CHAPTER 7 : THE MARK OF A WOLF

14 1 0
                                    


Sa bawat hagupit ng kidlat sa buong kalangitan maririnig ang nakakikilabot na dagundong  ng mga kulog. Sa saglit na pagtahimik ng kulog, maririnig ang pagtangis ng isang munting bata sa kakahuyan. Puno ng sugat ang kanyang buong mukha at makikita sa kanya ang hinagpis na kanyang napagdaanan. Ang mga hayop sa gubat na iyon ay nakamasid sa munting bata na waring nararamdaman din nila ang pighating nararamdaman Ngayon ng musmos na bata.

"Saksi ang buong kagubatan sa malagim na aking napagdaanan , Ngayon nanunumpa ako Sa marikit at madilim na lugar na Ito, ipinapangako ko na maghihiganti ako Sa mga taong pumatay sa aking magulang at  Sa mga inosenteng tao Sa aming kaharian! Matitikman nila ang tulis ng aking patalim na binuo ng aking poot ! Ang dugo ng mga hangal na taong Ito, ang bubuo ulit sa aming kaharian!"

Pagkatapos sambitin ito ng musmos na bata ay biglang gumuhit  Sa himpapawid ang marka ng pulang lobo, kasabay nito ang malalakas na kidlat. Mas bumuhos pa ang pinakamalakas na ulan na waring nakikisabay Sa luha ng isang batang naghihinagpis.

"Tala, Tala!"

Naputol ang aking iniisip ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng Prinsesa Yarih.
"Patawad po prinsesa Kung Hindi ko kaagad napagtuonan ang inyong pagtawag." Magalang Kung salita Sa prinsesa

Lumapit ang prinsesa sa akin gamit ang kanyang may gulong na upuan na gawa Sa matibay na kahoy. Nakasuot siya ng kulay asul na kasuotan at nakapusod ang kanyang buhok.

"Mukhang malalim ang iyong iniisip kanina Tala , maaring bang malaman Ito." Nakangiti niyang sambit sa akin

"Naku wala po iyon prinsesa sadyang kahit saan Lang napapapadpad ang aking utak" masaya Kung wika upang Hindi mapaghalataan ng prinsesa

Tiningnan niya ako ng mabuti Sa Mata at pilit na binabasa ang emosyon na nakatago roon
"Iniisip mo pa rin ba ang masasakit na winika kanina sayo ng aking kapatid?Kung iyon ako na mismo ang manghihingi sayo ng patawad Tala."

Napakabait at inosente ng prinsesang ito sayang lamang at siya ang unang gagamitin ko.
"Naku, wala po iyon prinsesa ang katulad kung alipin ay hindi dapat magtanim ng Galit Sa mga dugong bughaw na katulad ninyo."

"Huwag mong isipin na Isa kang mababang uri ng Tao Tala, kaibigan kita at hindi ko papahintulotan na ganyan ang pagtingin mo sa iyong sarili."

"Patawad po , Prinsesa."
Magalang ko nalang Wika upang Hindi na humaba pa ang usapan

Inaya ako ng prinsesa sa silid ng may nag -iinsayong mga maharlika at Tamang naroon din ang prinsipe Rossouw na bagong Hari na ngayon ng buong Mezzon at kanyang kaibigan na Si Geri Flora. Sayang lamang at hindi pa natuluyan ang ama Ni Geri Flora nang ito'y aking lasonin. Sa ngayon nasa kanila itong tahanan at humihinga pa ayon sa aking ipinadalang Tao.

Patuloy sila sa pag-iinsayo sa paggamit ng Espada nang makita Nila kaming paparating huminto Sila sa kanilang ginagawa.

"Mukhang naligaw yata kayo sa inyong pamamasyal aking kapatid at napadpad kayo rito."
Nakangising wika ng haring Rossouw sa prinsesa at napadpad ang kanyang tingin Sa akin .Yumuko naman ako tanda ng paggalang kahit ayoko dahil hanggang ngayon naiinis pa ako Sa pagmumukha ng prinsipe.

"Magandang umaga sayo prinsesa at Sa binibini Sa iyong likuran." Pilyong wika Ni Geri Flora ,napaismid naman ang prinsesa at hindi tinugon ang kanyang pagbati.

"Mahal na Hari nais Kung humingi ka ng paumanhin Kay Tala Sa iyong nagawang pagsigaw kanina Sa kanya dahil siya ay aking kaibigan Hindi mo dapat ito basta-bastang ginawa  sa kanya." Masungit na tugon ng prinsesa Kay Rossouw

Napahalakhak naman ang dalawa Sa naging wika ng prinsesa

"Nakakalimutan mo atang Isa na akong hari ngayon prinsesa at hindi Basta Bastang humihingi ng patawad ang isang katulad kung hindi naman Malala ang nagawa." Wika Ni Rossouw na parang nang-aasar

Nakayuko lamang Ako dito na parang nahihiya sa inasal ng prinsesa ngunit nasasayahan naman ako sa pinakitang katapangan ng prinsesa. Alam Kung palihim akong sinusuri Ni Geri Flora dahil ramdam ko ang kanyang mga titig.

"Hindi ko Alam na ganyan kana Pala kayabang ngayon kuya!" Naiinis na wika ng prinsesa na wala na ang kanyang pagkapormal Sa pananalita

"Mahal na prinsesa Yarih, Hindi na po kailangang humingi ng tawad si Haring Rossouw Sa akin dahil Ako naman po ang may kasalanan." Wika ko kahit kating-kating na akong pilipitin ang leeg nito Sa pagsigaw kanina nito Sa akin na kahit Tama naman ang aking ginagawa ngunit mali parin Ito Sa kanyang paningin.

Alam kung wala parin siyang tiwala sa akin ramdam ko iyon, ngunit Hindi ko siya pagbibigyan na pagkakataon na mabuko at masira ang mga plano ko.

Pagkatapos ng nangyari nagtungo na kaagad ang prinsesa sa kanyang silid,Hindi maipinta ang mukha ng prinsesa Yarih at nagdadabog itong paalis. Humingi naman ako ng patawad Sa dalawa sa naging pag-aasal ng prinsesa.

Habang ako'y nasa aking silid pinagmamasdan ko ang marka Sa Aking balikat, hanggang ngayon Hindi ko pa rin mawari Kung saan ko Ito nakuha. Ito ay maliit lamang ngunit Kung iyong pagmamasdang mabuti isa itong mukha ng isang lobo.

Biglang bumukas ang pintuan ng aking silid ng pumasok Si Zehra,
"Talisya, naroon na Si Juno sa lugar na inyong pinag-usapan,lumakad kana ako na ang bahala sa prinsesa."

Agad Kung inayos ang aking sarili at naghanda na sa pag-alis,
"Wala na bang nagbabantay na kawal Sa aking daraanan?"

"Wala na dahil sila'y tumungo sa punong kawal, nagsinungaling akong pinapapunta sila roon Kaya magmadali kana"

Agad Kung linisan ang silid na iyon at nag-iingat palabas ng palasyo. Pagkarating ko sa lugar ng Patay na lupa agad Kung nakita Si Juno dala ang mga kagamitan na magagamit ko sa gagawing Kung eksena Sa pagsapit ng Gabi.

Lumapit ako Sa kanya,Si Juno ay isa sa pinagkakatiwalaang tao ng punong kawal Sa palasyo ng Gatta na pinamumunuan naman ni Magnus Giza ang nag-iisang anak ni Oroz Giza ang Hari noon ng Gatta na siyang ulo sa pagpapabagsak sa aming kaharian, sayang lamang at maaga itong namatay. Alam ko rin na si Magnus Giza ay kasing lupit din ng kanyang ama ngunit Hindi Ako natatakot Sa kanya Kung Isa man siyang leon magiging isa akong daga na magbibitag sa kanya sa kanyang kamatayan.

"Talisya,Pinaghahanap ka pa rin Sa buong Gatta matapos mong patayin ang magkakapatid na Bizet.Puno parin ng Galit si Haring Magnus at halos baliktarin niya buong Gatta upang mahanap kalang." Nag-aalalang wika Ni Juno Sa akin

Hindi ko maiwasang mapangisi Sa naging pahayag ni Juno
"Hayaang mong mabaliw siya kakahanap sa akin Juno, wala naman siyang patutunguhan dahil hinding Hindi nila maaalala ang aking wangis. Nagsasayang lamang siya ng oras."

Humahanga siyang tumingin sa akin "Napaka-talino mo talaga talisya hanggang ngayon Hindi ko pa rin maisip kung paano mo nagawa ang lahat ng iyon."

"Huwag mo nang isipin Juno..
Pagtuonan mo nalang ng pansin ang pangangalap ng impormasyon sa palasyo ng Gatta upang madali na akong makapasok Sa palasyong iyon."

Tumango naman siya Sa aking wika "Siya nga Pala Talisya, ang haring Magnus ay pupunta sa Gubat ng Rosna para pumatay ng maraming usa upang may maidagdag siya Sa kanyang mga koleksyon. Ito ay mangyayari Bago sumapit ang kanyang kaarawan

Ang Gubat ng Rosna ay ang naghahati Sa lupain ng Mezzon at Gatta.

Mukhang yon na ang Tamang pagkakataon upang isakatuparan ko ang aking unang plano.

"Magaling Juno, Ako na ang bahala Kung paano ko isasakatuparan ang aking plano."

Sa pagkikita namin ng Hari ng Gatta at sisiguraduhin Kung masisiyahan siya Sa aking dala para sa kanya.

The Legend Of The Red WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon