CHAPTER 13 : GUILTY PLACE

7 1 0
                                    

Tuwang tuwa ang prinsesa Yarih Sa pamamasyal sa Gubat ng Rosna kasama niya ang apat na mga kawal at dalawang tagapag-silbi. Labis itong natutuwa sa tanawin at mga hayop na kanilang nadadaanan. Ang prinsesa ay nakakalakad na at ang kanyang pamamasyal sa lugar na Ito ay ang una niyang naging hiling sa kapatid sa katatapos pa lamang niyang kaarawan. Napili niya ang Gubat ng Rosna dahil narin sa magagandang komento na naririnig niya Tuwing naglilibot-libot siya Sa buong palasyo,batid niyang may malinis at malinaw na talon daw dito kaya nais niyang magawi roon.

"Prinsesa, huwag na po tayong magtagal sa lugar na Ito." wika ng matandang tagapag-silbi ng prinsesa

Liningon naman siya ng prinsesa at pilyong nginitian siya, "Sandali nalang Luna sapagkat nais ko pang mapuntahan ang tanyag na talon dito Sa Rosna,"

Kinakabahang tumingin ang tagapagsilbi sa mga kawal sa likuran na batid niyang may di maganda itong kutob sa mga mangyayari.

"Prinsesa, Hindi na po pwede tayong pumaroon. Ang bilin ng Hari ay hanggang dito Lang Tayo sa may mga puno ng Nyembre."
Matigas na sambit ng isang kawal

Malungkot naman na napatingin ang prinsesa sa mga kasama, nagdadalamhati ang kanyang kalooban dahil nais niya talagang masaksihan ang Talon na iyon.

Namataan nilang may paparating at iyon ay ang dalagang Si Tala na humahangos na papunta sa prinsesa,

"Paumanhin prinsesa, Kung ngayon lamang ako nakarating." wika nito

Napangiti naman ang prinsesa Yarih Sa kanyang pagdating,
"Ayos lang Tala, mabuti't narito kana dahil masasamahan mo Ako sa Talon dito sa Rosna, Hindi ba't naikwento mo sa akin na doon ka namimitas ng mga halamang gamot Kaya nais kung mapunta doon at Makita Kung paaano tumubo ang mga halamang ito."

"Mabuti at naalala niyo pa Ito prinsesa, Kaya maaasahan niyong sasamahan ko kayo roon."

Nataranta ang mga kawal sa pagkunsinti ni Tala Sa desisyon ng prinsesa.

"Prinsesa Yarih, maraming nagagawing mababangis na hayop sa lugar na iyon baka ikapahamak niyo pa ito." Wika ni Luna ang matandang matagal nang naninilbihan sa prinsesa

Ngunit Hindi Ito inintindi ng prinsesa nagpatuloy lang Sila sa paglalakad ni Tala habang nagbubulung-bulungan.

Walang nagawa ang mga kawal kundi sumunod sa dalawa ngunit  Hindi mapanatag ang loob ng tagapagsilbing si Luna, matanda man ngunit Alam niyang may Hindi magandang mangyayari.

Lumipas ang sampung minuto nang marating Nila ang Talon. Namangha ng lubos si Prinsesa Yarih sa hatid na Ganda nito. Isa itong yaman ng kagubatan, may mga naglalakihang mga Puno na nasa gilid ng talon, ang bawat sanga ng Puno ay puno ng mga ibat'-ibang klase ng ibon na nag-aawitan sa kanilang pagdating.

"Totoo nga ang mga naririnig ko sa Talon na ito, ubod ng Ganda ng lugar na ito. Ang tubig ay parang nag-aanyaya sa akin na maligo." Mahinang sambit ni Prinsesa Yarih

"Prinsesa, pagmasdan Mo ang mga maliliit na isda ang sasaya Nila."  Natutuwa Si tala habang winiwika Ito

Dali-daling naghubad si Tala sa kanyang sapin sa paa at masayang tumalon sa tubig, nagulat ang prinsesa sa talsik na tubig na likha sa pagtalon ng dalaga.

"Prinsesa, halika't saluhan mo ako sa pagligo." Wika ni Tala bago sumisid sa malalim na bahagi

"Ngunit Hindi Ako marunong lumangoy," nag-aalangang wika ni Prinsesa Yarih

Nang marinig Ito ni Tala ay napahalakhak ito ng malakas.
Malungkot naman siyang pinagmasdan ng prinsesa

"Patawad prinsesa ngunit nakalimutan kung Isa Ka palang prinsesa at ngayon ka lamang nagawi sa lugar na ito." Wika ni Tala ngunit Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon