"Talisya nagawa ko na ang pinag-uutos mo"
Masaya ko siyang nilingon ,maaasahan ko talaga siya pagdating sa paggawa ng bagong lason.
"Magaling Zehra ! magmadali kanang bumalik sa palasyo upang hindi ka paghinalaan."Tumango siya sa aking sinabi
"Masusunod Talisya mag-iingat ka rin sa iyong mga kilos . Tanging hiling ko Lang na maisakatuparan mo sana ang lahat ng iyong pinaplano na Hindi naipapahamak ang iyong sarili." Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata"Huwag kang mag-alala Zehra Alam ko ang mga nararapat kung gawin." Pagkatapos kung sabihin ito. Nagmamadaling umalis Si Zehra sa silid na aking kinaroroonan
Matagal ko ng kaibigan si Zehra naghiwalay lamang kami ng landas noong lumubog ang kaharian ng Serenia. Matagal na siyang naninilbihan Sa kahariang Ito ,siya ang nagsilbing Mata at Tenga ko Sa mga nangyayari sa Dito. Pareho kaming nagmula Sa Serenia ang kahariang pinamumunuan noon ng aking pamilya Bago pabagsakin ng tatlong kaharian ng Grosso. Nagkampi-kampihan ang tatlo at pinagsanib-sanib ang kanilang mga kapangyarihan upang mapabagsak ang buong Serenia. Walang awa nilang pinagpapa-patay ang mga mamamayan ,opisyales na namumuno at mga mayayamang pamilya na sumusuporta Sa buong kaharian.
At Isa na doon ang buong lipi ng haring Dukno. Siya ang aking mabuting ama na walang hangad kundi magka-isa ang lahat ng kaharian Sa buong Grosso ngunit pinatay siya Sa aking harapan kasama ang aking Ina.
Tandang tanda ko po Kung paano nagmaka-awa ang aking ama na Hindi idamay ang kanyang mga mamamayan at buong pamilya ,ngunit Sa halip na pakinggan ginawa lamang Nila itong malaking biro.
Ang mga tangis Ng mga taong nahihirapan ay nagsilbing musika Sa kanilang pandinig,Nasisiyahan sila habang pinapakinggan Ito. Wala silang kinakatakutan! Mga demonyo, Mga hangal ang kaluluwa at mga ganid Sa kapangyarihan.
Nais Kung iparanas Sa kanila ang lahat ng karumal-dumal na ginawa Nila Sa amin. Unti-unti Kung kikitilin ang kanilang mga buhay hanggang maramdaman ang sakit. Ang sakit na walang makapitan Sa oras ng masaklap na kamatayan.
At Sa kahariang Mezzon at Gatta Ako magsisimula hanggang Sa maubos ko silang lahat .Ang lahat ng may kinalaman Sa pagkasira ng aming kaharian, walang matitira lahat ay uubusin . Magiging Isa akong epidemya sa kahariang ito kakalat Ng kakalat upang Magdala ng sakit.
__________________
Kasalukuyang nakasunod Ako Ngayon Sa prinsesa Yarih habang binabagtas niya ang Daan papuntang Hardin upang mamasyal. Ang prinsesa ay nakasakay Sa upuang kahoy na may gulong at naka-alalay Dito ang isang tauhan ng hari. Napakaganda ng prinsesa Sa kanyang Puting kasuotan waring ang Puting Ito ang nagsisimbolo Sa kanyang kainosentehan.
"Tala, Alam mo ba gustong-gusto ko talagang magkaroon ng kapatid na babae at Salamat Sa panginoon dahil binigay ka niya Sa akin." Masayang wika ng prinsesa habang nakatutok Sa akin ang kanyang magagandang Mata.
Nagulat Ako Sa naging Turan ng prinsesa dahil kasalungat Ito Sa aking iniisip Ngayon.
"Maraming Salamat po prinsesa Kung Yan ang turing niyo Sa akin, Isa po itong karangalan Sa katulad Kung isang alipin lamang."
"Tala bakit namatay ang iyong mga magulang?" Inosenteng tanong ng prinsesa
Kung Kaya ko Lang sabihin Sa kanya na dahil Sa mga makakasariling Tao at Isa na doon ang iyong ama prinsesa
"Namatay po Sila Sa pangangaso prinsesa may nakasalubong po silang mabangis na hayop ." Imbento Kung wika Sa kanya
"Nakakalungkot naman ang nangyari Sa pamilya Mo Tala, huwag kang mag-alala Tala mula Ngayon pamilya mo na Ako"
Napaismid naman ako Sa sinabi Ng prinsesa kinasusuklaman Ko ang kanyang buong pamilya at kasama na siya ron. Gagamitin ko siya upang mas mapalapit Ako Sa kanyang pamilya at makuha ang kanilang kalooban.
Naagaw ang aming atensyon ng mga batang naglalaro Sa may batis ng Hardin. Pinagmasdan namin Sila at ang mga batang Ito ay Puno Ng kagalakan Sa kanilang ginagawa
"Balang araw maigagalaw ko rin ang aking mga binti at makakapaglaro din Ako katulad Nila." Puno ng pag-asang wika ng prinsesa Yarih
"Prinsesa naniniwala po Ako na gagaling po ang inyong mga binti at makakapaglakad po kayo basta't magtiwala Lang po kayo Sa diyos." Masayang salita ng isang katiwala ng prinsesa
"Mahal na prinsesa may Alam po akong gamot na makakatulong Sa inyong kalagayan" napukos ang kanilang atensyon Sa akin dahil Sa aking sinabi
"Tala Alam mo bang marami ng manggagamot ang kinuha Ng aking ama upang ako'y matulungan ngunit kahit Isa Sa kanila walang naitulong marami silang gamot na ibinigay Sa akin Pero Hindi naging epektibo, ngayon paano mo nasabing ang gamot na yon ang makakatulong na Sa akin?"
" Prinsesa Yarih , lumaki Ako Sa kagubatan at marami akong mga Alam na mga halaman at ang mga kakayahan Ng mga halaman na ito. Hindi naman Sa pagmamalaki Pero Isa po Ako Sa nanggagamot Sa aming mga kasamahan kapag sila' y nasusugatan ." Puno ng konbiksyon Kung wika
"At wala namang masama kapag magsubok prinsesa, pangako po Hindi ko po kayo ipapahamak." Dagdag Kung wika nag-isip naman ng mabuti ang prinsesa Kung papayag siya sa aking gamot na iminungkahi."Alam Kung maaasahan kita Tala kaya pumapayag na Ako sa gamot na iyong sinasabi. Ano ba ang halamang gamot na iyon?"
"Ito ay ang Dagta ng halamang Dabong prinsesa , mabisa po Ito Sa pagpapatibay Ng mga buto Sa katawan at marami pa po itong kayang gawin.
"Bukas na bukas Magdala ka Sa akin nito Tala."
"Opo Mahal na prinsesa."
BINABASA MO ANG
The Legend Of The Red Wolf
Ficção GeralRATED SPG **** Ang pulang lobo ang mapanganib at pinakakatakutang hayop sa buong Grosso sapagkat may kakayahan itong sirain ang isang buong pook at kumitil ng maraming nilalang. Kaya't Nagdesisyon ang mga kaharian Sa Grosso na wakasan na ang buhay n...