukha, Maari bang hawakan ang hugis nito?"
Nahihiyang lumapit naman ang dalaga sa prinsesa.
"Nakakahanga ang kulay abo mong mga Mata, ang iyong Ganda ay parang isang anghel na waring ibinigay ng langit para sa mga tao." Mahinahong wika ng prinsesa
"Maraming Salamat po sa magagandang salitang ibinigay niyo sa sa akin prinsesa." Nakayukong wika ng dalagang si Tala.Ngiti naman ang naging tugon ng prinsesa, tinawag ng prinsesa ang kanyang isang taga-silbi at inutusan niya itong dalhin si Tala sa kanilang silid at bigyan ng bagong kasuotan. Tumango naman ang taga-silbi bilang pagsang-ayon Sa sinabi ng prinsesa.
Pagka-alis ng dalawa pumasok naman sa silid ng prinsesa Yarih ang Prinsipe Rossouw. Naglibot-libot ito Sa silid ng prinsesa at huminto sa mga magagandang burda ng prinsesa.
"Sadyang kay galing ng iyong mga kamay kapatid." Puno ng papuring wika ng prinsipe
"Papuri ba iyan o pinagakakatuwaan mo lang ako?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Hindi .Pero hindi ko talaga mapagkakatiwalaan ang iyong mukha." Natatawang wika ng prinsesa bago hinatak ang gulong ng kanyang upuan palapit Sa kanyang kapatid.
" Nais kong malaman kung nalaman na ba ng ating mga magulang ang nangyari kanina?"
Humarap ang prinsipe Rossouw Sa prinsesa at sinagot ang kanyang tanong.
" Hindi ko ipina-alam sa kanila dahil ayokong mag-alala pa ang ating mga magulang." Seryoso na salita ng prinsipe Rossouw" Mabuti dahil ayaw ko ring malaman nila. Salamat pala kanina."
Tumawa ang Prinsipe " Dapat magpasalamat ka rin Sa aking matalik na kaibigan aking kapatid."
Nang-aasar na ngiti ang binigay niya sa prinsesa Yarih, nagngingit-ngit namang tumalikod ang prinsesa.
" Tumigil ka nga kuya! Kahit sinagip pa ako ng taong yon hinding-hindi pa rin Ako magpapasalamat." Hindi na naging pormal ang kanyang pakikitungo Sa kanyang kapatid
Dahil silang dalawa Lang naman ang nasa silidTumawa ng malakas ang prinsipe sa naging Turan ni Prinsesa Yarih.
" Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos mahulaan kung bakit nga ba asar na asar ka kay Geri Flora , Yarih?"
"Hindi Lang Ako asar Sa kanya, kinasusuklaman ko pa ang taong yon Pati ang buong pamilya niya." Nang-uuyam na wika ng prinsesa. Matagal na siyang may malaking Galit Sa pamilya ni Geri Flora .
" Sila ang pamilyang mapagkunwari kuya! Hindi Mo Lang alam na unti -unti na palang susulotin ng Geri Flora nayan ang iyong posisyon bilang isang hari!"
Nawala ang pilyong ngiti ng prinsipe dahil dito.
" Hindi ka sigurado Sa iyong sinasabi Yarih. Kaya tumigil ka dahil Hindi mo kilala Si Geri Flora." Matigas na wika niya upang mas maintindihan ng prinsesa" Alam na alam ko ang aking sinasabi Kuya ,Kaya makinig ka Sa akin upang Hindi na Sila makagawa ng butas para masira ka." Pagsusumamo ng prinsesa hinawakan niya ang kamay ng kanyang kapatid
"Kung dito man Lang hahantong ang ating paguusap mabuti pang umalis na Ako Sa iyong silid."
Lalabas na sana ang Prinsipe Sa silid ng may kumatok Bago niya mahawakan ang seradura. Napahinto siya at hinintay ang pagsasalita nito.
" Sino iyan?""Prinsesa Ako po Ito Si Tala tataposin ko lamang po ang aking ginagawa Sa mesa niyo kanina,Maari po ba akong pumasok?" Mahinhing wika nito
Nagkatinginan naman ang dalawang magkakapatid. Pumayag ang prinsesa na papasukin ito" Segi pwede Kang pumasok Tala."
Mahinang pinihit ng dalaga ang seradura at dahan-dahan niya itong tinulak. Nagulat ang dalagang Si Tala Nang Makita niya ang Prinsipe Rossouw Sa silid. Kaya yumuko siya bilang paggalang dito.
"Nandito po pala kayo prinsipe ,Kaya lalabas po muna Ako upang mas makapag-usap kayo ng prinsesa."
Pinigilan naman Ito Ng Prinsesa Yarih "Segi na Tala ipagpatuloy Mo na ang iyong ginagawa, tapos na kaming mag-usap ng Mahal na Prinsipe kaya aalis na siya, Hindi ba kapatid?"
Malamig na tumitig ang prinsipe sa nakayukong Si Tala Bago siya nag martiya palabas ng silid.
Nakahinga naman ng maluwag ang dalagang Si Tala ng makalabas na ang Prinsipe Rossouw.
" Huwag kang mag-alala Tala Hindi ka kakainin ng buhay ng prinsipe." Natatawang tugon ni prinsesa Yarih Kay Tala
" Nakakatakot po talaga ang presensiya ng inyong kapatid, Prinsesa."
Dahil Sa sinabi ni Tala Labis na humalaklak ang prinsesa dahil dito. Dinig na dinig Sa buong sulok Ng silid ang tawa ng prinsesa.
Samantala habang naglalakad ang prinsipe sa pasilyo ng kaharian hinarang siya ng masayang si Geri Flora.
Inakbayan siya nito "Oh problema mo?" Nakangising tanong nito Sa kanya
"Hula ko nagkasagutan na naman kayo ng Mahal mong kapatid ano?" Pilyong hirit nito
Sa halip na sagutin niya ang kaibigan kunwaring siniko niya nalang Ito Sa tagiliran.
"Oo nga pala kumusta na ang sugat mo kanina?" Tanong ng Prinsipe Rossouw
"Ano ka ba kunting daplis Lang yon malayo Sa bituka." Palabirong wika nito
"Ah maiba nga pala Tayo , Alam Mo bang nakasalubong ko kanina ang dalagang gubat, Napakaganda niya pala. Hindi na magulo ang kanyang buhok , malinis na ang kanyang mukha at damit. Kaya nabigyan diin na ang kanyang Ganda."
"Maganda nga ang dalaga Geri Flora at Tala ang kanyang pangalan" Malamig na wika ni prinsipe Rossouw
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
Fiksi UmumRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...