Nathalie's POV
Today is my special day! My debut is finally here!
Kinakabahan na nga ako ngayon kasi hinihintay ko lang na tatawagin na ako ng emcee kasi iyon ang cue na lalabas ako pagkatapos niya akong maipakilala.
Hindi ko inaakala na magiging ganito ka engrande itong debut ko. Hindi pa nga nagsisimula ay parang maiiwayak na ako. I really appreciate Tita Rose effort and my family.
"Huwag na nating patagalin pa 'to. I know you're all excited to see our debutante." sabi ng emcee.
Nakarinig naman ako ng tilian kaya napangiti naman ako. Narinig ko rin kasi boses ni Siero. "And now... let's welcome, our lovely, beautiful and stunning debutant!" pag a-announce ng emcee sa akin kaya lumabas na nga ako.
Nasilaw naman ako sa liwanag pagkalabas ko kasi sa akin kaagad nakatutok ang spotlight at agad naman nila akong sinalubong ng palakpakan at tilian.
Nakita ko naman ang mga taong malalapit sa akin. Isa na doon sina Lolo, Lola, Tita Rose, Tito Joe at Siero.
Sa isang table naman ay si Molly, Lala, Rue, Leo, Dave at si Aling Flor. Sa kabilang table naman ay sina Kevin, Vincent, Wezley at Tita. Hindi raw kasi makakapunta si Tito Vicente kasi busy pa raw at naiintindihan ko naman iyon.
Hinahanap naman ng mga mata ko si Jared pero hindi ko pa siya nakikita.
Lumapit naman sina Lola sa akin. "Ang ganda ganda mo, Apo." sabi ni Lola habang malawak na nakangiti.
"Tama ang Lola mo, ang ganda nga talaga ng Apo namin. At dalaga na, mas nagiging kamukha mo na ang Mommy mo, Nathalie." sabi naman ni Lolo.
Hindi pa nagsisimula pero parang maiiyak na talaga ako. "Salamat po, Lola... Lolo." niyakap naman ako nilang dalawa.
"Mag enjoy ka lang ngayon, Apo. Araw mo 'to kaya dapat maging masaya ka." sabi ni Lola.
I nodded. "I will po." and I smiled. Nagpaalam naman sila at umupo na sa table kasama sina Tita Rose, Tito Joe at si Kyle. Kahapon ng gabi lang si Tito Joe nakarating at masaya na ako na nakarating siya.
Umupo naman ako sa upuan na inihanda sa akin. "Naiyak si Lola sa kagandahan ng ating debutant, ang ganda naman talaga kasi oh." sabi ng emcee. Kaya napangiti naman ako sa kanya. "Before we start our party, let's have a game first. Easy lang naman 'to guys, parang quiz bee lang 'to pero.... all of the questions will be all about our debutante. Let's test kung gaano niyo siya ka kilala. And whoever wins, may prize syempre!"
Agad naman silang nabuhay sa prize. "Are you all ready?"
"Yes!" sagot nila.
"Alright! First question! Syempre doon muna tayo sa basic. Ewan ko nalang kung hindi niyo 'to masagot." he continued "Kailan ipinanganak ang ating birthday girl?" agad naman silang nagsitawanan.
"I'll answer!" sabi ni Siero habang nakangiti.
"Alright! Go!"
Tumayo naman si Siero. "It's July 4, 2002 at 12:51 am! Sa San Lazaro Hospital!"
I chuckled. "Woah. That's very specific may date, time at place pa talaga." the emcee said, "But, Nathalie... tama nga ba? Pati ang time at place" pati ang emcee ay natatawa naman.
I nodded while laughing. "Yes, he is correct," I said.
"That's impressive! You'll receive your prize later."
"Next... Favorite color ni Nathalie?"
"Red." sigaw ni Leo.
"Violet kaya." sagot naman ni Dave.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (REVISING)
RandomSi Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap lang ay mabago ang nakasanayang buhay nito? And that happened when her parents died in a car accident...