Nathalie's POV
Naghihintay na kami ngayon ni Molly dito kay Jared sa gate. Sabay daw kasi kaming uuwi ngayon eh. Alam ko na naman kung bakit... kasi may nagawa na naman akong kasalanan sa kanya. Naikwento ko na rin pala kay Molly 'yung nangyari kaninang umaga sa amin ni Jared at iyong ginawa ni Kevin sa akin.
"Talaga? Kaya naman pala gusto ni Kuya Jared na sabay-sabay tayong uuwi ngayon. Bantay sarado kana pala talaga sa kanya." at tumawa pa ito ng malakas.
I rolled my eyes on her. "Nakakainis kaya 'no. Masyado niya na akong pinapagalitan."
Hinawakan niya naman ang balikat ko. "Alam mo... concerned lang si Kuya Jared sayo. Alam kong gusto ka lang niyang protektahan kaya ganun 'yun umasta."
"If he's really concerned about me, edi sana hindi naman sa ganoong paraan. Minsan kasi masasakit ang mga binibitawan niyang salita. Tapos nakakatakot pa palagi." sabi ko.
Molly sighed. "Alam ko. Pero wala na tayong magagawa ganun lang talaga si Kuya. At sana intindihin mo na lang ang ugali niya kung minsan. Mainitin lang talaga ang ulo nun."
Bumuntong hininga naman ako. "I am trying, Molly."
Natigil naman kami ni Molly sa pag-uusap ng may biglang umakbay sakin.
It's Dave at kasama niya pa ang mga barkada niya.
"Nandito na pala kayo." saad nito.
"Oo, kanina pa. At kunin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ni Nathalie! Kung ayaw mong mabugbug ka ni Kuya Jared." pagbabanta ni Molly.
Tumawa naman si Dave. "Hindi ako natatakot kay Jared." sabi niya.
Inilagay naman ni Molly ang kamay niya sa bewang niya. "Talaga lang ha!" sabi ni Molly.
Tumango pa si Dave. "Oo naman."
"Lagot! Ayan na si Jared oh." sabi ni Leo. Kaya agad namang kinuha ni Dave ang kamay niya sa balikat ko.
Napatawa naman ako sa kanya. Hindi raw siya takot pero mabilis pa sa alas kwatro kung tanggalin ang kamay niya sa balikat ko.
"Pft." at tumawa na rin si Leo. "Binibiro ka lang, natakot ka naman agad." at humalakhak pa siya.
Napatawa naman kaming lahat sa kanya kasi wala naman talaga si Jared. Tinakot lang siya ni Leo.
"Gag* ka talaga!" at yun na nga nag suntukan na naman silang dalawa.
Kahit kailan talaga ang dalawang 'to. Si Rue lang talaga ata ang matino sa kanila.
"Saan na nga pala si Kuya Jared, bakit hindi niyo siya kasama ngayon?" tanong ni Molly.
Tumigil naman sa pagbangayan sina Leo at Dave. "Nako! Kaya nga nauna kami ngayon dito kasi nakita namin kanina na nag-aaway sila ni Audrey eh." sagot ni Leo
"Ha? What do you mean?" I asked.
Naging seryoso naman ang mukha ni Rue. "Hindi namin sinasadya na marinig ang pinag-uusapan nila kanina. Pero narinig namin kanina na gusto na raw makipag hiwalay ni Audrey kay Jared." sabi ni Rue.
Nagulat naman ako sinabi ni Rue. Bakit kaya? Ano naman ang pinag-awayan nila ni Audrey?
Tumango-tango naman si Leo. "Oo nga. At sigurado kami na hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin silang dalawa doon. Narinig din kasi namin na nagugustuhan na raw ni Audrey si Kevin. Baka ganun ang pinag-awayan nilang dalawa." Ano? Si Kevin?!
Tumaas naman ang kilay ni Molly sa narinig niya. "Hoy! Ano'ng pinagsasabi niyo ha?" sabi ni Molly. Halatang hindi nito nagustuhan ang narinig.
"Totoo ang sinasabi namin Molly, iyan kasi 'yung narinig namin kanina sa baba habang hinihintay namin si Jared tapos nagulat na lang kami ng bigla na lang silang nag-away dun kaya bumaba na lang kami sa kabilang hagdan at umalis. Baka kasi magalit si Jared kapag nakita kami." paliwanag pa ni Rue.
Naging seryoso naman ang mukha ni Molly. "Kung totoo nga ang sinasabi niyo. Niloloko lang ba talaga ni Ate Audrey yung Kuya ko?!" agad namang nagalit si Molly.
"Hindi ko rin alam, Molly. Yun lang yung narinig namin kanina. Pero hindi siguro malabo na magustuhan ni Audrey si Kevin kasi unang-una, alam naman nating lahat na pabor 'yung mga magulang ni Audrey kay Kevin, dito ngang paaralan 'yun pumasok dahil sa Kevin na 'yun eh." sabi ni Dave.
Napataas naman ang kilay ko. "She's stupid then." I said.
Kahit ganun lang si Jared ay sigurado akong mahal na mahal niya si Audrey. At halata naman 'yun sa lahat. Kung totoo nga ang sinasabi ng tatlong 'to ay alam kong masasaktan si Jared ng sobra kasi ganun niya kamahal si Audrey.
"Saan ba si Ate Audrey ngayon ha? Gusto ko lang siyang makausap. Alam kong mahal na mahal siya ni Kuya Jared tapos ito pa ang igaganti niya!" at nakataas pa rin ang kilay nito.
Ito ata ang unang pagkakataon na makita kong si Molly na naging seryoso. Alam kong nag-aalala rin siya sa Kuya niya kasi ganun niya rin 'to kamahal.
Nilapitan naman siya ni Rue. "Huwag ka na lang munang makidagdag sa away nila Molly. Hayaan na lang natin muna silang dalawang mag-usap." sabi ni Rue at hinawakan si Molly sa kamay. Kasi parang any moment lang ay manunugod na siya.
"Ayoko nga! Niloloko niya na yung Kuya Jared ko eh."
Rue sighed. "Hayaan na nga muna natin sila, okay? Matanda na si Jared alam niya na kung ano ang gagawin niya. Kakausapin na lang natin siya mamaya pag-uwi."
Tinignan niya ng masama si Rue. "Bitawan mo ako. Gusto kong makita si Ate Audrey.''
Kaya hinawakan ko naman sa braso si Molly. "I think Rue is right, Molly. Makinig na lang tayo sa kanya. Sigurado akong kaya na ni Jared ang sarili niya ngayon. Hayaan na lang siguro muna nating mag-usap sila kasi in the first place, relasyon nila iyon. Hayaan natin silang magdesisyon." saad ko dito.
Ayoko namang lumaki ang gulong 'to. "Tama si Nathalie, umuwi na lang tayo. Sigurado rin ako na hindi gugustuhin ni Jared na makita kayo doon." sabi Rue.
"Oo nga, umuwi na lang tayo. Ihahatid na namin kayo." sabi ni Dave.
Parang natauhan naman si Molly at napayoko. "Kakausapin na lang natin si Jared mamaya, Molly. Umuwi na lang muna tayo." saad ko.
Kahit labag sa kalooban ni Molly ay umunod naman it sa amin at tuluyan na kaming umuwi kasama sina Leo, Rue at Dave.
Habang pauwi kami ay tahimik lang si Molly kaya hinawakan ko naman ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (REVISING)
RandomSi Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap lang ay mabago ang nakasanayang buhay nito? And that happened when her parents died in a car accident...