CHAPTER 9: TWO FACED HERO

7 1 0
                                    

Talisya's Point of View :

"Hanggang ngayon Hindi ko parin mawari Kung bakit mo tinulungan ang Reyna at ang prinsesa!"

Nagngingitngit na wika ni Zehra sa akin habang pinapatulis niya ang kanyang patalim. Nandito kami ngayon sa silid ng mga alipin sa palasyo, ngunit kaming dalawa lang ang nandito sa ngayon.

"Simple Lang Zehra,Para ituring Nila akung bayani." Wala gana kung wika Sa kanya

"Hindi ba't Kay gandang pakinggan na ang taong sisira sa kanilang kaharian ay tinuring na nilang bayani dahil Sa pagtulong  nito Sa prinsesa at Reyna. Kasiya-siya talaga."

Kay sarap pakinggan ang kanilang mga magagandang komento sa akin mula nang mapagaling ko ang kanilang minamahal na Reyna. Ang Hindi Nila alam ako ang naging dahilan kung bakit naaksidente Ito.

Isang linggo na ang nakakaraan mula Nang mapagaling ko ito gamit ang mga halamang itinuro sa akin Ni maestro. Puno nang kagalakan ang kaharian nang tagumpay na magising ang Reyna at unti-unting pakakalakad narin ng kanilang prinsesa at dahil yon' sa akin, ang kanilang butihing tagapagsilbi. Nakakatawang isipin na napapalapit na Sa akin lahat nang mga Tao sa palasyo at Isa na Dito ang bagong Hari ng Mezzon, Si Rossouw.

"Ngunit Sana hinayaan mo nalang mamatay ang Reyna, Tala!"

"Kung mamamatay nang maaga ang Reyna, Hindi niya makikita ang mabigat na kababagsakan ng kanilang kaharian Zehra!"

"Hindi ko parin maaatim na magdiwang Sila ng ganito! Hindi na Ako makapaghintay na magdusa Sila!" Mariin niyang wika

"Huwag kang magmadali Zehra Kung ayaw mong masira ang ating matagal Nang pinaplano! Ang kanilang kasiyahan ngayon ay pansamantala lamang dahil nalalapit na ang kadiliman na tutupok sa kanila! Kaya sundin Mo Lang ang aking mga nais  upang magtagumpay tayo. Zehra Nangako Ako Sa aking buong pamilya at sa mga Tao sa ating kaharian na Ako ang magdadala sa kanila ng hustisya."

Natauhan naman siya Sa aking naging pahayag.
"Patawad Talisya Sa aking mga naging Turan." Malungkot niyang wika, hinawakan ko ang kanyang mga Kamay na Puno ng pagsusumamo

"Tayo nalang ang magtutulungan Dito Zehra, Sana pagkatiwalaan mo ako."

Ngumiti siya at hinawakan rin ang aking Kamay. Yinakap niya Ako ng mahigpit at ibinuhos sa akin ang Kanyang mga tinatagong luha.

Alam Kung masakit Zehra Pero Sana magpakatatag ka para Ito Sa ating pamilyang winasak nila.

Dumaan pa ang mga sigundo ngunit ang mga hikbi lang ni Zehra ang pumuno Sa buong silid.

"Siya nga Pala Talisya, may maganda akong balita Sa iyo. Ako na ang naatasan na tagahatid ng tsaa Sa ama ni haring Rossouw." Wika niya nang tumahan na Sa kanyang pagtangis

"Kung gayun, Ito ang lason na aking nagawa. Tuwing hahatiran mo siya maglagay ka nang kunting patak sa kanyang iinoming tsaa, ang lason na Ito ay unti-unting magpapahina sa kanyang katawan hanggang Sa siya ay mawalan ng buhay. Hindi nila mahahalata na lason ang papatay Sa kanilang amang Hari."

"Katulad din ba ito sa hinahalo mo ngayon sa pagkain ng Reyna."

"Oo magkatulad ang dalawa kaya maghanda kana nalalapit na ang ating matagal nang hinahangad."
Puno ng kombiksyon Kung paniniwala

Kunting-konti nalang mawawala na din ang dalawa sa aking listahan.

Alam kung matatagumpay ako sa aking mga plano at sisiguraduhin ko iyon.

Lumabas na kami sa silid na iyon at naglakad na parang walang nangyari Sa loob ng Palasyo

Ang lahat ng Tao sa palasyo ay okupado dahil sa gaganapin na pagdiriwang ngayong araw handog para sa Reyna.Naatasan ako na tagapaghatid ng pagkain sa pagdiriwang.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon