CHAPTER 8 : HIS WEAKNESS

16 1 0
                                    


Third Person point of view:

Sa silid tanggapan Naroon si Rossouw kasama niya ang kanyang tagapayo may pinagpaplanohan silang isang proyekto Sa kaharian ngunit nabulabog ito nang may isang kawal ang humahangos na pumasok sa silid at may masamang linathala sa kanila.

Pagkarinig palang nito ni haring Rossouw  ay agad siyang sumugod Sa silid pahingahan ng kanyang mga magulang. Nabungaran niya dito ang mga munting hikbi ng kanyang  kapatid . Sa isang sulok ng higaan ang kanyang ama ay walang imik na nakatingin lamang Sa kanyang Ina,subalit makikita mo Sa kanyang mukha ang sobrang kalungkutan.

Ang mga manggagamot sa loob ng silid ay nawawalan na ng pag-asa na magamot pa ang kanilang Reyna.

"Ano ang nangyari sa aking Ina?!" Buong Galit na sambit ni Rossouw

Nanginginig na lumapit sa kanya ang isang tagasunod ng Reyna at lumuhod.
"Haring Rossouw, habang siya ay nagpapahangin Sa may Hardin bigla nalang may nakita siyang Bagay na nakapagpagabagab Sa kanya,Kaya ito'y kanyang sinundan ng sinundan. Ilang ulit namin siyang tinawag na huwag ng lumayo ngunit Hindi nagpatinag ang Reyna hanggang sa siya'y natalisod sa ugat ng Puno.Tumama ang kanyang ulo sa malaking bato at nagkaroon ito ng malaking sugat.Humihingi po kami ng patawad Mahal na Hari, Kung Hindi Sana namin hinayaan ang Reyna, Hindi Sana mangyayari ito Sa kanya." Umiiyak ang alipin habang sinasabi Ito Kay Rossouw.

Kinuyom ni Rossouw ang kanyang mga kamao.

"Malala po ang nangyari Sa inyong Ina kamahalan, dahil ang pinakasensitibong ugat Sa kanyang ulo ang natamaan Sa pagkabagsak Sa bato,Naagapan na po namin ang pagdurugo nito ngunit hindi pa tiyak Kung magigising pa ang Reyna." Malungkot na wika ng isang mangagamot sa kaharian

"Tanging ang munting tibok sa kanyang puso ang ating pagbabasehan na may pag-asa pang magising ang Reyna Cresna, Patawad po kamahalan ngunit ginawa na po namin ang lahat."
Habol na wika ng Isa pang mangagamot

Agad na nag-init ang ulo ni Rossouw  Sa mga narinig na katwiran ng mga mangagamot at alipin na kasama Ng kanyang Ina,kaya Sa sobrang Galit pinalabas niya ang mga Ito Sa silid. Ang tanging natira na lamang ay ang kanyang ama at kapatid na Si Prinsesa Yarih

Hindi siya makapaniwala Sa aksidenteng nakasangkutan ng kanyang Ina. Mahal na Mahal niya ito Kaya Hindi niya maaatim na magkaganito ang malakas at matibay niyang Ina.

Dahan dahan niyang hinawakan  ang mga Kamay nito at taimtim na nanalangin na mapagaling ng may kapal ang kanyang Ina.

Ang kanyang kapatid naman ay tahimik na umiiyak Sa gilid.

"Kasalanan Ko Ito mga anak, kung Hindi Sana Ako lumayo Sa tabi ng inyong ina,Hindi Sana siya mababagot at hindi maiisipan na magpahangin Sa madilim na paligid ng Hardin." Naiiyak na tugon ng kanyang Amang hari

Sa gitna nang katahimikan sa buong silid.

Yinakap ni Yarih ang kanyang ama dahil batid ng prinsesa na matindi ang pagsisi nito Sa kanyang sarili.
"Ama wala Kang kasalanan,tayo'y biktima Lamang ng sitwasyon. Hindi natin nabatid na mangyayari ang ganitong kalunusan sa ating pamilya."

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili Amang Hari. Gagawa ako ng paraaan upang gumaling ang aking Ina,kahit halughugin ko pa ang buong mezzon upang mahanap ang makapagpapagaling sa kanya gagawin ko." Determinadong naging sambit ni Rossouw at agad niya nang linisan ang silid

Dalawang buwan na ang nakakaraan mula Nang maaksidente ang Reyna ng Mezzon ngunit hangang ngayon wala pang kahit isang manggagamot  ang nagpagaling sa kanya. Puno ng kalungkutan ang bumalot Sa buong kaharian nang dahil Sa nangyari.

"Nagpadala na ba kayo ng mga Tao Sa isla ng mga bughaw upang maghanap ng taong dalubhasa sa mga halamang gamot?" Madiing tanong Ni Haring Rossouw  sa mga kasapi sa kanilang pagpupulong kasama ang kanyang mga konseho

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon