CHAPTER 18 : FREEDOM

11 0 0
                                        

Nagngingitngit ang kalooban ni Tala sa naging pasya ni Haring Magnus, nais nitong isauli na ang prinsesa Yarih sa kaharian ng Mezzon kapalit ang mga kayamang kinuha nila sa Gatta.

"Masisira ang lahat ng plano ko kapag naibalik ang prinsesa."

Bulong niyang tugon kay Juno habang kunwaring nakikinig Sila Kay haring Magnus,

"Tutulungan kita kung ano ang balak mong gawin para hindi mangyari iyon." Sagot naman ni Juno

Naputol ang kanilang lihim na pag-uusap ng pukawin sila ng katagang binitawan ni Haring Magnus,

"Juno, ihanda ang sandatahan upang maging handa Sila sa gaganaping pagkikita namin bukas ni Rossouw."

"Opo panginoon." Wika ni Juno Bago linisan ang tronong bulwagan

"Maiiwan ka Alipin may pag-uusapan pa tayo." Tugon nito kay Talisya, tumango naman si Talisya bilang pagsang-ayon

Pagka-alis ng punong kawal para Sa pinag-uutos ni Haring Magnus. Ang buong atensyon  na nito ay natuon na sa kanya,

"Matagal kana bang kaibigan ni Juno?" Tanong nito Kay Tala

"Mula pagkabata matalik na po kaming magkaibigan Panginoon" nakayuko padin nitong sagot

"Maari ko bang malaman kung bakit mas pinili mong pagsilbihan ang Aking kaharian?"

"Ang Aking mga magulang ay may malaking utang na loob Sa iyong mga magulang Mahal na Hari kaya't pagkawala nila'y mas pinili ko ding maging tapat Sa inyong pamilya."

"Sana'y panghabambuhay  na iyong katapatan at handa kang mamatay para sa iyong Hari."

"Siya ' ngang tunay Panginoon, lahat gagawin ko upang protektahan ka kahit kapalit pa nito ang aking buhay."

****

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Haring Magnus, Dinala siya ng kanyang mga paa sa silid na nilaan para sa prinsesa ng Mezzon.

Pagkabukas niya sa silid nabungaran niya ang nakatulalang dalaga habang kipkip nito ang kumot at Halatang walang kahit isang saplot buong katawan nito.

Linapitan niya ang higaang kinasasadlakan nito,

"Masaya kana ba!?" Biglang wika ng prinsesa at pinukol siya nito ng matalim na tingin

Hindi niya matugon ang dalaga nanatili nalang siyang tahimik.

"Tala, sinaktan at ginalaw niya Ako! Ang sakit!"

Sigaw nito habang nanunubig na ang mga Mata.

"Sana Hindi nalang Kita nakilala! Sana hinayaan ko nalang mapatay ka ni Geri Flora noon! Hindi sana nangyayari sakin to' kinasusuklaman kita!"

Hindi niya binigyang pansin ang sinabi ni prinsesa Yarih, "Bumangon at magbihis kana Yarih upang makakain."Malamig niyang tugon

"Ayokong kumain Kaya makakaalis kana."

"Utang na loob Yarih,huwag kanang mag-inarte."

"Sabing umalis kana! Hindi mo Ako mapipilit!"

Dahil Sa labis na inis niya hinablot niya ang kumot na nakatabing Sa katawan ng prinsesa.

Nahahabag niyang pinagmasdan ang kahubdan ng prinsesa, Puno ng pasa ang buong katawan nito at may mumunti ding mga kagat Sa may dibdib at hita nito. Sadyang ang mukha Lang ng prinsesa ang makikita mong walang galos.

Matagal niya nang Alam na may sa demonyo si Haring Magnus at mahilig paglaruan ang isang babae Kaya mas gugustuhin pa ng isang babae na mamatay nalang kaysa mahirapan pa kapag nasa Kamay na siya nito.

Bigla nalang bumukas ang silid at iniluwal nito si Haring Magnus,

Agad na binawi ng Prinsesa Yarih ang kumot mula Kay Tala upang ibalot Sa sarili.

"Mabuti naman at gising kana prinsesa ng Mezzon, tila kay Ganda mong tingnan kapag umaga. Alam ko namang na aliw Sa ginawa natin kagabi." May ngisi nitong wika

"Demonyo ka! Kahit kailan Hindi Ako masisiyahan sayo! Isaksak mo yan Sa madilim mong budhi!" Galit na wika ni prinsesa Yarih , habang si Tala naman ay tahimik Lang Sa isang gilid na tila sinusuri ang nangyayari

"Kahanga-hanga ang iyong tapang prinsesa. Ngayong Alam mo ng mas demonyo pa Ako Kay satanas nais mo pa bang maranasan ang aking Galit? Kung Ako sa iyo prinsesa magmamadali na akong magbihis baka magbago nanaman ang aking pasya at di na Kita isauli Sa iyong kapatid."
Huling wika nito Bago umalis

May sayang lumitaw Sa mukha ni prinsesa Yarih ng marinig ito, ibig sabihin Lang nito makakalaya na siya Sa demonyong yon dahil ililigtas siya ng kanyang kapatid.

"Huwag ka mo Nang magsaya prinsesa Hindi mo Alam ang takbo ng utak ni Haring magnus, baka ang inaakala mong kalayaan ay mauwi Sa kamatayan mo o ng iyong kapatid na Hari." May ngiting tugon ni Tala Bago sumunod Kay haring Magnus.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon