Sa tronong bulwagan ni Haring Magnus, naroon Ngayon ang kanilang mga bihag nakaharap Sa magarbong upuan ng Hari."Prinsesa, natatakot Ako baka hindi na ako maka-uwi ng buhay sa aking pamilya." Bulong ni Rosa sa prinsesa, Isa siya sa mga tagapagsilbi ng prinsesa
"Nangangamba rin ako sa aking buhay Rosa dahil balitang balita noon ang kalupitan ng Hari ng Gatta, baka wala sa atin ang makaligtas sa kanyang mga kamay." Naiiyak na Turan ni Luna
"Tumigil nga kayo! Magtiwala tayo sa prinsesa hindi siya makakapayag na gawin ito sa atin." Sumbat ni Tala sa Dalawa
Hanggang ngayon Hindi parin makapag-isip ng mabuti ang prinsesa, magulong-magulo parin ang kanyang isipan Sa sitwasyon na nakasaglakan nila Ngayon.
Natigil ang kanilang bulong-bulongan nang damating na ang Hari kasama ang kanyang punong kawal at ang lalaki kanina na si Juno,
Mayabang na umupo ang tatlo sa kani-kanilang upuan.
"Magbigay galang kayo sa Haring Magnus, at magpahayag ng panunumpa ng katapatan sa kanyang pamumuno." Matigas na bigkas ng punong kawal
Ngunit kahit isa sa kanila ay Hindi pinagtuonan ng pansin ang sinabi ng punong kawal. Naiinip naman na tumingin sa kanila Si Haring Magnus,
"Patawad. Ngunit nanumpa na kami ng buong katapan sa isang Hari, at iyon ay Si Haring Rossouw at kahit kailan Hindi na Ito mababawi pa" Mariin na Saad ni Luna, pinigilan naman siya ni Rosa sa kanya pang ibang sasabihin
Humalaklak ng malakas ang si Haring Magnus at matalim na tumingin kay Luna,
"Isa kang matapat na tagapag-lingkod ni Rossouw, at hanga ako sa iyong paninindigan doon ngunit aanhin mo ang katapatang iyong taglay Kung isang kumpas ko Lang Kaya ko nang wakasan ang iyong munting buhay." Natatawang sambit ni Haring Magnus
"Ngayon mamili ka, buhay mo O ang iyong katapatan sa iyong itinuturing na Hari?" Dagdag pa nito
Mariing napapikit Si Luna at nagdesisyon ng mabuti sa kanyang Hari.
"Mula pagkabata nanilbihan na ako Sa pamilya Vetell. Ang kanilang pamilya ay naging mabuti sa aming angkan. Kaya Kung papipiliin ako hinding-hindi ko ipagpapapalit ang aking katapan sa kanilang pamilya." Puno ng kombiksyong wika ni Luna, naiiyak naman sa kanyang gilid si Rosa at ang Prinsesa
Natawa ng pagak Si Magnus sa naging desisyon ng alipin Kaya, sinenyasan niya ang punong kawal. Agad naman na hinatak ng punong kawal si Luna at kinaladkad palapit sa Hari. Pinilit na lumuhod at hinawakan ang kanyang buhok at itinutok sa kanyang leeg ang matalim na Espada ng punong kawal
"Ngayon saksihan niyo ang mangyayari sa alipin na Ito."
Matapos sambitin ito ng punong kawal, agad na umalingawngaw Sa buong silid ang pagkaputol ng isang Bagay. Lumagapak sa sahig ang ulo ng isang alipin, gumulong naman Ito papunta sa kinaroroonan ng mga bihag.
Napasigaw sa gulat ang prinsesa at ang kanyang mga kasama sa nangyari. Nanginginig sila sa takot lalo na ng Makita Nila ang ulo ni Luna,
Pagkatapos ng nangyari kay Luna. Sina Tala naman at Rosa ang kinaladkad palapit sa Hari,
"Pag-isipan niyong mabuti ang gagawin niyong desisyon, dahil Kung hindi susunod ang mga ulo niyo nalalagapak sa Aking sahig." May ngiting wika ng Hari sa kanila ngunit Puno Ito ng pagbabanta
Pinilit din silang pinaluhod Ng mga kawal,
Umiiyak padin Si Rosa, Si Tala naman ay walang imik Lang sa kanyang Tabi. May mga Espada nang nakatutok Sa kanilang mga ulo."Huwag! Huwag Mo silang papatayin, nagmamaka-awa ako sayo!" Umiiyak ang prinsesa habang nagmamaka-awa sa Hari ng Gatta
Naaaliw ang Hari Sa pagmamaka-awa ng prinsesa , ito'y kanyang linapitan
"Hindi ko naman Sila papatayin Kung pipiliin Nila akung Hari, Prinsesa." Tugon ni Magnus
Umiling-iling ang prinsesa,
"Alam kung katulad ni Luna pipiliin din nila ang katapatan sa aking pamilya. Hindi kona maaatim na Makita ang kanilang mga walang buhay na katawan sa walang silbi mong palasyo!" Wika ng prinsesa at yinurakan ang mukha ni Haring MagnusGalit na hinablot ni Haring Magnus ang buhok ni Prinsesa Yarih,
"Kung ayaw mong Makita ang pagpatay ko Sa mga walang kwenta mong alipin, bakit Hindi nalang buhay Mo ang maging kapalit ng mga buhay Nila." Galit na wika nito
"Alam mo bang gustong-gusto ko nang pilipitin ang leeg mo kanina palang, Sa laki ng Galit ko Sa kapatid mo maganda Ng regalo sa kanya ang ulo mo!" Puno ng Galit na wika ni Haring Magnus
Inis na tumingin Sa kanya ang prinsesa, "Hanggang Ngayon Isa Ka paring Talunan at kahit kailan hinding-hindi Mo mapapantayan ang aking kapatid!" Sigaw ng prinsesa
Hindi na napigilan ni Haring Magnus ang kanyang sarili, mabilis niyang hinugot ang kanyang Espada upang wakasan na ang buhay ng prinsesa ngunit napatigil siya nang may Biglang nagsalita.
"Kung papatayin mo siya ngayon Hindi Mo na siya magagamit sa kanyang kapatid." Mahinang sambit nito ngunit rinig na rinig Ito ni Haring Magnus
Lumingon siya sa kanyang likod upang makita kung sino ang nagsambit Sa mga katagang iyon.
"Pwede mo siyang magamit upang mapasunod Si Haring Rossouw at makuha ang buong Mezzon, Hindi ba't noon Mo pa Ito hangad? Kapag magawa mo Ito ikaw na ang magiging pinakamakapangyarihang Tao Sa buong Grosso"
"Kamahalan, Ito na ang opurtunidad mo. Ngayong nasa kamay mo na ang Alas mo huwag Mo na Sana itong pakakawalan pa." Dagdag pa nito
May paghangang nakatunghay siya sa alipin na Ito.
"Tala! Tumigil ka nga Sa pinagsasabi Mo!" Kastigo ni Rosa Kay Tala
Kumawala ang dalaga sa mga kawal na may hawak Sa kanya at lumapit Kay haring Magnus at nagbigay pugay.
"Kamahalan, matagal niyo na akung lingkod ako ang nagsilbing Mata at Tenga niyo Sa pugad ng inyong kaaway. Ako rin ang dahilan kung bakit hawak niyo Ngayon ang minamahal na prinsesa ng Mezzon." May paggalang naman nitong wika
Napasinghap naman ang prinsesa sa pag-amin na iyon ni Tala,
"Matagal Mo na Pala kaming linuluko! Isa kang Taksil Tala!" Galit na sigaw ni Rosa at pilit na kumakawala Sa may hawak sa kanya
Lumapit sa kanila Si juno,
"Haring Magnus, siya po ang kaibigan na aking tinutukoy. Talisya po ang kanyang ngalan,Siya din po ang utak Sa lahat upang walang hirap nating makuha ang prinsesa ng Mezzon" Wika ni Juno sa Haring Magnus"Tala, paano mo Ito nagawa sa akin at sa pamilya ko?! Pinagkatiwalaan Kita!" Umiiyak na sigaw ng prinsesa Kay Tala
Hindi pinansin ni Talisya ang Hinaing ng prinsesa, "kamahalan, magiging Isa akung magaling na lingkod para sa iyo, kaya nangangako ako ng katapatan Sa iyong pamumuno." Matibay ang mga bigkas nito habang nakatingin sa mga Mata ni Haring Magnus
"Ako'y napahanga mo nang lubusan Alipin, Sa iyong talino at tapang siguradong malaki ang maiaambag mo sa aking kaharian, subalit kung totoo talaga ang iyong panunumpa ng katapatan sa akin maaari bang ipakita mo sa akin Ito ngayon." May ngisi sa mga labing sambit ni Haring Magnus sa dalaga
"Totoo ako sa aking mga sinabi kamahalan, Kaya ipapakita ko Ito sayo," Mabilis nitong kinuha ang Armas Ni Juno at Sa isang iglap Lang may isang ulo na naman ang lumagapak sa sahig at iyon ay ang ulo ng aliping Si Rosa
Halos maglumpasay ang prinsesa Sa nasaksihan Hindi matanggap ng kanyang kalooban na ang dalagang may mala anghel na mukha at ituring niyang kaibigan ay Kaya palang pumatay ng inosenteng Tao.
"Ngayon kamahalan, napatunayan ko na ba ang aking sarili?" Sambit nito sa Hari , habang ito'y Hindi pa makaahon sa nangyari,
Gulat ang Rumihistro sa buong mukha ni Haring Magnus at ng punong kawal,
"M-Magaling lubos mo akung napahanga sa araw na ito",
![](https://img.wattpad.com/cover/210239576-288-k618948.jpg)
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
General FictionRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...