Talisya's Point of view :
Tumakas Ako Sa mga gawain ko sa palasyo upang makipagkita sa isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita,
Nakarating ako sa gitna ng kakahuyan at hinintay na dumating siya. Hindi naman Ako nagkamali dahil maya-maya lamang naramdaman ko na ang kanyang presensiya,
Nagulat Ako nang Bigla nalang may sumunggab sa akin sa likuran, Kaya ako'y nawalan ng balanse at napatumba
Natatawang liningon ko siya sumalubong sa akin ang pagdila niya sa aking mga pisngi.
"Mukhang matagal kanang nangulila sa akin ha. Ang laki-laki mo na!"
Natutuwang sambit ko habang hinahaplos ang kanyang kulay abong balahibo.
Umupo Ako sa malapad na bato,sumunod naman siya Sa akin at pinatong ang kanyang ulo sa aking kandungan. Kinuha ko sa kustal sa aking likuran, ang mga dalang isda para sa kanya.
"Siguradong gutom kana kaya dinalhan kita ng paborito mong Isda," Masaya Kung sambit
Ang mga kislap Sa kanyang Mata ang nagpapatunay lamang na sobra siyang masaya sa aming pagkikita at ganoon rin naman ako.
Napakalaki niyang lobo Hindi siya katulad ng isang ordinaryong lobo lang dito Sa buong Grosso. Kakaiba siya. At noon palang Alam ko na iyon mula nang una ko palang siyang makita sa kakahuyan at mahalin tulad ng pagmamahal ko sa aking pamilya,
Siya ang sumagip sa akin nang malunod ako sa kalungkutan,Sa araw kung saan gumuho ang lahat sa aking buhay. Ang tirahan. kaibigan. At pamilya,
Mag-isa ako noon sa isang masukal na kagubatan Puno ng sugat ang aking katawan at puno rin ng kapighatian. Waring nakikisabay din noon ang ulan at kidlat sa aking nararamdam,
Gustong -gusto ko nang mawala sa mundong Ito noon,
Sinukuan ko na ang aking buhay hanggang sa may isang munting hayop ang nagpatigil sa akin sa pagkitil sa aking sariling buhay.
Patuloy nitong dinidilaan ang aking mga paa kahit na pinapaalis ko na ito Subalit imbis na umalis nanatili Lang Ito sa aking tabi. Napakaliit niya pa noon at kayang Kaya ko pa siyang buhatin ngunit ngayon mas mabigat pa siya kaysa sa akin. Inalagaan ko siya nang lubos at pinangalanang Arao hango sa pinakamaliwanag na bagay sa kalangitan dahil siya ang nagbigay ng liwanag sa aking buhay na nasadlak sa kadiliman
"Alam ko namang pinakain ka nang lubos ni Maestro kaya lumaki ka nang ganito, ayan tuloy di nakita mabuhat tulad noon," natutuwa Kung sambit habang Patuloy siya sa pag-kain sa aking mga dalang isda
"Huwag mong pababayaan si Maestro ha? Ikaw nalang ang maaasahan niya habang nasa misyon pa ako." Tumingin naman siya aking pagwika na waring naiintindihan ako
Batid ko namang nauunawaan niya ako kahit Isa lamang siyang hayop Alam niya ang lahat Nang aking mga hinaing.
Yinakap ko siya nang napakahigpit dahil Alam kung maghihiwalay nanaman kami ng landas
Bigla siyang may Naramdaman sa paligid, Kaya agad akung naging alerto,hinawakan ko agad ang kanyang ulo upang mapakalma siya.
May papalapit sa aming kinaroroonan Kaya hinanda ko na ang aking patalim na dala.
Nagtago kami sa malaking bato upang malaman Kung sino ang taong paparating,"Talisya!"
Pagtawag ni Zehra sa aking pangalan habang nagmamadali sa kanyang paglalakad at hinahanap Ako.Bumaling ako sa lobong kasama ko, may ibinulong ako sa kanya at agad naman niya itong sinunod.
"Zehra,may nangyari ba?!"
Tanong ko kay Zehra Nang magpakita ako Sa kanyang harapan.Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha,"Hinahanap kana sa palasyo Kaya magmadali kanang pumunta roon."
"Salamat sa pagpapabatid Zehra ,Susunod na ako sayo sa palasyo." Sambit ko
**
"Saan ka galing binibini?"
Nagulat Ako nang may nagsalita sa aking likuran. Hinarap ko siya at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng Mahal na Hari.
Nag-bigay galang Ako Sa kanya
"Kayo po Pala kamahalan, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Sambit ko"Maaari ko bang malaman Kung bakit nagmamadali kang umalis kanina sa palasyo?" Magaan niyang tanong sa akin
Hindi ko naman akalain na nakita niya Pala ako Sa aking pag-alis kanina,
Yumuko ako Sa kanya
"Patawad kamahalan may binisita lamang akong kaibigan Sa labas ng palasyo"Tumango naman siya sa aking sinabi.
"Kung gayun Maari ba kitang imbitahan na makasama sa pamamasyal ko mamaya Sa buong kaharian." Nangungusap ang kanyang Mata habang nakatingin sa akin
Hindi ko naman ko maiwasan Makita ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
"Pauunlakan ko po ang inyong pag-imbita, kamahalan." May pilit na ngiting sambit ko
"Masaya Ako at pumayag ka Tala, Gusto Kung makilala ka nang lubusan."
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
General FictionRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...