Nathalie's POV
Nandito na kami ngayon sa bahay at may kaunting salo-salo lang na naganap dito at nandito rin sina Jared, Molly at Aling Flor.
"Bakit ang sama ng tingin sakin ng isang 'yon?" Siero asked me while we are eating here in the kitchen.
Alam ko namang si Jared ang tinutukoy niya. Siya lang naman kasi ang masamang tumingin dito eh. "Ewan ko." at patuloy lang ako sa pagkain.
Pero nakita ko rin 'yung mga tingin niya kay Siero kanina at hindi nga iyon maganda.
Bigla namang nagsalita si Tita Rose. "I am so proud of Nathalie, napasama kasi siya sa with honors." she complimented me.
Napangiti naman ako. "Thank you, Tita Rose." at nginitian ito.
"I'm sure that your parents are proud of you, iha." parang bigla naman akong natigilan when she said that, she mentioned my parents.
Masaya ako na malungkot. Nalulungkot kasi wala sila dito sa tabi ko, lalo na ngayon. At masaya kasi may mga tao pa rin sa tabi ko na hindi ako pinababayaan.
I smiled. "Yes, Tita Rose. I know that they're happy for me, while watching me growing each day."
"That's the spirit Lily. You're really a strong lady." and with that I smiled.
Napangiti naman si Lolo. "Oo nga, Rose. Sobrang tapang nitong Apo namin." sabi ni Lolo at tumingin ito kay Lola na ngumingiti.
"Baka naman may boyfriend kana ha." sabi bigla ni Tita Rose kaya namula naman agad ako.
I saw how Jared immediately looked at my direction after Tita said those. "Meron na nga ata siguro Mommy. Tignan mo at namula na kaagad oh." sabi pa ni Siero.
"Nako, meron na ata. Sa tingin ko si Kevin eh, 'yung anak ng mayor dito sa amin. Kasi minsan nakita ko kasing hinatid niya si Nathalie dito." tukso pa ni Aling Flor.
Mas lalo akong namula. "Hindi ko po boyfriend si Kevin." agad na depensa ko. Kasi hindi naman talaga totoo.
Agad namang napatayo si Jared. "Pero nanliligaw na nga 'yun sa'yo diba? I'm sure sinagot mo na." napatingin naman ang lahat sa kanya.
So, he decided to talk to me now, huh?
Tinignan ko lang siya. "Hindi ko pa boyfriend si Kevin."
"Sus, aminin mo na kasi." aniya.
Ano ba ang problema niya? "Wala naman akong dapat aminin eh."
He chuckled, "Really, Nathalie?"
"Jared tumigil kana—''
Bigla namang napatawa si Tita Rose. "Lily, iha. You don't have to deny it. It's okay... normal lang naman na magkaroon ng suitors. Lalo pa sa ganda mong 'yan. Alam kong maraming magkakagusto sa'yo. Pero sana kung magkaka boyfriend ka man, sana piliin mo ang tamang tao, okay? And you should always know your limitations."
"Oo nga, Apo. Tama ang Tita mo basta magsabi ka lang ng totoo sa amin ng Lolo mo. Hindi ka naman namin pipigilan lalo na't ilang araw na lang dalaga kana." at nginitian ako ni Lola ng malapad.
"Tama sila, Nathalie. Mabait naman si Kevin eh, palagi ngang may pa prutas sa amin 'yon ng Lola mo eh." pagtutulakan pa sa'kin ni Lolo.
Tumili naman si Molly. "Yie, Nathalie! Sagutin mo na kasi si Kevin eh. Bagay na bagay kayo!" sabi ni Molly at sinundot niya pa ako sa tagiliran.
Natigilan naman kaming lahat ng biglang tumikhim si Jared. "Aalis na po ako." namumula na ang tenga nito.
"Pero Jared iho, hindi mo pa nauubos ang pagkain mo." sabi ni Lola sa kanya.
Tumingin naman ito kay Lola "Busog na po kasi ako eh. Aalis na po muna ako." at umalis na lang ito bigla.
Halatang naguguluhan silang lahat lalo na si Aling Flor.
What's wrong with him?
"Alam kong gusto mo siyang sundan." bulong ni Siero sa akin.
Tinignan ko naman ito. "What?"
"Just follow him"
Should I?
Tinulak niya naman ako. Kaya wala na akong choice. "Ahh... susundan ko lang po muna si Jared." tumango naman sila at sinundan ko na nga si Jared sa labas.
Nakita ko pa itong nagsindi ng sigarilyo. Wala talaga siyang balak itigil ang habbit niya na 'yan.
"Jared! Wait!" napatigil naman ito at nilingon ako. "Bakit mo ako sinundan?"
"Tigilan mo nga 'yang paninigarilyo mo!" at sinubukan kong kunin ang sigarilyo sa kamay niya pero itinaas niya iyon. Kaya hindi ko na maabot 'yon ngayon.
Kumunot naman ang noo niya. "Bakit mo ako sinundan, Nathalie?"
"Ewan ko rin."
"Tsk. Pinagloloko mo ba ako?"
I shake my head. "Hindi." sagot ko.
He chuckled and he began to smoke again. "Akala ko ba may Kevin kana tapos ngayon may Siero ka na naman? Alam ba 'yan ni Kevin?"
"Bakit kailangan ko pa kailangang sabihin kay Kevin ang lahat na nangyayari sa buhay ko? Hindi ko naman siya boyfriend."
Napatawa naman siya ng pagak. "Hindi pa ba?"
"Alam kong alam mo ang sagot ko diyan, Jared. And come on! Look at yourself! Magbago kana nga."
Nakatingin lang ito sa akin ngayon. "What do you mean by that? Bakit? Hindi mo na ba ako gusto, Nathalie?"
My heart skipped a beat. ''W-what?"
Nilapitan niya naman ako. "Is it because of Siero? You told me that he's just your friend. Pero bakit sobrang lapit naman ata niya sayo." saad niya.
What does he want to imply now? "Hindi kita maintindihan, Jared."
"Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, Nathalie." at ginulo nito ang buhok niya.
Tinignan ko naman siya ''Ano ang ibig mong sabihin?"
Iniwasan niya naman ako ng tingin. "Wala. " he continued.
"Wow, pagkatapos ng ilang buwang hindi pagpapansin sa akin, 'yan lang ang masasabi mo."
He looked away. "I'm sorry."
"You should."
He smoked again and he looked at me intently. "Malapit na pala debut mo."
Hindi ko talaga alam kong ano ang pumapasok sa utak niya. "Oo, gusto ko nga sana na maging simple lang'yong debut ko at kaunting salo-salo lang sana. Pero sabi ni Tita Rose ay hindi siya papayag kaya sa hotel daw namin ihanda ang debut ko."
"Ganun?"
I nodded. "Yeah, and speaking of my debut... ano... a-ano kasi..." and I keep on stuttering.
I want him to be my escort. In spite of what he did, kahit na nasaktan niya ako ng sobra.
Kasi siya pa rin ang gusto ko. Hindi ko mapapaniwala ang sarili ko na hindi ko na siya mahal kasi hanggang ngayon siya pa rin.
"What?" and his forehead knotted.
Kaya mo 'yan Nathalie. "A-ano... a-ah. Wala pa rin kasi akong escort para sa debut ko."
"Pumili ka nalang kay Siero o Kevin." saad niya. At na disappoint naman ako, siguro hindi niya nga talaga ako gustong makasama.
Wala sa nabanggit niya ang gusto ko. ''G-ganun? Sige... pipili na lang siguro ako sa kanila." I continued.
I looked down. "Papasok na ako sa loob."
"Wait." he said and he grabbed my arm
"I'll be your escort." at itinapon niya ang sigarilyo niya and he stepped on it.Bumilis naman ang kabog ng puso ko. Is this for real? He really said those words right? "W-what?"
"I'll be your escort, Nathalie. You heard me?"
I slowly nodded. "Yeah."
My heart is going wild now.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (REVISING)
RandomSi Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap lang ay mabago ang nakasanayang buhay nito? And that happened when her parents died in a car accident...