3

4.7K 120 0
                                    

Nathalie's POV

Nagising ako ng may naamoy akong mabango. Napatingin naman ako sa bintana, umaga na pala. Kaya agad naman akong bumangon sa higaan ko at pumunta na sa kusina kasi doon nanggagaling ang mabango na naamoy ko.

Nakuha ko naman ang pansin ni Lola Fely. "Oh! Gising na pala ang Apo namin. Tamang-tama lang ang gising mo kasi malapit ng matapos itong niluluto ko, Apo at sigurado akong magugustuhan mo ito kaya umupo kana muna diyan ha." sabi ni Lola habang nilulugay ang niluluto niya.

Umupo naman ako at tinitignan si Lola habang hinahanda yung almusal namin ngayong araw.

As what they've said to me last night, Lola Fely is already 57 years old. While Lolo Pedro is already 60 years old and he is older than Lola. Pero parang hindi naman halata kasi he still looks young and strong at his age.

Hindi ko man alam ang dahilan kong bakit hindi kami masyadong magkakasama noon pero alam kong mabait sila kasi simula kagabi ay masasabi kong alagang-alaga naman nila ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya manirahan sa ganitong estadong pamumuhay. Lumaki kasi ako sa masaganang pamilya, hindi man kami ganoon kayaman, pero doon sa siyudad ay nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, hindi katulad dito.

"Eto na! Luto na 'yung almusal natin, Apo." at inihanda na ni Lola Fely ang niluto niya sa mesa. "Kumain ka ng marami ha." at tumabi na rin ito sa akin.

Ang inihanda ni Lola Fely sa hapagkainan namin ay itlog, pakbet at ano to? Tuyo?

Itinuro ko naman iyon. "Tuyo?" pero parang ito yung mabango kanina na naamoy ko.

"Oo Apo, subukan mo iyan at isawsaw mo ang tuyo dito sa suka, masarap iyan." I haven't tried this dish before and I really don't know how it taste.

I scrunched my nose. "Sigurado po ba kayo diyan, Lola? Kasi from what I can see, hindi niya masarap." tanong ko ng may pag-aalinlangan.

She laughed and smiled. "Oo naman. Subukan mo, Apo."

Should I really taste it? Pero parang masarap naman ang amoy.

I end up listening to Lola Fely. Kumuha ako ng tuyo sa pinggan at isinawsaw iyon sa suka, just like what she had said. Ipinikit ko naman ang mga mata ko because I was too scared.

After I munched it, I didn't expect that it will taste good. Kaya napamulat naman ako. I thought hindi siya masarap pero I was wrong it taste so good! At ito nga ang mabango na naamoy ko kanina! It was the tuyo! "Wow! Masarap siya Lola!" at hindi ko na napigilang kumain ulit nito.

Napatawa naman si Lola habang nakatingin ito sa akin habang kumakain ako. "Mabuti naman at nagustuhan mo ang tuyo, Apo." at hinaplos ang buhok ko. Hindi ko naman aakalain na masarap nga talaga 'yung tuyo na 'to.

"Oo nga po. Pero teka lang... na saan na nga po pala si Lolo Pedro? Bakit hindi po natin siya kasabay kumain, Lola?" tanong ko kay Lola kasi kaming dalawa pa lang ang nandito sa hapagkainan.

"Yung Lolo mo ba? Nako! Maaga pa iyon umalis, nasa palayaan pa kasi iyon, Apo. Yun din kasi ang pinangkakabuhayan namin dito lalo na ng mga tao dito sa probinsya."

I nodded. "Ganun po ba? Ano naman po ang ginagawa doon ni Lolo?"

"Nagtatanim ang Lolo mo ng palay doon Apo at pagkalipas ng ilang buwan ay pwede na iyong anihin para maibenta. Meron ding mga alagang hayop ang Lolo Pedro mo katulad ng mga manok at baka." sabi ni Lola.

Namangha naman ako sa sinabu ni Lola sa akin. "Really? Na saan po iyon Lola?" And at his age, he can still do that?

"Nasa likuran lang ng bahay natin, Apo."

Pero hindi na ba masyadong matanda si Lolo para sa mga ganong gawain? Hindi ba siya napapagod doon? Lalo na sa edad niya? Kaya naisipan ko iyong itanong kay Lola. "Nakakaya pa ba iyon ni Lolo Pedro, Lola? Kasi po marami siyang trabado, may palayan na po lalo na at may mga hayop pa siyang inaalagaan."

She smiled. "Nako! Hindi lang naman nag-iisa ang Lolo Pedro mo eh. Kasama niya rin ako at hinding-hindi kami mapapagod sa ganitong pamumuhay. Kasi ito na ang pamumuhay namin simula pagkabata, hindi rin kasi kami sanay na walang ginagawa eh. Kaya mas masaya kami sa ganito." paliwanag niya sa akin.

I still have a lots of questions to ask pero pinili ko na lang munang itago iyon sa sarili ko. "Ganun po ba, Lola."

She nodded. "Oo, Apo."

"Kung ganun po, kumain na rin po kayo ng marami Lola." alok ko sa kanya

"Mauna kana muna, Apo. Hihintayin ko lang ang Lolo Pedro mo." with that, naalala ko na naman si Mommy, kasi she used to wait for Dad to get home para sabay kaming kumain.

Napatingin naman ako sa kanya. "Lola?" siguro kung hindi na aksidente sina Mommy, siguro matutunghayan ko rin kung paano sila tumanda ni Daddy. Pero naipagkait iyon sa akin ng tadhana.

"Bakit, Apo?"

Parang bigla na namang bumigat ang nararamdaman ko. "I miss M-mommy and Daddy already." and again I cried in front of Lola Fely. Kahit anong pilit ko kasing hindi isipin ang bagay na ito ay mas lalo ko lang ito naaalala.

Nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha ni Lola. Kaya lumapit ito sa akin. "Tahan na, Apo. Kahit na ako rin ay nangungulila na sa kanila. Lalong-lalo na sa anak ko, ang Mommy mo." at niyakap ako ni Lola.

I sobbed. "I don't know what to do anymore Lola. I feel so empty right now. Parang wala na akong ganang harapin ang bukas sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit mawalan ng mahal sa buhay, Lola."

Hinaplos niya ang likod ko. "Shhh. Huwag mong sabihin 'yan, Apo. Nandito pa naman kami ng Lolo mo. Hinding-hindi ka namin papabayaan apo, ipinapangako namin namin ng Lolo mo na gagawin namin ang lahat para sa'yo, Apo." hindi ko alam kung bakit pero parang pakiramdam ko ay parang gumaan yung pakiramdam ko.

Naisip ko rin na mabuti na lang at nandito pa sina Lolo at Lola ko para sa akin. Nandito sila para gabayan ako sa mga araw na paparating sa buhay ko.


A/N: Thank you for reading readers! Hope you'll like this story. Feel free to leave a comment and like this chapter!❤️

You're Still The One (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon