Nathalie's POV
Agad namang napasigaw ang isa sa kanila. "Molly!" lumapit ito sa batang dumudugo ang ilong ngayon. Hindi man lang ito napatingin sa akin. Samantala ang mga kasama nitong mga lalaki ay nakatingin na sa akin ngayon.
"K-kuya."
Hinawakan nito si Molly. "Ano ang nangyari sayo? Bakit dumudugo ang ilong mo ha?!" halatang concerned ito sa kanya.
So, is this her older brother? Kuya raw kasi eh.
"Siya kasi iyong may kasalanan Kuya eh!" at tinuro ako nito. Kaya nadako na ang tingin ng Kuya niya sa akin.
Yeah, somehow it was my fault.
Nang magtagpo ang mga mata namin ay nakita ko ang buong itsura nito. Kayumanggi rin ang balat nito at mayroon siyang napakaitim na buhok.
Pero kapukaw pansin ang hikaw nito sa tenga niya.
Tumaas naman ang kilay nito sa akin. "Sino ka? At ano ang ginagawa mo dito!?" tanong nito sa akin at hindi ko nagustuhan ang tono ng boses nito.
"How about you? Who are you?" tanong ko pabalik dito.
Napatawa naman ang isa sa mga kasamahan niya. "English speaking pala 'yan, brad." sabi nung lalaking kasama niya.
"Oo nga. Pero ang ganda niyang bata. Ilang taon kana ba miss?" sabi nung medyo singkit sa kanila at binigyan ako nito ng napakatamis na ngiti.
Binatukan naman siya ng isang lalaki. "Tumigil ka! Bata pa iyan!" sabi ng mukhang seryoso sa kanila.
Tinignan naman sila ng masama nitong Kuya ni Molly. "Tumigil nga kayo diyan!" and he looked at me. "At ikaw, kanina pa kita tinatanong kung sino ka. Hindi ka naman siguro bingi diba, bata?" napaka-angas na tanong niya sa akin.
I scoffs. "Huwag mo nga akong ma bata bata diyan. I'm not a kid anymore!" nakakainis naman kasing tawaging bata.
"Spokenning dollar talaga!"
"Tumigil ka na nga Leo! At ikaw ha." at tinuro ako ng Kuya ni Molly. "Ano'ng ginagawa mo dito sa bahay?" at halatang nainis din ito sa pagsagot ko sa kanya kanina.
Nilapitan naman siya ni Molly. "Kuya Jared, huwag ka nang magalit diyan kasi bisita natin siya, Apo siya nina Lola Fely at Lolo Pedro." sa sinabing iyon ni Molly ay natigil ito.
Tinalikuran niya naman ako. "Siya ba 'yan? Tsk. Halatang matapobre, walang asal." I heard him murmured.
I crossed my arms, hindi ko na talaga nakakaya ang tabas ng dila niya. "Aba! How dare you to say that?! Kaysa naman sa katulad mo! You look like an ex-convict!" asik ko sa kanya.
Agad naman siyang napatingin sa akin. Halatang nainis siya sa sinabi kong iyon, mabuti naman.
Kumunot ang noo niya. "Ano ang sinabi mo?" he asked.
"You heard me, you look like an ex-convict!"
He chukled at nilapitan ako nito. "Huwag ka ng magpapakita sa'kin, bata. Baka kasi mapatulan kita." he said arrogantly. At sabay na hinila si Molly papunta sa kusina nila.
"Kuya... saan mo'ko dadalhin." nagtatakang tanong niya.
"Pupunasan natin 'yang dugo sa ilong mo." at nawala na silang dalawa.
Magkapatid ba talaga sila? Parang ang layo lang kasi.
Napatingin naman sa akin ang mga kasama nung arogante na iyon. "Hello miss, ganda. Ako nga pala si Leo." at lumapit silang tatlo sa'kin.
"At ako naman pala si Dave, nice to meet you." halatang hinihintay nilang kamayan ko sila. Pero hindi ko sila kinamayan, hindi ko naman hinihingi pangalan nila ah.
"Ikaw? Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Leo.
Mapagkakatiwalaan ko ba talaga sila? Mukhang kaibigan kasi sila nung ex-convict na iyon.
"Nako! Huwag kang matakot sa amin. Mabait naman kami... kahit papano" sabi ni Dave at nagkamot ng batok niya.
I sighed. I guess... I don't have a choice. "I'm Nathalie." maikling pagpapakilala ko.
"Ako naman pala si Rue." sabi ng isa.
"At yung lalaki pala kanina na masungit si Jared yun."
Jared? Hindi naman ako interesado sa pangalan niya eh. "Wala akong pake."
"Attitude na bata, brad." sabi ni Dave at tumawa.
"Ikaw pala yung bata na sinasabi ni Aling Fely sa amin." sabi ni Leo at basi sa itsura nito mukhang babaero ito. Sa datingan kasi nito mukhang maraming babae ng napaiyak 'to. At nakangisi siya ng malapad habang naakbay si Dave sa kanya.
I nodded. "Yeah, why?" napapadalas ba ang pagkwento ni Lola sa kanila tungkol sa akin? Mukhang kilala kasi nila ako sa pangalan.
"Wala lang... ang ganda mo pala talaga sa personal eh no? Palagi ka kasing nakwekwento ni Aling Fely sa amin lalo na kapag pumupunta kami sa bahay nila. Lalo na kapag nagluluto si Aling Fely ng adobo! Masarap kasi talagang magluto ang Lola mo ng adobo." aniya
"Oo nga ang takaw din kasi nitong si Leo eh." sabi ni Dave ng pabiro.
Tinignan naman siya ni Leo ng masama. "Hoy! Hindi ah."
"Hindi raw." sa palagay ko mas malapit itong si Leo at Dave, mukhang sila lang kasing dalawa ang maiingay sa grupo eh.
"Ilang taon kana pala, Nathalie?" tanong ni Rue.
"I just turned seventeen, last month." sagot ko.
"Nako, mas matanda lang pala kami sayo ng dalawang taon." sabi ni Leo.
Ilang taon lang naman pala ang agwat nila sa'kin at kung makatawag sila ng bata, wagas. "I didn't ask you anyway." sabi ko.
"Brad, pigilan mo nga ako ma attitude talaga 'tong bata na 'to oh." at nag inarteng susugurin ako ni Leo.
Si Dave naman ay nagkunwaring pumipipigil sa kanya. "Eto na brad, pinipigilan na kita."
I chuckled, they are too funny. "Pfff." hindi ko inaasahan na matatawa ako sa kanila.
"Oh! Ayan tumawa na rin sa wakas ang bata. Iyan lang dapat! Dapat ka lang ngumiti! Mas cute ka kapag ngumingiti!" sabi ni Leo at ngumiti na rin ito. May itsura rin pala ito habang tumatagal.
It's been a while, since the last time I laughed. At napatawa ako nila, hindi ko rin inaasahan iyon.
"Don't call me bata. Ilang taon lang naman agwat niyo sa akin eh. And besides I have name, I'm Nathalie, remember?" sabi ko.
"Okay, Nathalie." and Leo winked at me. My nose scrunched, okay na sana siya sa akin eh.
"Tigil-tigilan mo iyan Leo. Huwag ka ngang child abuse!" sabi ni Dave.
"Ito naman! Biro lang naman iyon nagseselos ka kasi kaagad." at sinuyo nito si Dave.
Kumunot naman ang noo ko sa inakto ni Leo. "Jealous? Bakit? Mag jowa ba kayong dalawa?"
"Oo." at inakbayan ni Leo si Dave.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Maniniwala na sana ako sa pinagsasabi ni Leo pero nakita kong lumingo-lingo si Rue ng ulo niya.
"Biro lang! Magkaibigan lang kami nitong si Dave." at siniko niya naman si Dave. "Pero kung gusto niya, pwede namang totohanin." at humalakhak ito.
Agad naman siyang binatukan ni Dave. "Baliw!" at tumawa na silang dalawa.
"You're all crazy!" and I laughed, once again.
Mukhang dadagdag pa sila sa sakit ng ulo ko dito.
A/N: Sorry for the grammar and typos.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (REVISING)
RandomSi Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap lang ay mabago ang nakasanayang buhay nito? And that happened when her parents died in a car accident...